Special Chapter 3 : Shane

175K 3.1K 479
                                    

Special Chapter 3 : Shane

Nagising akong yakap-yakap ni Gian. Tiningnan ko siya. Mahimbing ang tulog niya. Anong oras kaya siya umuwi kagabi? Nilapit ko mukha ko sa kanya para halikan ng may maamoy akong hindi ko nagustuhan.

Nagtatakbo ako sa banyo para sumuka.

@_@

Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na si Gian at hinahawakan ang likod ko. Hinarap ko siya.

"Stay away from me!" sigaw ko sa kanya.

O____O

Halatang nagulat si Gian sa sinabi ko.

"Bakit?!"

"Ayoko ng amoy mo! Amoy alak ka! Bakit ka nag-inom kagabi? Ang baho mo!"

Inamoy niya ang sarili niya pati damit niya.

"Siguro lasing na lasing ka kagabi noh? Look, hindi mo na nga nagawang magpalit ng damit!"

"Wifey.." lalapitan na naman niya ako.

"No! Don't. Ayoko na amoy mo! Alam mo bang hinintay kita kagabi?"

"I know. Nakatulog ka na sa sofa. Dapat di mo na ginawa yun. Uuwi naman ako, kaya binuhat na lang kita paakyat dito sa kwarto. Ang higpit ng yakap mo sa kin, hindi na ako makagalaw kaya hindi na ako nakapgpalit ng damit", paliwanag nya.

"Ah basta. Huwag kang lalapit sa akin na ganyan ang amoy mo!"

Kinuha na niya ang towel at naligo na siya.

**

"Hubby, ano kayang ginagawa ni Allyna ngayon?" nakaupo kami ni Gian sa sofa sa sala, nanonood kami ng tv.

"Bakit naman bigla mong naisip si Allyna?"

"Wala lang. Namimiss ko siya. Gusto ko nga siyang makita eh. Ang ganda niya kasi. May hawig kayo", sabi ko.

"Eh syempre, magpinsan kami eh. Wala naman sa lahi namin ang pangit, kaya sigurado ako paglabas ng baby natin, gwapo yan!" pagmamalaki niya.

>>.<<

GWAPO??!

"Sinong maysabi sayo?! Babae ang anak natin. Gusto ko baby girl!" sabi ko. Bakit ba gustong gusto niya ng baby boy eh mas cute naman kapag babae ang baby, mas nakakatuwang damitan.

"Baby boy yan!" sabi niya.

"Hindi nga! Girl nga! Kung gusto mo magpustahan pa tayo!" alok ko sa kanya.

~_~

"Kelan ka pa naging sugarol? Basta sana healthy ang baby natin, tsaka kung baby girl man yan, sigurado ako kasing ganda mo siya..", sabi ni Gian. "..pero baby boy naman talaga eh", bulong pa niya.

"Bakit ba gustong gusto mo ay baby boy?" tanong ko. Curious lang talaga ako.

"Sino bang ama ang ayaw magkaanak na lalaki diba? Gusto ko kasi ang panganay lalaki, para siya ang magtatanggol sa mga kapatid niya."

Ah. Kaya pala. Sabagay may point nga siya, pero baby girl pa din ang gusto ko.

"Huwag na nga tayong magtalo. Kung baby girl man yan, okay lang sa akin. Anak ko yan kaya mahal ko yan tsaka pwede naman tayong gumawa ulit hanggang sa magkababy boy na tayo, at pwede na nating simulan magpractice ngayon!" at bigla ako inihiga ni Gian sa sofa.

"Waaaah! GIAN! Ano ka ba?! Nakikiliti ako!!" sigaw ko habang tumatawa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

PLEASE READ THIS!

Is this the end of the Special Chapters? Yes. There will be no more Special Chapter for this book.

Why?

Because there is a Book II of Marry Me entitled "Kiss Me". I hope magenjoy din kayo sa Book II nitong Marry Me. Mas kiligin at mas ma-excite sa pagpapatuloy ng lovestory nina Gian at Shane.

KISS ME (Book II of Marry Me)

So VOTE and COMMENT. lels

Click the External Link to proceed to KISS ME (Book II of Marry Me) or type this https://www.wattpad.com/story/6307006-kiss-me

-youramnesiagirl

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now