KABANATA 12

102 8 37
                                    

Text

Dahil sa gulat ko sa sinabi ni Darrell ay naitulak ko siya. Napaatras naman ito sa ginawa ko at mukhang nagulat din.

"Anong sabi mo? Nagseselos ka? Bakit?"

Ayokong mag-assume na gusto niya 'ko, pero hindi ko rin mapigilan ang sarili na mapaisip. Bakit niya sinasabi sa'kin na nagseselos siya? Wala naman 'to sa pinag-usapan namin.

"To be honest, I wan-"

Wren cut him off. "Chitral!"

Tumakbo si Wren palapit sa amin habang bitbit ang surfboard nito. Nilingon ko naman si Darrell na nasa gilid, at walang emosyong tinitingnan ang papalapit na pinsan niya.

"Hey, nandito ka lang pala! I'll teach you na, dali!" masayang aniya nang makalapit sa amin.

Hinila ako nito palayo sa kinatatayuan ko. Hindi naman na ako nakapagreklamo at sumunod na sa kan'ya. Mukhang hindi niya napansin si Darrell dahil hindi niya naman 'to binati. Nilingon ko si Darrell na naiwan na sa pwesto namin kanina, walang imik at nakatingin lang sa'min.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa lalaki at tumingin na kay Wren.

"Teka, ngayon na ba?" tanong ko nang tumigil kami tapat ng dagat.

Matataas ang alon at sobrang lakas ng hangin. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan nitong karagatan na walang ni isang tao ang sumubok na magtampisaw. Naramdaman ko ang kamay ni Wren sa baywang ko kaya't nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.

"Dito mo 'ko tuturuan?" nagtatakang tanong ko.

Nakita kong nakatingin siya sa malayo, at mukhang malalim ang iniisip.

"Hoy, Wren? Are you with me?" ani ko at saka tinapik-tapik ang kamay niyang nasa baywang ko.

Mukhang napansin ni Wren ang pagtapik-tapik ko dahil nilingon niya 'ko. Ngumiti siya sa'kin sabay gulo sa buhok ko.

"Yes, I'm with you. Panoorin na lang natin 'yong sunset, malapit na." aniya at binalik muli ang tingin sa karagatan na tahimik na ngayon.

I sighed. Ito pala 'yong pinunta namin dito. Akala ko tuturuan niya 'ko magsurf, hindi pala!

Habang pinapanood namin ni Wren ang papalubog na araw ay napansin ko ang pagiging tahimik nito. Nakaupo na kami ngayon, at ganoon pa rin ang suot ko. Nakaakbay siya sa akin at ako naman ay nakatingin lang sa kan'ya.

"Wren, nakausap mo na ba si Navy?"

He shook his head.

"Kausapin mo kaya? Malay mo magpaubaya siya sayo?"

"It doesn't matter to me anymore now. Kung gusto niya talaga si Chantal, then let's not intervened." aniya sa kalmadong boses.

I sighed. "Eh, paano ikaw? Alam kong gustong-gusto mo si Chantal. Hahayaan mo na lang 'yong feelings mo?"

"Well, yeah, it's fine. Navy is one of my bestfriend, para ko na siyang kapatid. Ayokong masaktan siya dahil lang sa nararamdaman ko sa babaeng gusto namin."

"Pero," tumigil ako sa pagsasalita at na-realize lahat ng sinabi ni Wren.

Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Mas gugustuhin ni Wren na siya ang masaktan kaysa kay Navy. He's so selfless. Ayaw niyang nahihirapan si Navy sa sitwasayon nila, at sa totoo lang, tama si Wren. Mas grabe ang epekto nito kay Navy kapag nalaman niyang may gusto rin si Wren sa babaeng gusto niya. How cruel the world is! Bakit ba kasi sa dinami-rami ng babae sa mundo, nasaktong iisa pa ang gusto nilang dalawa?

Matapos ang ilang minuto ay lumubog na rin ang araw. Napagdesisyunan na rin namin ni Wren na bumalik na ng resort. Mamayang eight ng gabi ang alis namin dito kaya't pagkapasok ko ng room namin ay dumiretso na ako sa cr para maligo.

Love FoolWhere stories live. Discover now