Ang puti! Ang ganda ng mata niya, blue na blue at shuta! Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman ang bilis ng ttibok ng puso ko.

"Tol lika na tapos na yung race ohh"

Napabalik naman ako sa huwisyo ng bigla akong tapikin ni Flint sa likod kaya napalingon ako sakanya saka binalik ulit ang tingin kay number twenty nine.

Kahit sa huling sandali, hayaan mo akong alalahanin ang mukha mo. At sa hindi ko inaasahan, bigla pang mas lumakas ang tibok ng puso ko ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya napakurapkurap pa ako at hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko.

Pero napakunot ang noo ko ng bigla niya akong nginisihan na parang nang iinsulto siya kaya napabuga ako ng hangin.

"Huh! A-ano yun? Nginisihan niya ako? Bakit?" Tanong ko sa sarili ko.

"Tol ano ba halika na!" Hila saaken ni Flint na mukhang bumalik pa para hilahin lang ako paalis dito.

Habang hila-hila ako ni Flint hindi ko naman inalis ang tingin ko sa babaeng yun na ngayo'y busy na sa pagsagot ng mga tanong mula sa mga reporter habang walang reaksyon ng mukha.

"Huh! Magkikita pa tayo! Sino ka para ngumisi ng ganon ha!" Singhal ko kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig pero bigla ulit siyang tumingin saaken at nginisihan ulit ako. "Aba'y!" Sabi ko at umaktong manununtok pero hinila ulit ako ni Flint.

"Hoy! Mukha kang baliw jan sino ba kausap mo ha?" Sabi niya saaken at tuluyan na nga akong hinila palabas ng arena.

"Wala" badtrip kong sabi sabay ayos ng damit ko at naglakad na ng maayos pero palingon-lingon pa rin. "Humanda ka saakeng babae ka kapag nagkita ulit tayo" bulong ko at sumakay na sa kotse kong McLaren.

Ohh yeah my baby, baby Laren mwah! Napangisi naman ako ng magsilingunan saaken ang mga babaeng naglalakad palabas.

Yaman to tol! Sino sasakay? Road to heaven hahahaha just kidding. I definitely don't have a girlfriend right now so sinong mag a-apply? Kidding again! Eto seryoso, sa totoo lang never nagtagal ng weeks ang mga naging girlfriends ko dati, I just find it boring.

Madali akong magsawa sa isang tao kapag hindi ko nagugustuhan, ayoko naman sa mga kagaya kong racer na babae kasi parehas lang naman kami ng trabaho tapos ang pag-uusapan namen pareho lang din naman tch.

Ayoko din sa masyadong mabait kasi nakakairita, kasi kahit naiinis na ang bait bait pa rin kahit deep inside gusto ng manamplal kaya hindi ko din maintindihan masyado ang nga taong mababait.

No hate to ahh baka mamaya ibash niyo ako, mawawala kagwapuhan ko niyan, tsaka hihina ang hatak ng chiks niyan mga pre hahahahahaha.

At mayamaya nga lang habang nagmamaneho pabalik ng mansyon bigla kong nahagip ang isang kotse na sobrang bilis ng takbo kaya tinignan ko naman ang side mirror sa kaliwa ko at nakita kong hinahabol siya ng police car.

Matik! Ang bilis non ahh! Kaya para makatulong, agad ko namang inapakan ang gas at pinaharurot ang kotse ko para habulin ang kotseng yun. Pinindot ko naman ang button para tumunog ang pinakabit kong siren, kapag ganito kasing sitwasyon wala naman ibang tutulong kundi ang isang pinakamagaling na racer diba?

Tsaka kilala na din ako ng mga pulis kasi madalas talaga akong tumulong sakanila kapag ganitong may naiingkwetro akong habulan sa kalsada.

Niliko naman ang manebela at nagulat naman ako ng saktong pagliko ko may lumipad na motor mula sa kanan ko at mabilis din na pinapaharurot ang motor niya.

Napakurapkurap naman ako habang nagmamaneho pa rin ng mabilis ng makita yun, ang laki kaya ng motor na dala niya! Paanong napalipad niya yun ng ganon. At... at mukhang pamilyar saaken ang motor niya.

*Wang* *Wang* *Wang*

Naituon ko naman ulit ang atensyon ko ng marinig yun at nakita kong nakasunod na saaken yung police car kaya mas binilisan ko pa ang takbo ng  sasakyan ko at naabutan ko na nga yung nakamotor na sobrang bilis magpatakbo. Nagkatapat naman ang mga sasakyan namen at mabilis akong lumingon sa kanan para tignan yung nakamotor at nakita kong nakatingin din siya saaken habang nakasara ang helmet.

Ibinalik ko naman kaagad ang tingin sa unahan at nakita kong madali ko nang maabutan yung sasakyan ng bigla na lang lampasan ulit ako nung nakamotor at lumiko sa isang iskinita.

"Lagot ka ngayon totoy" nakangisi kong sabi ng kakaunti na lang ang pagitan ng kotse ko sa kotse niya.

Kaso lang bigla akong napapreno ng sumilpot yung motor sa unahan ng kotse na hinahabol ko kaya inilikot ko yung manebela ko para hindi tumama doon sa kotse na ngayo'y nakatagilid na para hindi masagasaan yung taong naka motor.

Agad ko namang pinatay yung makina at inis na lumabas ng kotse at tinignan ng nakakunot ang noo yung naka motor na siya ring bumaba sa motor niya at inalis ang helmet kaya nanlaki naman ang mata ko.

"Ikaw!?" Pasigaw kong tanong habang nakaturo sakanya dahil sa gulat.

Tinignan niya naman ako ng walang emosyon, pero nabaling ang tingin ko sa isang lalake na palabas mula sa passenger seat kaya naalerto ako dahil mukhang tatakas pero napahinto ako ng biglang umikot yung babae at sinipa sa mukha yung lalake na lumabas.

"Whooo" mahinang sabi ko dahil mukhang masakit at malakas yung pagkakasipa niya kasi nakatilapon yung lalake.

Napalingon naman ako sa likod ko ng marinig na ang sasakyan ng pulis at paglingon ko ulit doon kay number twenty nine nakasakay na siya sa motor niya at nakasuot na rin ang helmet niya.

"Maraming salamat Idol!!" Sigaw ni officer kaya napakunot naman ang kilay ko at saka naman niya pinaharurot ang kotor niya. "Oyy sir, salamat rin ho" pansin niya saaken at sumaludo pa bago lumapit doon sa sasakyan at inilabas sa driver's yung isa.

Kinuha naman ng kasama niya yung tumilapon at pinosasan.

"Una na kami sir, salamat ho ulit" sabi niya pero pinigilan ko siya.

"Kilala niyo ho yung babaeng yun?" Tanong ko.

"Sino ho? si ma'am idol? Oho! Tumutulong rin ho siya saamen tuwing may ganitong habulan. Sige ho una na kami at dadalhin na namen to sa prisinto" sabi niya at pinasok na sa police car yung dalawa.

Ako naman naiwang nakakunot ang noo sa gilid ng kalsada. M-ma'am i-idol?! Tapos saaken s-sir lang!? Aba'y hindi patas yun ahh!

Race Of LoveWhere stories live. Discover now