CHAPTER 23

6.9K 168 4
                                    

Sapphira POV

"Let me see"

inikot niya paharap ang mukha ko sa kaniya habang nakadikit ang hawak kong ice pack sa pisngi ko at siya pa ang nagpakuha ng ice pack para ilagay sa mukha ko na ngayon ay namumula dahil sa pagsampal sa akin ni yesenia kanina.

ilang minuto na din ang lumipas simula ng umalis si yesenia at kumalma na din si draven ngayon, hindi katulad kanina na parang gusto niyang sakalin si yesenia dahil sa sobrang galit.

"Hindi naman na masakit" maikli kong tugon at ibinaling ang ulo ko sa kabila dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

"Fuck! dapat talaga hindi ko na siya hinayaan na makalapit sayo. Look what she've done to you!" iritado nitong saad at narinig ko ang malutong niyang mura.

"Baka magkaproblema pa dahil sa ginawa mo. Sinampal mo siya draven"

"She deserve it! she hurt you and I can't stand watching her hurting you" mariin nitong tugon at nagsisimula na naman kumunot ang noo niya.

Tinanggal ko ang ice pack na nakalagay sa kaliwang pisngi ko saka idinikit iyon sa mukha niya, nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko at napatingin din siya sa akin.

"Kumukunot na naman yang noo mo. Kumalma ka nga muna, sobrang mainit na naman niyang ulo mo" sabi ko habang nakadikit ang ice pack na hawak ko sa mukha niya.

Bigla akong na patigil sa paggalaw ng maramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko at lalo pa niya iyon idiniin sa mukha niya habang nakatitig sa akin, hindi ko mapigilan ang hindi mapaiwas ng tingin sa kaniya.

hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil bigla-bigla nalang bumibilis ang pintig ng puso ko kapag nagkakasalubong ang mga mata namin.

bakit ba palagi nalang ako na papaiwas kapag tumititig siya sakin?

aish!

ng mapabalik ako ng tingin sa kaniya ay nakita ko na unti-unti niyang ilinalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako nakagalaw ng mapatitig ako sa mga mata niya, para akong hinihipnotismo sa mga titig niya sa akin.

naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay niya sa mukha ko habang ilinalapit niya ang mukha niya sa akin at ngayon ay ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha namin, naamoy ko din ang paghinga niya. It's sweet and minty.

kusang pumikit ang mga mata ko habang hinihintay ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko hanggang sa tuluyan ko ng naramdaman ang malambot niyang labi na lumapat sa labi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kusa itong gumagalaw.

na padilat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagvibrate at pagtunog ng cellphone ko na hawak ko sa kabila kong kamay. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa.

agad ko siyang na itulak palayo sa akin kaya nagkahiwalay ang mga labi namin at hindi ako makapaniwala dahil sa nangyari. Na pababa ako ng tingin sa cellphone and shaira's name flash in the screen of my phone.

Biglang uminit ang buong mukha ko at hindi ako makatingin sa kaniya ngayon. Tumayo kaagad mula sa pagkakaupo ko at nagmamadaling naglakad palabas.

Sobrang namumula ang buong mukha ko ngayon at ng makalabas na ako ay sinagot ko na ang tawag ni shaira.

[SAPPHIRAAA!] Nailayo ko pa sa tenga ko ang cellphone na hawak ko dahil bigla nalang sumigaw si shaira at halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya.

"Aish! Pwede ba huwag ka ngang sumigaw! Mabibingi na tenga ko sa lakas ng boses mo eh!" Inis kong tugon.

[Huhuhuhu!] Para itong umiiyak ngayon kaya na pakunot ang noo ko.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now