Chapter 7 - Treyning (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang tuluyan akong makapasok ay isa-isa kong inalis ang mga puting telang tumatakip sa mga kagamitan at saka ko hinanap ang mga pinapakuha ni bossing.

Dahil ang pinakamalapit sa puwesto ko ay ang mga malalaking bag, ito muna ang inumpisahan kong itsek isa-isa.

Hindi naman ako nagkamali dahil nang makumpirma kong ito na nga ang mga kailangan ko ay binuhat ko ito...pero ampupu! Ang bigat.

Petengene! Alam kong matipuno at maganda ang pangangatawan ko pero kaya ko bang buhatin mag-isa ang mga 'to?

Inisip ko na lamang na ako lang ang guwapo at maganda ang katawan kaya ako ang inutusan ni bossing na gumawa ng mga ito. Sa palagay ko'y hindi naman siya nagkamali ng pagpili. Kaya ko itong buhatin.

Binuhat ko ang dalawang naglalakihang bag at ibinaba ito sa unang palapag ng mansyon.

"Kayang-kaya mo 'to, Lerwick. Isa kang maskulado at guwapong nilalang," bulong ko sa sarili ko.

Pumanhik manaog ako sa hagdan upang ibaba ang iba pang mga gamit. Nang dalawa na lang ang natitira ay nagteks na agad ako kay bossing na malapit na akong matapos.

"Paking syet, ma men! Pawis na pawis na ako pero ang bango ko pa rin. Layk wadapak!" bulong ko habang inaamoy-amoy ang tisert na suot ko.

Binuhat ko na ang natitira pang mga bag nang may mahulog na maliit na kahon. Hindi ako sigurado kung pati iyon ay kukuhanin ko o iiwan ko na lang.

Kyuryositi kils mi kaya naman binuksan ko ang maliit na kahon at tumambad sa 'kin ang mga plasdrayb.

SMS to Bossing: Bossing! Meron ditong plasdrayb na sa tingin ko ay lalagpas ng sampu ang bilang. Kasama ba ito sa mga ipinapakuha mo sa 'kin?

Habang hinihintay ang replay niya ay sinimulan ko nang ilagay sa trank ng kotse ko ang mga ito. Nang matapos ako ay wala pa rin akong natanggap na respans galing kay bossing kaya isinama ko na lang din sa kotse ang mga plasdrayb. Saylens mins yes naman kaya sa tingin ko ay tama lang na dalhin ko ang mga ito.

Nagteks na lang ako na pabalik na ako sa hedkwarters bago tuluyang isinara ang geyt ng villa nila.

-

Nang marating ko ang hedkwarters ay nilapitan ko kaagad si bossing. "Saan ko 'to ilalagay, Bossing?" tanong ko bago inilapag malapit sa kanya ang kahon.

"Leave that underneath my table," sagot naman niya naman nang biglang bumukas ang pinto ng miting erya at iniluwa n'on ang gagong si Lampe na ngayon ay pangisi-ngisi. Ano na naman kayang trip nitong mokong na 'to?

"Baby Lerwick, ano 'yan?" usisa kaagad nito sa amin bago nilakihan ang pagbukas ng pinto para makapasok na sina Miss Amesyl at ang mga bata na kasama niya.

Umiling ako at nagkibit-balikat dahil kahit ako mismo ay hindi alam kung ano 'yon.

"Naglilihim ka na sa 'kin, Baby Lerwick?" tanong ng gagong si Lampe at may bahid pa talaga ng pagtatampo ang boses niya.

Napangiti ako sa kanya bago siya nilapitan at hinawakan sa dibdib. "Sori, Baby Lampe. I porgat dat I shud imporm yu tu." Mabilis siyang napangiwi at lumayo sa akin.

Hindi na rin naman natuloy ang pag-uusap namin ni Lampe dahil tinawag na ni Mei ang lahat ng mga bata para mai-ekspleyn na sa kanila ang misyon nila.

"All right, listen up, kids. You need to obtain an important record from the wealthiest man on the cruise ship," panimula ni Mei. May lumitaw sa iskrin ng tibi na nagsisilbing gayd nila. 'Yon ang kruship kung saan gagawin ang misyon ng mga bata.

Mabilis na nagtaas naman ng kamay si Cody. "Ermat, Ermat!" tawag nito kay Mei.

"What is it?" tanong ni Mei at tiningnan ang anak naming nakaupo sa tabi ni Azure.

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon