KABANATA 8

112 8 45
                                    

Type

"Where are you?" bungad na tanong ni Wren nang masagot ko ang call nito.

Kanina pa pala siya tumatawag at hindi ko man lang napansin 'yon.

I looked at Bianca. Nasa clinic kami ngayon kasama ang parents niya. Tinawagan kasi namin kanina ang parents nito dahil sa nangyari. Ayoko namang ipagsawalang bahala ito dahil baka maulit sa iba.

"Nasa clinic ako, Wren. I'll call you later." tipid na sambit ko sabay hang-up sa call.

Parang wala akong lakas ngayon na kausapin ang ibang tao dahil sa nangyari. Gusto kong managot 'yong mga lalaki kanina sa ginawa nila kay Bianca. Ilang beses na pala nilang ginagawa 'yon sa babae, and worst ay may ibang biktima rin.

"Kumalma po kayo, misis, baka kung ano pong mangyari sa inyo dito." saad ng nurse sa nanay ni Bianca.

"Jusko, nurse, paano ako kakalma? Matagal na pala nila 'tong ginagawa sa anak ko at heto ako walang ginagawa sa mga bastos na 'yon? Hindi ako makapapayag!" sigaw nito.

Agad na dinaluhan siya ng ibang nurse na nasa loob ng clinic at pilit na pinapakalma.

Natigil lang ang pag-iingay nila nang biglang bumukas ang pinto ng clinic. Dumapo agad ang tingin ko kay Darrell na pawis na pawis at hinihingal na lumalapit sa'kin.

Nangunot ang noo kong tiningnan siya. Anong ginagawa niya dito?

Lumuhod siya harap ko at hinawakan ang pisngi ko. "How are you? Are you okay?" bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Napakurap-kurap ako sa harap niya. "Huh? Ayos lang ako. Tinulungan ko lang si Bianca." mahinang saad ko sabay turo sa babaeng nakahiga sa hospital bed.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin na silang lahat sa'min ni Darrell, lalo na 'yong mga nurses.

Tumikhim ako't tinanggal ang kamay ni Darrell sa pisngi ko. "Okay lang ako, hindi naman ako nasaktan. Thank you."

His jaw tightened. Tumayo si Darrell at nagpaalam sa'kin na kakausapin ang nurse. Tumango na lamang ako at binalik ang tingin kay Bianca na gising na ngayon at nakatingin sa likuran ko.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita kong titig na titig ito kay Darrell.

"Gising ka na pala, anak. Anong nararamdaman mo? Ayos ka lang ba? Pasensya na't ngayon lang namin nalaman ang tungkol dito, hija." rinig kong saad ng ginang, tabi naman nito ang kan'yang asawa habang inaalalayan siya.

Tinanggal ko ang tingin kay Darrell at tumingin na kila Bianca. Bakas sa mukha nito ang gulat nang makita ang parents niya na nandito.

"Magsasampa tayo ng kaso sa kanila, hija. Hindi pwedeng bastusin ka nila nang ganito." saad naman ng papa nito.

Napatango naman ako dahil do'n. Sang-ayon ako sa sinabi ng papa ni Bianca dahil para na rin sa safety niya 'yon. Baka mamaya ay balikan pa siya ng mga 'yon, mas lalo pang lumala ang gawin nila.

"Tama ang papa mo, hija. Kailangan nilang pagbayaran 'yon, harassment din 'yon. Nasa'n ang dean niyo? Kailangan ko siyang makausap tungkol dito." singit ng ginang.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya't tiningila kong tiningnan kung sino 'yon.

Yumuko si Darrell malapit sa tainga ko at may binulong do'n. "We'll talk later. Wait me here, I'll drive you home. Kakausapin ko lang ang dean."

Agad siyang lumayo sa'kin at sinamahan ang ginang at ang asawa nito para puntahan ang dean. Lumabas na rin ang ilang nurses kaya't naiwan kaming dalawa ni Bianca sa loob.

Love FoolWhere stories live. Discover now