Chapter 11 - Treyning (Part 5)

Magsimula sa umpisa
                                    


"Kahit na, mas maganda kung hindi nila tayo makikita para makapagmasid tayo nang maayos," dahilan naman ni Duke. Nakakunot pa ang noo nito na para bang istres na istres sa kausap.

"Mas makakapagmasid tayo habang nakikipag-usap sa ibang tao, Duke," pagpupumilit naman ni Mikaela.

"Alam mo, bahala ka sa buhay mo," sabi ni Duke at padabog na binitawan ang kamay ng kasama.

"Talaga!"

"Bakit ba kailangan kitang sundin? Boss ba kita?" Sa pagkapikon ay nahampas ni Mikaela sa braso si Duke na agad naman nitong inilagan.

"E di huwag. Sus!" sigaw ni Mikaela. Tinalikuran na niya ito at naglakad palayo. Napailing naman si Duke at dumaan sa kasalungat na dinadaanan ni Mikaela.

"Hindi talaga! Akala mo ba susundan kita? Puwede naman akong magsolo. Sanay naman akong mag-isa."

Hindi nila namalayan ang mga taong nakatingin sa kanila dahil sa eksenang kanilang nagawa.

"Our son is hot-headed. I wonder where got that," sabi ni Lionhart.

"Obviously, not from me," masungit na sagot ni Ms. Cassandra kaya natawa kami.

"And Mikaela is so feisty, too," komento naman ni Shin na nakatingin kay Lewis.

"Rasonable rin. Mahilig iyan makipag-debate pero hindi ka puwedeng manalo," natatawang sabi niya habang nakatingin sa anak.

"I think they will all unconsciously end up at the lounge," sabi ni Blood habang ang paningin ay nasa anak naman na si Emerald.

Nakangiti ito habang naglalakad at tinitingnan ang mga peynting na nakasabit sa pader.

Tama nga si Blood. Mukhang doon magkikita-kita ang mga bata dahil doon din ang punta ni Emerald. Gano'n din si Katana na lakad-takbo ang ginagawa.

Sina Trigger, Kayden, at Grayson na sa entrans talaga ang pakay ay mapapadaan din sa lawnj.

Si Duchess na kasama pa rin iyong kopol na maghahatid din sa kanya sa lawnj.

Si Caliber na kalalabas lang sa isang kuwarto.

Sina Mikaela at Duke na nandoon na at nagmamasid.

Habang si Raven naman ay naglalakad habang inililibot ang paningin sa paligid.

Kita namin mula sa iba't ibang monitor ang galaw ng mga bata at ngayong magkakasama-sama sila sa isang lugar ay mas madali sa aming marinig sila. Maliban doon kina Amber, Cody, at Azure na nasa kabilang parte ng kruship at walang kamalay-malay na may magaganap na miting dito sa lawnj.

"Psst! Duke!" tawag ni Mikaela kay Duke.

"Oh?" tanong ni Duke nang makalapit siya. Nagtatago lang siya kanina sa may gilid na isteyds pero mukhang nariyalays niya na mas mahihirapan lang siyang magmasid doon.

"Sina Trigger oh," sabi niya at inginuso iyong tatlong humahangos na nasa entrans ng lawnj. Agad nilang nilapitan ang mga iyon.

"Hoy," pagkuha ni Mikaela ng atensyon n'ong tatlo. Nakasunod naman sa kaniya si Duke.

"Found something?" tanong agad ni Trigger nang makita sila. Nasa tabi niya sina Kayden at Grayson na nagpapahid ng pawis.

"Wala pa, kayo?" si Mikaela ang nagtanong.

"We realized that if we could look at the guest list, we would be able to determine which ones are wealthy and average. Remember, we've been divided into different classes when we got into this cruise ship? paliwanag ni Trigger at agad na nagliwanag naman ang mukha nina Duke at Mikaela.

"Oo nga!"

"Tara na—"

"Teka lang!" pigil ni Grayson.

"Let me get some breath," sabi naman ni Kayden at naupo na sa sahig. Ganoon din ang ginagawa ni Grayson. Maya-maya ay tumabi na rin sa kanila si Trigger.

Natawa namin kaming mga nanonood dahil halatang-halata na hingal na hingal talaga iyong tatlo.

"Wala naman kasing nagsabi na tumakbo sila," sabi ni Ms. Amesyl na sinag-ayunan naman ni Ms. Aemie.

"Kaya nga, insan. Ang alam ko mission ipinunta nila hindi marathon, hehe."

Natatawang inilingan nina Mikaela at Duke ang mga kasama nila at nang may dumaang waiter na may dalang inumin ay kumuha sila ng tatlong basong tubig at ibinigay roon sa tatlo.

"Thanks," sabi ni Trigger.

"Thank you," sabi ni Kayden.

"Salamat," sabi naman ni Grayson.

Umupo na rin sina Mikaela at Duke sa harap n'ong tatlong tila ba nagpapaunahang uminom ng tubig sa sobrang bilis ng paglagok.

"Ano 'yan, nagko-contest kayo?" natatawang tanong ni Mikaela habang pinapanood sila.

"Bakit ba kasi kayo tumakbo? Aish," tanong naman ni Duke pero masyadong bisi uminom iyong tatlo at hindi na siya nasagot.

"Hello po!" maligayang bati ni Emerald nang makalapit sa kanila.

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon