"Okay lang, sige pasok na ako umuwi kana rin." Tumango ito at ngumiti ng pilit hanggang ngayon naninibago parin ako sa mga reaksiyon na pinapakita sakin ni Arañez hindi naman siya ganyan dati gusto kung bumalik sa una naming pagkikita na sana ganon nalang palagi ang reaksiyon niya.

Dahil sa tuwing ngumingiti siya sakin para akung hinabol nang isang libong kabayo sa subrang bilis ng tibok ng puso ko, tinamaan nang subrang lakas na kidlat kapag sa oras na didikit ang balat namin sa isa't isa, naging mainit ang sistema nang paligid kapang may ginagawa siya sakin na isang bagay na di ko maipaliwanag.

Lahat yun naguguluhan ako kung ano ba talaga ang ibig sabihin, pakiramdam ko namamanhid ang buong ugat ng utak ko sa mga iniisip andaming katanungan pero ni isa walang sagot.

"Sis?! Ikaw nga! San ka galing? Hinahanap ka namin buong gabi humingi narin kami ng tulong sa mga pulis, tay nandito na si Franzy!" Niyakap niya ako habang umiiyak hindi ako makagalaw narinig kung biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin at patakbong lumapit si tatay samin.

"Anak san ka ba galing? Nag aalala kami sayo hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo."

Sabi ko nga subrang drama nila grabe lang kung maka react, niyakap ko pabalik si tatay at napunta ang tingin ko kay Shan na tahimik lang ito nanonood samin habang humihikab kagigising lang siguro.

"Okay lang po ako tay nila rica lang ako natulog nanghiram kasi siya ng notes sakin nag alok siyang dun ako patulugin kaya sumang ayon nalang ako pasensiya na po sorry kung napag alala ko kayo." Para akung nakonsensiya sa ginawa ko naghanap nalang ako nang palusot alangan namang sabihin kung magkasama kami buong gabi ni Arañez sigurado akung magagalit si tatay.

"Sige, basta sa susunod ipaalam mo sakin para hindi ako mag alala na nasa mabuti kang kalagayan." Tumango lang ako at ngumiti kay tatay niyakap ko siya at inakay papasok sa loob.

NILAKBAY ni franzy ang hallway papuntang classroom pagkatapos niyang kumuha ng ilang gamit sa locker niya oras na nang klase kaya subrang tahimik kitang kita niya ang mga studyante mula sa kanilang mga silid kung pano ito ka ingay habang nakatingin sa phone.

Napahikab siya at kinatok nang tatlong beses ang pintuan nang classroom nila at striktang binuksan ito ng kanilang guro walang sabing binigyan siya nang daan at direktang umupo sa silya.

"Class sa susunod wala nang puwedeng ma late sa klase ko kung ayaw niyong maging abo ang pinaghirapan niyo." Pinalakihan siya nang mata ng guro pero hindi niya na ito pinansin.

Habang si deven naman pinag mamasdan niya si Cassie na naglalagay ng gamit sa cabinet niya at gaya nga ng sinabi ni franzy sa kanya pag uwi niya nandito na ito at naghihintay sa kanya pero walang ibang laman ang isip niya kundi ang mga nangyari kanina.

"Love what do you think, should i wear this? Or this? Which one do you like that suits for me?" Ngiti nitong tanong sa kanya nang kasintahan tamad niya lang itong tiningnan isa isa at napabuga ng hangin.

"Kahit ano, lahat naman bagay sayo." Ngumiti naman ito ng malapad at patakbong yumakap sa kanya napatawa narin siya kahit papaano namiss niya ang kakulitan ni Cassie kahit nakakainis ito minsan.

"Thank you love you never offended me, that's why i love you." Tumayo si deven at hinalikan ang sintedo nang kasintahan para naman itong kinikiliti at yumakap sa bewang niya.

Cassie is such a sweet girlfriend na hindi matanggihan ni deven natatakot siyang masaktan ito kaya subrang pag aalaga ang ginagawa niya dito naging kababata niya sa ilang taon at naging kasintahan dahil sa kasunduan napailing siya at hinarap si Cassie.

"Of course cass, c'mon hurry up."

Subrang laki nang ngiti ni Cassie habang nasa loob sila ng sasakyan napansin yun ni deven at nagtataka itong kung bakit ganito ang ikinikilos nang kasintahan.

"What's with the wide smile?" Ngumiti ito sa kanya at hinalikan siya sa pisnge napangiti siya kahit kailan talaga walang araw at oras na hindi ito naging malambing sa kanya.

