Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking batok at dumaloy ang lamig sa buo kong katawan. Nawalan ako ng lakas. Nawala ako sa sarili.

Tama.

Tama, boses iyon ng Ina. Naging mas mapanuri ako sa aking paligid. Saan nila dinala si Ina? Bakit kay lapit ng kanyang boses?

Saan nila dalawa!

Nagsisigaw ako sa aking isipan pagkat walang boses na lumalabas sa aking bibig. Mainit ang tenga at mata ko pero sobrang lamig ng aking katawan.

Anong nangyayari?

"Anak, tumalikod ka"

Automatic akong napalingon sa likod. At doon....si Ina. Nakagapos.

Nakataas ang dalawa niyang kamay. Nakayuko ang mga ulo dahilan sa pagod at sakit.

Puno ng dugo ang kanyang suot at hindi ko maitsura ang kanyang buhok. Nagkabuhol buhol ito dahil sa dugo.

Parang pinana ang puso ko sa aking natanaw ngayon. Para akong hiniwa ng paulit ulit. Walang makakatumbas ang sakit na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin, nakanganga sa sitwasyon ng aking Ina.

Bakit nila ginawa ito sa kanya?! Bakit?

Dahan dahan ako naglakad sa kanya. Nang nagkalapit kami ay mabilis ko siyang niyakap.

"Ina...."

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak. Puno ng pangulila ako sa kanya. Puno ng galit at puot ang puso ko sa mga may gawa nito.

Hinding hindi ko sila titigilan hangga't hindi ko maipaghiganti ang aking mga magulang.

"Anak ko..." Humaguhol siya sa iyak.

"Ina....bakit nila ito ginawa sa atin. Ano ang naging kasalanan natin"

Ngunit matamis na ngiti lamang ang kanyang tinugon niyon. Muli ko siyang niyakap. Sa unang pagkakataon naramdaman ko ang kaligtasan.

Kahit alam kong nasa panganib ang buhay naming magpamilya pero ramdam ko parin iyon. I feel safe in her arms.

Nag iiyakan kami nang tumunog ang bakal ng silda namin.

Pareho kaming napalingon ni Ina doon. Nagtagis ang bagang ko.

Masangsang ang amoy kaya alam kong kalaban ito.

"Huwag kang lumapit" pagbabanta ni Ina. Ngunit sadyang matigas talaga ang ulo kahit ina ko na ang may sabing huwag lumapit ay lumapit talaga ako.

"Zafira...." Puno ng pag aalala ang boses niya. Kaya naman ay ningitian ko siya bilang pagbigay siguridad na ayos lang ako.

"Sino 'yan..."

"Mate"

Nabuhay ang tapang sa akin nang marinig ang boses ni Levi.

"Damn mate bakit hinayaan mong ikulong ka d'yan?"

Nasa labas siya ng selda at nakahawak sa mga bakal. Madilim ang tingin niya at matulis ang paningin.

"Tumahimik ka nga. Nagpapahinga si Ina"

Ang dating galit niyang expression ay napalitan ng liwanag na makikita sa kanyang mga mata. Ningitian ko siya.

"The Great Commander" niyakap niya ako kahit may nakaharang sa amin. Ngunit agad siyang lumayo at muling nag tiim bagang.

"But it doesn't change anything. Nanjan kayo. Namamatay ako kapag hindi ka makakawala jan!" Asik niya.

Napairap ako. "Paano ka ba napunta dito. Nasaan si Reynard?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit si Reynard talaga ang hinanap mo? Pwede namang si Dayari"

"Sagutin mo nalang" walang gana ko siyang tiningnan.

"Nandito kami..." Napatingin ako sa ibabaw ng ulo ko. Nandoon si Dayari at Reynard. Palipad lipad. Nag chichill takteng yan.

Sana naging ibon nalang din ako.

"Paano tayo makakalabas dito? Mag isip ka nga Levi. Naturingang bampira e. Para ka namang wtf."

"Anak sino 'yan"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Levi. Ningitian niya ako. Saka siya nagsalita.

"Ako po ito si Leviticus, ang nakatadhana sa anak niyong matigas ang ulo" sabay tingin niya sa akin.

Narinig kong nag chuckled si ina.

"Ang anak ng Luna..." Mahina niyang halakhak.

"See..." Pagyayabang niya sa akin.

Sinamaas ko siya ng tingin. Baliw.

A White WarriorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang