CHAPTER 22

6.9K 198 5
                                    

 Sapphira POV 

Pagod akong naglakad papasok sa loob habang na papahilot pa ako sa batok ko na nangalay dahil sa kakagawa ko ng mga bagong design. Sa susunod na buwan pa makakabalik si shaira at ang alam ko ay may two weeks nalang siya doon bago siya bumalik.

Hindi ko pa siya nakakausap simula ng umalis siya at masiyado din akong madami ginagawa para tawagan siya. 

Maaga natapos ang shift ko ngayon dahil 2:46 p.m palang ng hapon ngayon, maagad din kasi ako pumasok kanina. Bago pa sumikat ang araw ay umalis na ako para pumasok para matapos din ako kaagad. 

ng makapasok ako sa loob ay tinungo ko na agad ang hagdan para umakyat na dahil gusto ko muna magpahinga. Wala din si skylar dito ngayon dahil oras pa ng klase nila. 

Ihahakbang ko na sana paakyat ang paa ko ng bigla akong na patigil ng may malanghap ng ilong ang isang mabango na amoy, bigla nalang tumunog at kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko iyon kaya kahit na pagod ang buong katawan ko ay hinanap ko kung saan iyon nanggagaling. 

hanggang sa mapadpad ang mga paa ko sa tapat ng dining table, na patigil ako sa paglalakad ng mahagip ng mga mata ko ang mga pagkain na nakalagay ngayon sa ibabaw ng table kaya naglakad ako palapit doon. 

Na palunok nalang ako ng makita ko ang mga iyon, lalo din lumakas ang tunog ng pagkalam ng sikmura ko kaya na papikit ako na may kasamang pagkahiya dahil sa lakas ng pagtunog nito.

"Your here. Ang akala ko mamaya ka pa uuwi" 

na palingon ako ng marinig ko ang boses ni draven kaya ng mapatingin ako sa kaniya ay nakita ko na hawak-hawak niya ang isang bowl na naglalaman ng pasta na mukhang kakatapos niya lang lutuin. 

Na pagilid ako ng lumapit siya para ilapag ang dala niya  at ng mailapag niya ay na pababa ako ng tingin, mabilis niyang ilinagay ang mga kamay niya sa likod pero bago pa niya ilagay iyon sa likod niya ay nakita ko na ang kamay niya. 

nakita ko ang madaming mga sugat sa kamay niya at namumula din ito kaya ng mapaangat ako ng tingin sa kaniya ay isang malaking ngiti ang sinalubong niya sa akin. 

"Nagluto ka?" tanong ko sa kaniya at tumango-tango ito, "Yup! Na isipan ko lang magluto and since ang sabi mo hindi  mo tatanggapin ang mga pinapadala ko sayo ay naisip ko na ipagluto ka nalang. Wala naman ako gagawin ngayon" sagot nito kaya tinanggal ko na ang bag ko na nakasukbit sa balikat ko saka ilinapag iyon sa upuan sa likod ko, ilinapag ko din ang iba ko pang mga dala at na patingin sa kaniya. Na pabuntong hininga nalang ako. 

"Bakit puno ng sugat yang mga kamay mo?" tanong ko sa kaniya at bigla siyang na paiwas ng tingin sa akin.  "Sugat? anong sugat? meron ba?" pagmamaangan nitong tugon. 

"Nasaan ang first aid kit mo?" 

"First aid? para saan?  may pr-" 

"Nasa kusina ba?"

pagputol ko sa sinasabi niya at ng mapatingin ako sa kamay niya ay nakalagay pa din ito sa likod niya. 

Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya palayo doon, naglakad na kami papasok sa loob ng kusina at ng makapasok kami sa loob ay bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa braso niya kaya hinanap ko na ang first aid kit niya.

Hindi naman ako nahirapan na hanapin iyon dahil nakita ko iyon na nakalagay sa gilid ng counter table at may sign din na nakalagay sa lalagyan na iyon kaya hinila ko na pabukas ang maliit na takip noon saka kinuha ang maliit na box sa loob.

"Umupo ka, gagamutin ko yang mga sugat mo"

Utos ko sa kaniya habang nakaturo sa high chair sa counter table, naglakad siya palapit doon at umupo kaya lumapit na ako sa katabing upuan niya saka umupo, ilinapag ko na sa ibabaw ng counter table ang hawak ko saka kinuha ang tali ko sa bulsa ng pants ko at tinali ang buhok ko.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now