SIMULA

641 13 26
                                    

Boyfriend

I used to tell myself as a kid that everyone deserves a happy ending. I believed that everything is simple as long as I am happy and contented. But, that's not that simple.

There are things and situations that we really don't expect. I thought it was just all fun and joke. I think that when I have a lot of money and all, I believe I can live alone. But, that's a lie.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging masaya sa kung anong meron ako ngayon. May sarili na akong bahay, may kotse, may pera, at may sariling trabaho. But I can't be happy for myself.

Is this my karma?

"Chitral, you're spacing out again. What's the problem?"

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Phoenix. Binalingan ko siya nang tingin, at nakita ko ang kuryusong tingin nito.

"Huh? Anong sabi mo?" pag-uulit ko.

Nandito kami ngayon sa isang Starbucks sa Makati. Katatapos lang ng session ko sa pagtuturo nang sayaw kanina. Isa akong dance instructor slash biochemist. Hindi naman mahirap para sa akin ang trabaho na 'to, dahil nasanay na rin ako. May sarili akong schedule sa mga gawain ko, at doon ako nagfo-focus.

Karamihan sa mga tinuturuan ko ay college students. Maraming nagpupunta sa studio at minsan ay may mga matatanda rin.

"What's the problem? Kanina ka pa hindi makausap nang maayos." rinig kong tanong ni Phoenix.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Marami lang iniisip,"

"Are you sure? Or you just miss him? Don't you?" he said playfully.

I glared at him. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa tanong niya kaya't inirapan ko ito.

"Oh come on, Nix. I'm not into him anymore. Hindi ko nga kilala kung sino 'yang tinutukoy mo, e." asik ko at bahagyang pinag-cross ang mga braso.

Narinig ko ang marahang pagtawa nito na siyang ikinainis ko. Kung makatawa naman siya parang hinuhusguhan na buong pagkatao ko, ha!

"Really? Or maybe you're gaslighting yourself again because you are still into him?" natatawang saad niya na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

Tuluyan ng nangunot ang noo kong tiningnan siya at saka siya kinurot sa tagiliran. "I am not! H'wag mong ibahin ang usapan, aalis na ako maya-maya." I said without no humor.

Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya at kinuha ang drinks ko. I drank it and then looked around.

"Why can't you choose me then? It's been a year, Chitral. Give me my chance." mahinang saad ni Phoenix.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito. Hindi ko alam na ipapasok niya 'to sa usapan naming dalawa!

"Give me my chance, please.. after this titigil din ako. If you can't love me back, then don't." he murmured.

Umayos ako nang upo at nilingon ang glass window. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki roon.

"Chitral.. I know that you sti-"

"Darrell?" I stuttered.

Tila nanlamig ang buong katawan ko sa nakita. What is he doing here? I thought he's in France? Nakashades ito at nakasuot ng maong pants at plain white t-shirt. Hawak ang phone niya at mukhang may hinihintay.

"Let's go, Chitral." rinig kong bulong ni Phoenix sa tabi ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tila naghalo-halo sa isipan ko ang nangyari noon. Anong ginagawa niya rito?

Love FoolWhere stories live. Discover now