Chapter 26 : Shane

134K 1.7K 99
                                    

Chapter 26 : Shane

"I want you to meet Shane, my wife", pakilala sa akin ni Gian sa mga kabanda niya. "Wifey, meet my bandmates, Chad, P.J. and Matt."

Nagtinginan silang lahat sa isa't isa.

O.o

"Wiiffeeyy???" sabay sabay nilang sabi. "Ang cheesy ha!"

"Finally, nakilala na din namin ng personal ang asawa mo", sabi nung Matt.

"Sorry kung ngayon ko lang napakilala", paumanhin naman ni Gian habang nakahawak ang kamay niya sa bewang ko. Maayos na nga pala ang kamay ko, wala ng benda.

Nasa Jam House kami noon, isinama ako ni Gian at gusto nga daw niya akong ipakilala. Ang sarap sa feeling, parang kulang na lang isigaw niya sa buong mundo na asawa niya ako.

\(*o*)/

Naupo kami sa sofa na nandoon.

"Wifey, saan mo gustong mag honeymoon?"

>>*.*<<

"Honeymoon??" bulong ko, baka kasi marinig ng mga kaibigan niya, nakakahiya. Pero mukha naman busy sila sa pagpapractice na tumugtog.

"Oo. Hindi pa naman tayo nakakapaghoneymoon diba?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Ayoko. Ayoko ng honeymoon. Wag na kasi", sabi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit sa kanya.

"Gian, ano ka ba? Nasa harap tayo ng mga kaibigan mo", naiilang kasi ako, nagpapakasweet si Gian eh may mga tao. Nakakahiya.

(-.-")

"So what? Wag mo silang pansinin. Sa Greece? O sa Canada? Paris?"

"Huh? Paris?"

Paris. Pangarap kong pumunta doon pero..

"Paris. Sige, pupunta tayo sa Paris after this schoolyear."

"Ehem. Pwede ba naming maistorbo sina Mr. and Mrs. Santillan?" tanong nung kaibigan ni Gian, yun yata yung P.J.

Tumingin naman kami ni Gian sa kanila. Gusto lang palang sabihin na kailangan na nila si Gian para makapagpractice na sa pagtugtog. Tutugtog kasi sila this week kasi patapos na ang school year.

**

"Andyan ka na naman?" tanong ko kay Gian pagkalabas ko sa banyo. Nakahiga kasi siya sa kama ko. Kakatapos ko lang magshower.

"Dito ako matutulog", sabi niya.

Kumuha ako ng unan at binato ko siya. "At sino naman ang maysabi sayo?"

"Ako. Kaya halika na dito. Matutulog na tayo. Sige ka, isusumbong kita kay Lolo."

Aba at tinakot pa ako. Inayos niya ang unan ko.

"Bakit ka ba sumisiksik dito eh may kama ka naman sa kwarto mo?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok ko.

"Oo nga. Bakit nga ba tayo nagsusumiksik dito eh ang laki ng kama sa Master's Bedroom? Lipat na kaya tayong dalawa dun?"

O.o

Lipat?! Hala! Eeehh??

"Eh di lumipat ka doon", sabi ko.

"Ok. Ayaw mo? Eh di dito na nga lang tayong dalawa. Mas maliit ang kama, mas ok."

>.<

"Labas na kasi", utos ko.

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now