CHAPTER 35

7.2K 217 5
                                    

Sapphira POV

LUMIPAS ang mga araw at naging maayos na din ang kalagayan ni skylar. Tinanggal na namin ang bandage na nakalagay sa ulo niya at humihilom na din ang malaking sugat sa ulo niya.

Paunti-unti ay nakakapagsalita na ng maayos si skylar, hindi din ako nakapasok ng ilang linggo dahil kailangan ko maalagaan at bantayan si skylar habang si draven naman ay kasama ko din.

"Oh kumain ka na ba?"

Tanong ko kay draven ng makalabas ako ng playroom ni skylar dahil nasa loob siya ngayon at naglalaro habang kasama ang nanny niya.

Nabalitaan ko din na pinalitan ni draven yung ibang mga maids at butlers dito, kung hindi ako nagkakamali ay yung mga tinanggal niya ay isasama niya sa three days meeting niya sa Australia para sa isang project na gagawin nila.

Pero may mga dinagdag din siya na mga maids at butlers.

"Hindi pa. Hinihintay kita, hindi naman ako makakain kung hindi ka kasama eh" sagot nito kaya na patango nalang ako.

Nauna na ako sa paglalakad pero naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong pasimple siyang nakatingin sa akin habang na papangiti pa.

Hindi ko naiwasan ang hindi mapangiti habang magkahawak ang mga kamay namin at naglalakad kami.

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa dining room at pinaghila niya pa ako ng upuan kaya umupo na ako, umupo naman siya sa harap ko.

Linagyan niya ng pagkain ang plato ko kaya nagsimula na akong kumain habang magkahawak ang mga kamay namin.

"May sasabihin pala ako" sabi ko at tumigil ako sa pagkain ko.

"Hh-hhmm?"

"Tungkol sa pamilya ko. Sa mga rionach" dugtong ko kaya na patigil ito at na paangat ng tingin sa akin

Uminom muna ako ng tubig bago ko kinuwento sa kaniya ang lahat, kung paano ko nalaman na may kakambal ako at kung ano ang nangyari nung araw na iyon.

Tahimik lang siya habang kinukuwento ko sa kaniya iyon pero na pansin ko na biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya habang kinukwento ko sa kaniya iyon.

"So you are the daughter of rionach family which is the most powerful in business industry. And you have a twin sister"

"Uh-huh?"

Pinunasan nito ang bibig niya gamit ang table napkin at uminom ng tubig bago nagsalita.

"Alam mo ba kung gaano kalaki at kalawak ang hawak ng pamilya mo?"

"Hindi pa? Pero may naririnig ako tungkol sa kanila nung ako pa yung humahawak ng company ni mama"

"Well, your family is a multibillionaire. Mas malaki at madami ang mga hawak nilang mga properties at share kaysa sa mga hawak namin. They are more powerful than we are" aniya nito kaya na patigil ako sa pag-inom ng tubig at na pabalik ng tingin sa kaniya.

"Wala naman sigurong magiging problema sa mga pamilya natin diba?" Tanong ko sa kaniya dahil baka mag-iba ang lahat dahil lang sa mas mayaman ang pamilya ko kaysa sa pamilya nila.

"Of course. Wala naman magbabago. Actually I'm planning to introduce myself to your family since we're getting married" sagot nito kaya biglang napataas ang isa kong kilay.

"Married huh? Paano naman mangyayari yun kung malapit ka ng ikasal sa fiancee mo. Hindi ba next week na ang kasal niyo?" May halong pagkasarkastiko kong tugon at nakita kong umukit ang isang mapang-asar ba ngise sa mukha nito.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now