CHAPTER 9

11 3 0
                                    

He groan again na binalewala ko ulet. Matapos naming kumain ay hindi na ako lumapit sa kanya. I don't know. I just feel distancing from him.

Sumama ako kay Manong Eddie. Sabi niya'y nakahanda na ang mga sasakyan naming lahat para tutungo na kami sa Palasyo.

It's kinda weird. Palasyo. Parang noong unang panahon pa iyon. Ang bigkasin nga ito ay nakicringe ako. Cringe ang mga nangyayari sa akin ngayon but who am I to complain? Isa nga akong lobo.

"Miss, nasaan ang Ginoo?"

Nagkibit balikat lamang ako sa kanya at binalewala ang kanyang tanong. Si Levi ang kanyang tinutukoy na wala akong pakialam kung nasaan.

Malaki na siya. Kaya na niya ang kanyang sarili. Sumalampak ako sa sasakyan. I cleared my mind. Ang mga nangyayari ngayon ay nakakapagod. Sobrang dami. Marami akong katanungan sa isipan na hindi ko man lang kayang bigkasin.

Dala sa pagod ng aking katawan ay nakatulog ako sa byahe.

"Masaya ako, Anak"

Hinanap ko ang si Ina sa pinanggalingan ng kanyang boses ngunit hindi ko matagpuan. Gusto ko siyang yakapin at tanungin. Marami akong katanungan na gusto kong siya mismo ang sasagot sa akin.

"Am i....?"

Mahinang tawa ang kanyang isinagot sa akin. Napapikit ako niyon kasabay ang pagtulo ng luha. Pangungulila ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Galak dahil naririnig ko ang kanyang boses kahit hindi masilayan ang kanyang mukha.

"Hihintayin kita, anak."

"Ina!"

Napahagulhol ako sa kagustuhang nais ko pa siyang makasama. Marinig ang kanyang malambot na tawa at nakahalina na boses.

"Zafira"

"Zafira!"

"Zaf"

"Zafira!"

Nagising ako sa pagyugyog at sigaw ng isang lalaki. Naiinis ako bigla. Bakit ba? Ang sarap ng panaginip ko at nandidisturbo siya sa tulog!

"What?" Inis kong binawi ang balikat sa kanya.

Inilibot ko ang paningin at nasa sasakyan pa kami.

"I-m I'm sorry but you need to wake up."

Tila tinusok ng karayom ang puso ko nang nakita ang nasasaktang mukha ni Levi. Gusto ko siyang aluin at mag sorry din. Pero hindi ko magawa.

Nilahad niya ang kanyang kamay na may dalang pagkain. Kumalam ang sikmura ko nang matanaw ito.

"Kumain ka muna. Mahaba pa ang byahe" walang emosyon niyang sabi sa akin.

Ako na naman iyong nasasaktan sa kanyang asal.

Kinuha ko ang pagkain at nagsimulang kumain. Nasa harap si Manong Eddie. Nag mamaneho. Nasa tabi ko naman siya.

Bakit mainitin ang ulo ko ngayon?

"K-kumain ka na ba?" Sa wakas ay nagsalita na ako.

He glanced at me side way at muling binalik ang tingin sa labas saka siya tumango.

Nahihirapan akong lumunok dahil sa awkward na atmospera. Kasalanan ko to eh. Sinigawan ko siya. Hindi ko naman kasi alam na siya pala iyon! Eh paano pag si Manong? Edi nasigawan mo ang matanda?

A White Warriorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن