Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ngayon nalang ulit ako nakapag ayos ng ganito. Ngayon nalang din ako nakapag suot ng magandang gown. Tonight I am wearing a color lavander long gown na may slit mula sa legs pababa, at labas ang likod. Pinasuot din nila sa'kin ang nine inches na high heels na kulay silver. Bagay na bagay din ang make up ko sa kulay ng suot kong gown. Ang buhok ko naman ay medyo basa na magulo. Ito daw ang tinatawag nila na wet hair.

Suot ko rin ang kwintas na bigay ni Allen. Kinausap rin ako kanina ni Tuval na kong pwede ko daw bang kuhain muna ang wedding ring ko. Hindi niya sinabi ang dahilan kong bakit. Sumang-ayon nalang ako sa kaniya. Sandali lang naman daw.

"Adi mag ready kana." Bulong ni Ellen. "Kahit na anong mangyari huwag na huwag kang hihinto. Huwag na huwag kang magugulat."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

"Basta."

"Adi be ready." Sulpot ni Tuval.

Umayos ako ng tayo ng makita kong nag umpisa ng rumampa ang nauna sa'kin. Ako na ang susunod.

"Adi please do it properly."

Hindi ko alam kong bakit ganito ang asta ni Ellen. Pinakitaan ko siya ng nagtatanong na mukha.

"Allen is here..."

Tapos ng rumampa ang nauna sa'kin at ako na ang susunod. Aaminin kong bigla akong ginapangan ng kaba ng malaman kong nandito si Allen.

"And of course this color of gown is dedicated for a girl who will fight what's belong to her, and never give up. The power of Lavender!"

Huminga ako ng malalim habang nakapikit. I can do it. I believe in my self. Kailangan kong itapon muna ang pagiging mahiyain.

Nag umpisa na akong mag lakad ng dahan dahan. Sentro ang tingin, walang emosyon and of course critical eyes.

Nagsihiyawan ang mga taong nanonuod. Nakita ko rin ang gulat sa mga mata ng mga guest. At isa na duon ang asawa kong si Allen. Alam kong kahit kailan ay hindi pa niya ako nakikita na ganito ang ayos.

Hindi ako nagpatalo sa kaba. Hindi ako nagpatalo sa mga tingin ni Allen. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa unahan. Sa mismong harap ng asawa ko kong saan siya nakaupo.

I pose like a goddess. And I can feel the eyes of audience watching my curved body. Before I turn a way, ginawa ko na ang tinuro kanina ni Ellen sa back stage.

I cross over and then I turned confidently and flipped my hair. Ramdam ko ang paglipad ng buhok ko at alam kong nagawa ko ng walang sablay ang plano.

"Wow!"

"Just wow!"

"She's amazing!"

"I like her."

Rinig kong hiyawan ng mga tao. I smiled widely ng sa wakas ay nagawa ko ng tama ang tinuro sa akin nila Tuval at Ellen.

Lumabas ang apat ko pang kasama para sa last pose namin. Ako ang sentro na nasa gitna. May mga reporters din na nagkakagulo. Maraming photographers ang abala sa pagkuha ng litrato namin.

"Oh my god Adriel!" Bungad sa akin ni Tuval sabay yakap. "You're so amazing! you're the goddess!"

Halos hindi rin ako makapaniwala na nagawa ko ng maayos ang itinuro nila sa'kin. Kahit na hindi ako marunong sa mga ganito ay nagawa ko parin dahil naniniwala ako sa sarili ko. At ayokong mapahiya si Tuval. At minsan ko lang maranasan 'to kaya itotodo ko na.

Ganito parin ang ayos ko ng lumabas kami ng dressing room para makihalubilo sa labas. Maraming guests ang mga dumating. Karamihan ay mga business man. Nakasunod lang ako kay Tuval ngayon dahil gusto daw akong makilala ni Mr. Xincheng and his business partners.

"Adi yong sinabi ko sayo,"

Hindi ako sang-ayon kay Tuval. Ngunit kailangan ko itong gawin kahit na hindi ko alam ang dahilan niya.

"Good evening Mr. Xincheng!" Bati ni Tuval.

Bata pa si Mr. Xincheng siguro ay nasa mga 20s palang ito. Gwapo din at kitang kita sa suot niyang tuxedo ang hurma ng katawan niya. Pero mas maganda parin ang katawan ng asawa ko.

"Hello Tuval! I really like your fashion show."

"Syempre ako pa ba! by the way..." Hinigit ako ni Tuval papalapit sa kaniya.

Hindi ko kilala ang ibang mga kasama ni Mr. Xincheng pero siguro mga kilalang tao din ang mga ito.

"This is Adriel..."

"It's nice to see you po Mr. Xincheng..." Inilahad ko ang kamay ko upang makipag-kamayan.

Ngunit nagulat ako ng hindi niya ito tanggapin. Hindi niya ito tinanggap upang makipag kamayan, kundi ang halikan ang likod ng kamay ko!

"It's nice to see you too." He smiled sweetly. Kaagad kong binawi ang kamay ko.

"Wala akong nakikitang wedding ring Mr. Fernandez."

"I told you, Allen tells us that they already separated."

Mas lumawak ang ngiti ni Mr. Xincheng. Humakbang siya papalapit sa'kin. Hinigit naman ako ni Tuval para mapaatras.

"Alam kong mabilis but, Tuval I like this girl."

"You can't like her." Sabi ng tao sa likod ko. "She's already married."

When I heard Allen's voice I was about to turn around, when he grab my waist approaches into him.

Wife's DevotionWhere stories live. Discover now