"Ang mga butler mo nalang ang bahalang maglabas niyan. Mahuhuli na tayo kung ikaw pa magdadala niyan" sabi ko at ibinalik ko ang phone ko sa loob ng bag ko.

Tinulak ko na pabukas ang pinto saka naglakad na ako palabas, habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang paghawak ni draven sa kamay ko kaya na pangiti nalang ako sa kaniya.

Sabay namin tinahak ang mahabang hallway ng bahay namin at ilang sandali pa ay narating na din namin nag hagdan kaya bumaba na kami.

nagmamadali kami ngayon sa pglalakad namin palabas ng bahay dahil ang usapan naming lahat ay 8:40 a.m kami aalis dahil medyo may kalayuan ang pupuntahan namin at ngayon ay 11:30 a.m na!

tinakbo na namin ni draven ang distansiya palabas hanggang sa makalabas na kami kaya lumapit na kaagad kami sa kanila.

May tatlong itim na van ang nakaparada ngayon sa labas ng bahay namin ngayon at nasa loob ng mga van na iyon ang mga pamilya namin ni draven.

"My god! You're late! What took you so long?"

Si seraphina ang unang sumalubong sa amin ng makalapit kami sa kanila.

"Inayos pa kasi namin yung mga gamit namin. May dinagdag kasi si draven kaya medyo natagalan din kami pagkasiyahin yung mga gamit namin" paliwanag ko at humalik kami sa pisngi ng isa't-isa bago kami naghiwalay ng yakap.

"Kanina pa namin kayo hinihintay dito. Ang init-init na nga tapos pinaghihintay niyo pa kami" dugtong nito habang na papairap pa.

"Seraphina, bakit ba ang init-init na naman niyang ulo mo? Huwag mo nga ibuhos sa kanila yang pagkainis mo" pagsingit naman ni papa at sinalubong niya din ako ng yakap.

"Pa, okay lang. Kasalanan din naman namin kung ba-"

"Hindi. May ibang dahilan kung bakit mainit ang ulo niyang kakambal mo. Hindi kasi siya pinansin ni-"

"Papa! Stop spouting nonsense! It's not about him, okay?"

"him?"

"Oh it's her personal body gua-"

"PAPA!"

Na gulat kaming lahat ng bigla siyang sumigaw at padabog na sumakay sa loob ng van at sobrang init din ng ulo niya.

"Don't mind her. Ganyan na talaga siya. Lalamig din ang ulo niya mamaya" sabi ni papa at nagpaalam ng babalik sa kabilang van kung saan ay nakasakay sila grandpa.

Pati na ang mga magulang ni draven ay nandoon din, magkakasama kasi sa iisang van ang mga magulang namin pati na sila papa, ang grandpa at grandma ni draven.

"Sapphira, let's go. Mahaba-haba pa ang biyahe natin, baka abutin tayo ng gabi bago makarating doon"

Pagtawag sa akin ni Kyliegh na ngayon ay nakatayo sa tapat ng pinto ng van, bumitaw na ako mula sa pagkakahawak kay draven at nakita ko pa na umangal siya.

"Sa kabilang van ka"

"Nah. I want to b-"

"Draven! Let's go!"

Pagtawag sa kaniya ni darwin at ng mapatingin ako dito ay nakita ko na nakasuot siya ng itim na jacket with hood, with his black pants. Katabi din niya si maverick na kakalabas lang ng van.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now