KABANATA 10

102 9 113
                                    

Elevator

"Oh bati na kayo?" tanong ni Navy nang mapansing hawak ni Jepoy ang bag ko.

I smirked then nodded.

Narinig ko naman agad ang hiyawan nila na siyang ikinailing ko. Itong mga 'to parang mga tanga! Tumabi na 'ko kay Wren na kanina pa nakasimangot sa 'kin.

"Sorry," mahinang saad ko at hinawakan ang kamay ni Wren.

"Bati na kami ni Jepoy, at nag sorry na 'ko sa kan'ya kaya pansinin mo na 'ko, please?" nakangusong saad ko.

"Alam mo naman na hindi kita matiis. Tss, tss!" aniya na siyang ikinatawa ko.

"Oo nga, ano? Bakit hindi ko naisip 'yon? Sayang! Dapat hindi na ako nagsorry!" pagbibiro ko.

"Chitral!"

Lalo akong natawa sa reaction niya. "Ito nagbibiro lang naman. Bati na tayo, ha? Nagsorry na rin ako kay Lore at bati na rin kami."

Wren nodded. "Just don't do that again, 'kay? Baka hindi na talaga kita pansinin." pangtatakot niya na ikinasinghap ko.

"Psh!" asik ko at kinurot siya.

Sabado ngayon at nandito kami sa isang beach resort kung saan ice-celebrate ni kuya Maxim ang birthday niya. Wala sila tita Aia at tito Deus dito dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho. Gusto nilang mag-enjoy kami kaya nirentahan nila ang beach resort na 'to for two days.

"Complete na ba tayo?" tanong ni ate Hyacinthus. Nakausot ito ngayon ng blue ombre chiffon tube beach dress na bagay sa puti niya, suot din nito ang aviators niya.

"I don't know. Hindi ba uuwi ang kambal mo ngayon?" rinig kong tanong ni kuya Maxim.

Umirap si ate Hyacinthus. "Don't asked me! Ang init naman here! Sa loob na ako, bye!" pagpapaalam nito at dumiretso na papasok ng resort.

"Ang ganda niya. Sino 'yon?" usisa ni Lucas, nakatingin pa rin kay ate Hyacinthus.

"Ayaw no'n sa bata!" singit ni Navy na ikinatawa namin.

"Sayang naman. Malay mo magbago ang isip niya kapag nakita niya 'ko?" mayabang na saad ni Lucas.

"Aral ka muna, boy. Teka, sila ate Uranus ba 'yon?" ani Navy at tinuro ang papalapit sa'min na sila Darrell.

Nakacap ito at nakashades. Suot niya rin ang shirt na binili ko sa kan'ya. Napalunok ako nang ibaba nito ang shades at nagtama ang mata naming dalawa.

"Hey, ate Uranus!" Wren greeted. Niyakap niya agad si ate Uranus.

"Hey, baby boy! I missed you." si ate Uranus at hinalikan ang pisngi ni Wren.

"Psst, Chitral. Ang bigat ng bag mo." boses 'yon ni Jepoy sa likuran ko.

Agad kong pinutol ang tingin kay Darrell at nilingon si Jepoy sa likuran ko. "Ulok! Ginusto mo 'yan! Sabi mo ikaw magbibitbit? Tanggal angas mo nang sinabi mong mabigat yan." ani ko sabay turo sa bag ko.

"Joke lang, gagi. Syempre bubuhatin ko 'to!" proud na aniya at tinaas pa ang bag ko.

Natawa naman ako dahil do'n kaya't binalik ko muli ang tingin kila Darrell, at halos malaglag ang panga ko nang makitang nasa harapan ko na pala siya.

"Give me her bag. I'll take care of it." he coldly said.

Nakita kong nangunot ang noo ni Jepoy habang hawak pa rin nito ang bag ko.

"Kaya ko na po, kuy-"

Darrell cut him off. "I'm her friend, so let me carry her bag."

Nang hindi iabot ni Jepoy ang bag ko ay si Darrell na ang kumuha no'n sa kan'ya at diretso nang naglakad papasok ng resort.

Love FoolWhere stories live. Discover now