"There's nothing wrong, Treice... I am just thinking what are we going to do after your friend's party," I lied.



I swallowed hard before laying my back on the backrest of the seat. I can feel Treice's stare but I just keep on ignoring it. I don't want him to notice that I am hiding something from him. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako na malaman niya ang tungkol sa nakaraan ko.



What if he find out that I was about to marry someone else? What if he find out that I was so inloved with my ex fiancee? Strawberry knows Kendrick James and there's a possibility that Treice also know Drick. Paano kung nagtagpo na pala sila noon? Ano na lang kaya ang sasabihin niya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag malaman niya ang lahat?



"T-Treice..." I uttered his name nervously.



His eyes narrowed. "What, baby? May problema ka ba? Hmm?" malambing niyang tanong sa akin.



I took a deeply breath, gathering my strengths just to tell him my secrets. I opened my mouth and I was about to tell him everything when his phone on his pocket suddenly rang that caught our attentions.



"Wait..." He gave me a wait sign before he take his phone out of his pocket. "I will answer the call first, baby."



Inangat niya pa ang cellphone niyang tumutunog at may pangalang nakarehistro roon. Nakaharap kasi ang screen ng camera niya sa akin kaya nabasa at nakita ko kaagad kung sino ang tumatawag sa kaniya. It was Kenjay, their childhood friend. Binanggit noon ni Treice sa akin ang pangalan ng kaibigan nila tuwing nagkukuwento siya sa akin. It sounded familiar but still... I don't care.



"Oh? Happy birthday! Why did you call, bro?" he asked on the phone.



Bumaling ako kay Treice at nakita ang ngiti sa kaniyang labi. Maybe, he misses his friend that much. Base sa kuwento ni Treice sa akin, sabik na siyang makipagkuwentuhan sa kaibigan niya. Nakita niya rin naman daw ito kaso nga lang, panandalian lang daw sila nag-usap.



His childhood friend was also Strawberry's ex. Nakilala raw nina Jake at Treice si Strawberry dahil ex daw iyon ng kaibigan nilang galing sa ibang bansa. I am just wondering... ano kaya ang hitsura ng kaibigan nila? Ingleshero kaya iyon? O marunong mag-Tagalog? Nakakaintindi kasi iyon ng Tagalog tuwing nag-uusap sila ni Treice sa tawag, eh.



"Yup... we are on our way. I am with my wife. Sorry, I never mentioned her to you. Ipakikilala na lang kita sa kaniya at ipakikilala ko rin siya sa 'yo, baka maging magkaibigan pa kayo kung sakali." Tumawa si Treice sa kaniyang kausap sa kabilang linya. "Sige, pupunta na kami riyan. Berry and Jake are also coming. Papunta na rin sila riyan, magkaiba kasi kami ng sasakyan, eh."



Nang matapos ang tawag ay nilapag kaagad ni Treice ang kaniyang cellphone sa dashboard bago sumulyap sa akin at bumuntong-hininga. Sa halip na kausapin pa ako o magtanong pa sa akin ay pinaandar niya na lang ang makina ng kaniyang sasakyan at pinaharurot ito.



"Mag-usap na lang tayo pag-uwi natin mamaya, patapusin muna natin ang kaarawan ng kaibigan namin. Please, baby... stop thinking too much, nag-aalala na ako sa 'yo," he said while driving.



"Sorry," I just apologized.



Matapos iyon ay naging tahimik na ang nasa pagitan naming dalawa. Treice didn't say anything also. Kahit ako ay tahimik din, hindi na rin umiimik. Mabilis ang paghinga ko ngayon at mabilis din ang kabog ng aking dibdib. Humahuramentado ang buong sistema ko dahil sa kabang nararamdaman ko.



Kating-kati na ako, gusto ko nang sabihin kay Treice ang tungkol sa nakaraan ko bago pa mahuli ang lahat. Well, it wasn't too late yet. Matapos ang kaarawan ng kaibigan nila ay ihahanda ko na ang sarili ko kay Treice dahil sasabihin ko na sa kaniya ang lahat, lalo na ang tungkol sa nakaraan ko.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now