CHAPTER 21

7K 170 4
                                    

Darwin POV

Kumatok na ako sa pinto ng kuwarto ni aliyah at ilang sandali pa ay bumukas na din ito.

"Mabuti naman at nandito ka na. Ang akala ko hindi ka na pupunta eh" aniya nito habang binubuksan ng malaki amg pinto at umatras palayo sa pinto kaya naglakad na ako papasok sa loob.

"Yeah, kung hindi ako pupunta dito ay hindi mo din ako titigilan" walang gana kong tugon saka sinara na ang pinto at na patingin ako sa buong paligid.

"Of course! Kakabalik mo lang pero gusto mo na agad ako taguan, mabuti nalang sinabi sakin ng grandma mo ang new phone number mo" aniya nito habang naglalakad palapit sa counter table.

"Can I use your room? I want to take a nap, I didn't get enough of sleep" sabi ko habang na papahikab pa ako at sobrang bigat na din ng mga mata ko.

"Okay, you can use my room--" sagot nito kaya naglakad na ako palapit sa pinto at hinawakan ang door knob para ipihit iyon pabukas, "But there's someone who will come here. She is my designer so can you please open the door for her?" bigla akong na patigil sa pagbubukas ng pinto ng marinig ko ang sinabi niya kaya walang gana ko siyang binalingan.

bihis na bihis na siya ngayon at mukhang mauuna na siya sa baba kung saan ginaganap ang isang celebration para sa partnership na mangyayari sa pagitan ng pmilya nila aliyah at sa pamilya ng avalon.

"Ms. Rionach will be here withi-"

"Got it"

naglakad na agad ako papasok sa loob at hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi niya, Tinanggal ko kaagad ang jacket na suot ko saka ipinatong iyon sa upuan na nasa gilid at naglakad na palapit sa kama.

Umupo na ako sa gilid ng kama at sinimulan tanggalin ang pagakkasintas ng sapatos ko pero bigla akong na patigil ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto kaya hindi ko na muna tinanggal ang sinta ng sapatos ko at naglakad na palabas.

wala na si aliyah ng makalabas ako kaya na patingin ako sa pinto at naglakad palapit doon, hinila ko iyon pabukas hanggang sa bumungad sa akin ang isang babae na mukhang siya yung sinasabi ni aliyah kanina. Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya ng makita ako at bigla nalang siya natulala.

Na pabaling pa ang ulo ko sa kaliwa at kanan para tignan kung nandito pa ba si aliyah dahil kakaalis niya lang at baka hindi pa siya nakakalayo pero hindi ko siya nakita kaya na pabalik ako ng tingin sa kaniya.

Inaya ko din siya sa loob at ng makapasok siya ay sinara ko na ang pinto. Naglakad na uli ako palapit sa pinto at bago ako bumalik sa loob ay nagpaalam muna ako sa kaniya.

Hindi ko na hinintay na marinig ang sasahihin niya dahil pumasok na agad ako at naglakad na palapit sa kama. Humiga nalang ako at ipinikit ang mga mata ko.

Ilang sandali pa ay nagising ako ng marinig ko ang pagtunog at pagvibrate  ng phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng suot ko at ng idinilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang pangalan ni aliyah na lumabas sa screen kaya sinagot ko na.

[Hindi na pala ako makakapunta siya. Pwede ba dalhin mo nalang siya dito?]

"Nah. You can call her and tell that-"

[Hindi siya makakapasok dito, nakalimutan kong ibigay sa kaniya yung invitation card, ikaw lang ang may hawak ng invitation card, saka gusto ko din siya ipakilala sa mga kaibigan ko. PPlleasee!]

Na pahinga nalang ako ng malalim at pumayag na sa sinasabi niya. Tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga ko at ilinapag ang phone ko, lumapit ako sa walk-in-closet niya para kumuha ng dress na ipapahiram niya.

Wala naman akong alam sa mga ganito kaya kung ano nalang ang una kong nakita ay yun nalang ang kinuha ko. Lumabas na agad ako sa labas at sinabi sa kaniya ang pinapanasabi ni aliyah.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now