"I'm just happy love, nong una ilang distansya ang layo natin minsan umiiyak pa ako dahil subrang miss na kita." Napaiyak ito para naman siyang na konsensiya, at tinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada hindi niya alam na sa likod ng matatamis at magagandang ngiti ni Cassie nasasaktan niya na pala ito.

"I'm sorry for making you cry cass, dont worry hindi na mangyayari yun dahil magkasama na tayo." Tumango ito sa kanya ilang oras silang nasa ganong posisyon tinanong ni deven kung tutuloy ba sila sa School paulit-ulit din niyang sinusulyapan si Cassie habang nag mamaneho.

Tahimik akung nakikinig sa orientation namin sa online nag take kasi ito nang leave dahil na hospital daw ang asawa niya, nadisturbo lang ito sa ingay ng mga studyante inis kung kinuha ang earphone ko at nagpatuloy pero kahit naka full volume nangibabaw parin ang tili at sigawan sa buong paligid.

Nagpaalam ako sa guro na may pupuntahan lang at pinatay ang phone nilibot ko ang paningin ko at natigil sa loob nang canteen nilakbay ko ang daan patungo dun at saktong gutom narin ako.

Pagkatapos kung mag order naghanap ako nang bakanting upuan nahirapan pa ako dahil halos puno lahat, napatigil ako sa pagsubo nang makuha ang atensiyon ko ni Arañez nakaharap ito sakin habang may kausap siyang babae pinagmasdan ko ito at napa buntong hininga.

Hindi ko nalang ito pinansin dahil parang bumibigat ang dagan sa dibdib ko pati ata lasa nang pagkain ko pumait, naramdaman kung nakatitig sakin si Arañez umikot bigla ang paningin ko at agad napahawak sa lamesa kinalma ko ang sarili ko.

"Are you okay?" Napa iwas ako nang tingin at lumayo sa kanya.

"O-Okay lang ako." Saglit ko siyang tinapunan nang tingin at tumayo pero umikot na naman yung paningin ko buti nalang agad akung nahawakan ni Arañez napatayo narin yung babaeng kasama niya.

"What happened to her?"

"I dunno— sht!" Hindi ko na marinig kung anong pinag uusapan nila dahil unti unti nang nabalot ng dilim ang buong paligid subrang sakit din nang ulo ko.

Napahawak ako sa ulo ko at bumungad sakin ang puting kisame naguguluhan pa ako kung nasaan ako pero agad din namang nakabawi umupo ako at sumandal sa headboard ng hospital bed biglang bumukas ang kortina at agad akung dinaluhan.

"May masakit pa ba sayo? Just tell me." Napabuga ako nang hangin kahit isang reaksiyon lang ang makikita mo sa mukha niya nakakatunaw nakaka panindig balahibo subrang ibang pakiramdam sa tanang buhay ko.

"Okay na—

"It seems that magkakilala kayo at pag trato niyo sa isa't isa hindi mo sakin sinabi love na may kaibigan ka pala." Ngumiti ito sa kanya pero halatang peke nanahimik nalang siya at napatingin sa glass window hindi parin tumitigil ang ulan.

"I-I dont think so, by the way Descartin we have to go rica will be here any minutes now i just called her about your condition." Tumango lang siya at ngumiti hindi niya iniinda ang bigat na nararamdaman niya nanliit siya sa sarili subrang layo nang agwat nila ni Cassie paulit ulit niyang sinsabi sa isip niya na kahit kailan hindi ako magiging katulad niya dahil sa una palang talo na siya.

At gaya nga nang sinabi ni Arañez agad dumating si rica at niyakap siya nagtanong rin ito kung okay lang siya agad niya naman itong sinagot nagpaalam sa kanya si rica na uuwi muna dahil tumawag daw ang mom niya about they're business matters  tinawanan niya lang ito at pabirong tinaboy paalis.

"Sabi nang School nurse may anemic ka may ulcer karin subra sa stress, ang payat mo na nga wag mong sabihing nag d-diet ka hindi ka ba kumakain?" May inis sa tuno nang boses ni Shan hindi ko siya sinagot at inabala ang sarili sa phone nag tiim bagang ito at kinuha ang phone ko sinamaan ko siya nang tingin.

"Nakikinig kaba?"

"Sa subrang lakas ba naman nang boses mo malamang naririnig kita." Tamad ko siya tiningnan gusto ko munang mapag isa at advantage narin to para makapag isip.

"Shan puwede bang umalis ka muna gusto kung mapag isa." Seryoso ko siyang tiningnan at humiga nakaharap ako ngayon sa bed side table nang clinic aalis nalang siguro ako mamayang 5pm gusto kung matulog.

"Fine, sige babalikan kita mamaya." Narinig ko ang pagsarado nang pinto naging tahimik ang oras at agad akung nakatulog.

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now