"Sana nga totoo ang ipinapakita sa'yo ni Allen."

Bakit joke joke lang ba ang pinapakita ng asawa ko? Alam kung naninibago lang sila. Ganon din naman ako dahil nakikita ko na talaga ang pagbabago ni Allen.

"Magpabili kana kaya kay Allen ng sarili mong sasakyan."

Biglang sabi niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Ihahatid na niya ako pauwi. Dahil may pupuntahan pa daw siya ngayon para sa business niyang hindi ko alam.

"Anong gagawin ko sa sasakyan eh hindi nga ako marunong mag maneho."

"Driving lesson."

Tsaka nalang ako mag aaral mag maneho kapag hindi na ako tinatamad. Tinuruan na ako dati mag maneho ni Edrick 'nung college palang kami kaya lang ay hindi ko talaga ma gets kaya inihinto na namin 'yun. Naalala ko pa na nabangga ko ang sasakyan niya sa pader. Hindi naman siya nagalit sa'kin dahil mayaman naman siya. Marami siyang sasakyan.

"Oh lumayas kana sa harap ko dakilang uto-uto."

Mataray niyang sabi ng ihinto niya ang sasakyan sa harap ng bahay namin ni Allen. Nginitian ko lang siya at kaagad na bumaba. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa itaas. Matutulog muna ako at gigising nalang ako ng mga alas kwatro.

"Adi wake up..."

Naalimpungatan ako dahil sa mga tapik ni Allen sa braso ko. Dahan dahan naman akong bumangon at tumingin sa kaniya. Teka bakit ang aga niya yata?

"Oh Allen nandito kana? anong oras na ba?"

"Five thirty."

"Ang aga mo naman, nagugutom kana ba? teka magluluto muna ako."

Bago pa ako makatayo ay pinigilan na niya ako. "Magbihis kana aalis tayo."

Tama ba ang narinig ko? aalis kami? pasimple akong napangiti. Hindi talaga ako nananaginip dahil malakas kong kinurot ang kamay ko. Pasimple lang din ang pag aray ko, at hindi naman iyon nahalata ni Allen.

Hindi na ako nagtanong pa at kaagad ng nagbihis. Naligo narin ako kanina bago ako natulog kaya okay lang kong hindi na ako maligo ngayon. Tonight I am wearing a high weist pants and a fitted white crop top. Dahil sa fitted nga ang suot kong damit ay humuhulma ang aking mga dibdib. Sinuutan ko din iyon ng black stilleto.

Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Allen na abala sa pag aayos ng mga news paper na nakakalat sa maliit na lamesa dito sa salas.

"Tara na." Aya ko.

Nakita kung nakatingin siya sa suot ko. Huwag niyang sabihin na uutusan niya akong magpalit ng damit? damit parin naman 'to eh fitted lang.

"Bakit ganyan ang suot mo? your boobs are molding."

Seriously? wala talagang preno ang pagkakasabi niya.

"Inaano kaba ng boobs ko Allen."

"Hindi ka nagsusuot ng mga ganyang damit dati."

"Kaya nga ako nagsusuot ng mga sexy na damit para mapansin mo ako, kaya halika na." Malakas ko siyang hinigit palabas ng bahay. Wala naman siyang nagawa kundi ang magpahila sa'kin.

Sabay kaming pumasok sa sasakyan at kaagad ng umalis. Wala kaming imikan buong byahe. Hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na bahay.

Sabay kaming bumaba ni Allen at pumasok na sa loob. Hindi naman ganun ka dami ang tao, sakto lang. Lumawak ang ngiti ko ng makita ko si Rayven bitbit ang cute nitong anak.

"Oh my god Adi I miss you!"

Iniabot ni Rayven ang anak niya sa isang katulong at mahigpit akong niyakap. I hugged her back. Na miss ko ang babaeng 'to!

"Mabuti nalang at nakarating kayo."

"Teka kailan kayo umuwi?"

"Last week lang."

Galing silang London. Pagkatapos niyang manganak ay umalis na sila dahil nanduon ang pamilya niya kung kaya't kailangan nilang sumunod. Habang si Gino naman, ang asawa niya ay pabalik balik lang dito sa pilipinas dahil sa trabaho.

"Nako Rayven ang ganda ganda mo parin."

"Mas maganda ka baliw to, by the way hello Allen nasaan ang anak ninyo?"

Bigla kaming natahimik. Walang ni isang may nagsalita sa amin. Dumapo naman ang tingin ko kay Allen na nakayuko lang.

"Ah si Rayven kasi mapagbiro talaga."

Sulpot ni Gino.

"Teka diba Adi sabi mo—"

Hinigit siya ng asawa niya at niyakap. "Ang madaldal kong asawa talaga." He laughed.

Nang muling dumapo ang paningin ko kay Allen ay nakita kung karga karga na niya ang bata. Kinukulit niya ito at hinahalik halikan. Parang pinanggigigilan niya ang anak nila Rayven at Gino.

"Birthday ngayon ni Nira."

Tukoy nito sa batang karga karga ni Allen.

"Ilang taon na?"

"Dalawang taon na ngayon."

Marami pang sinabi sa akin si Rayven ngunit ni isang salita ay walang may pumasok sa kokote ko. Dahil ang buong atensyon ko ay nasa kay Allen lang na sobrang saya habang inaaliw ang bata.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon