KABANATA 6

121 8 58
                                    

Group

As soon as I entered the classroom, I saw Wren looking at me evilly. Nakita ko sa gilid nito si Navy na kanina pa nagsasalita. Inayos ko ang ipit ko at masiglang naglakad palapit sa gawi nila.

"Good Morning!" nakangiting bati ko.

Ang unang klase ko ngayong araw ay P. E., at sakto pa talagang magkakaklase kaming tatlo. I dropped  my bag next to Wren's chair and sat beside him.

"Walang good sa morning." boses 'yon ni Navy kaya't nilingon ko siya.

Masungit itong nakatingin sa kawalan at tumayo. "Tara na, Wren. Lipat tayo ng upuan, ayoko dito." aniya at tiningnan si Wren na prenteng nakaupo.

Ngumisi ako nang maalala ang sticky note. So, galit ka na niyan, Navy?

"Wren, tara na. Doon tayo sa kabila!"

Tinuro nito ang dalawang bakanteng upuan sa harapan. "Tara na, Wren!" pag-uulit pa nito na mukhang hindi narinig ni Wren dahil umayos pa ito ng upo.

"Mukhang ayaw ni Wren umalis, Navy. Ikaw na lang kaya?" pang iinis ko.

"Talagang aalis ako!" aniya at dinampot ang bag sa gilid.

"Edi go! Walang sasama sa'yo dito." natatawang ani ko at tumingin pa kay Wren.

"Tss, tss," bulong ni Navy bago kami talikuran.

Anong akala niya sasama si Wren? Aba, mukhang mali siya ng napagtanungan. Ngising aso akong tumingin kay Navy nang umupo ito sa harapan. Siya lang mag-isa do'n at ang iba ay nasa likuran.

Nilingon ko si Wren, "Tingnan mo 'tong si Navy, siya pa 'yong magtatampo. Akala niya naman, sasama ka sa kan'ya! Baka nakakalimutan niya na mas clo-"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bored na tumayo si Wren at sumunod na kay Navy. Agad akong napatayo dahil sa ginawa nito.

"Wren! Tatabi ka talaga sa kan'ya?" malakas na tanong ko.

Hindi ako nito nilingon kaya't nataranta ako. Nakita kong nakatingin na sa 'kin ngayon ang mga classmate namin. Mabilis akong naglakad at hinarangan si Wren.

"Seryoso? Tatabihan mo siya?" gulat na gulat na tanong ko habang tinuturo si Navy.

Nakita kong ngumuso si Navy na mas lalong kinainis ko.

"Hayaan mo na lang si Wren, Chitral. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay ikaw ang pipiliin." makahulugang sambit ni Navy.

Namula naman ako dahil sa sinabi nito. Agad kong hinablot ang libro na nasa armchair ng classmate ko at binato 'yon sa kan'ya.

"Ang kapal mo! Anong tingin mo sa sarili mo, ha? Na importante ka kasi ikaw ang katabi ni Wren?" asik ko.

Natawa si Navy sa sinabi ko at nagkibit-balikat na lang.

"Aba't ang yabang nito, ha!" bulaslas ko at akmang susugurin na siya nang biglang may dumaan sa harapan ko.

"C-hantal?" I stuttered.

Mukhang narinig 'yon ni Chantal dahil napatingin siya sa 'kin.

"Hi? Good morning!" she greeted.

Biglang nawala ang init ng ulo ko nang marinig ang boses ng babae. Agad akong umayos nang tayo saka nginitian ito. "Hey, Good morning! Naghahanap ka ba nang mauupuan?" masiglang tanong ko.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya kaya't mas lalo akong napangiti. Nilingon ko ang upuan namin ni Wren kanina, at nakaisip ako nang magandang ideya.

"May bakanteng upuan pa doon, oh!" saad ko kay Chantal habang tinuturo ang upuan ni Wren kanina.

"Wala bang nakaupo diyan?" mahinhing tanong nito.

Love FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon