Gamit ang kabilang kamao ni Jericho na napapalibutan din ng mga tubig ay sinuntok niya ang bandang dibdib ni Josh, at sa subrang lakas nito ay tumilapon si Josh paibaba. Agad na lumilipad si Jericho para lapitan pa si Josh at tuloy-tuloy niya itong pinagsusuntok gamit ang dalawa niyang kamao kaya nagsusuka na ito ng mga dugo.

Hanggang sa bumagsak ng pagkalakas si Josh sa lupa at nabaon pa siya dito. Tuloy ang paglipad ni Jericho paibaba para lapitan si Josh. Pagkalapit ni Jericho ay muli niyang sinuntok ang tiyan ni Josh habang nakabaliktad ang katawan niya, ang mga paa niya ang nasa itaas at napakaseryoso pa ng mukha niya habang nakatitig sa kamao niyang madiin na nakadapo sa tiyan ni Josh na nakahiga sa lupa.



Nanatiling napapalibutan ng mga tubig si Jericho lalo na ang kamao niyang madiin na nakadapo sa tiyan ni Josh na tila gusto niyang ibaon o butasin ang tiyan ni Josh.

Dahil dito ay wala ng kalaban-laban si Josh at nanghihina na siya habang nagsusuka pa ng mga dugo at nakapikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay tuloyan ng nawalan ng malay si Josh.

Dahil sa nakita ni Jericho na nawalan na ng malay si Josh ay unti-unti na siyang kumakalma at unti-unti na ring nawawala ang mga nakapalibot sa kaniyang mga tubig. Agad na naglaho si Jericho at sumulpot siyang nakatayo sa bandang gilid ni Josh at tinitignan niya itong nakahiga pa rin sa lupa at walang malay.




Mayamaya pa'y sinimulan ng bilangan ng sampung-segundong oras si Josh para bumangon kung gusto pa niyang lumaban. Ngunit dahil sa kalagayan niya ngayon ay tiyak na hindi na siya makabangon, kung magawa man niyang bumangon ay tiyak ding agad siyang babagsak dahil hindi na sapat ang lakas at enerhiya na meron siya ngayon.

Nang matapos na ang sampung-segundong oras ay agad ng humawak ng microphono ang tagapagsalitang si Ian na nasa itaas. "Ang nanalo sa labang ito, Jericho Rowan!" Anonsyo ni Ian, at marami sa mga manunuod ang nagsitayoan at naghiyawan ng may kasamang palakpakan.

Abot tenga ang ngiti ni Jericho habang inilibot niya ang buong tingin sa mga manunuod, at naging mas matamis ang ngiti niya nang makita ang mga magulang niyang sina Ange at Jake na naka ngiting kumakaway sa kaniya at naka-akbay pa ang dalawang ito.





Lumipas ang ilang oras. Umaakyat na sa hagdan si Jericho para samahan na sa itaas ang iba pang mga batang Warriors. Pagkadating niya sa kung saan nakatambay ang mga Warriors ay agad siyang sinalubong ng dalawa niyang malalapit na kaibigan, sina Atlas at Juan.

Sabay na inakbayan nila Atlas at Juan si Jericho at pariho silang tatlo na abot tenga ang mga ngiti "Binabati ka namin Ikoyyy...nangyari nga ang gusto mong mangyari...nanalo kaaa..." pagbati ni Atlas habang talon siya ng talon kaya napapatalon na rin sila Jericho at Juan.

"Masaya kami ni Atlas para sayo...sana kami rin ni Atlas, nang sa ganun ay tatlo tayong nanalo..." sambit naman ni Juan.

Nakangiti naman sa labi ang guro ng Team Believe na si Atom Dagthan habang pinagmasdan sina Atlas, Juan at Jericho. 'Napakatibay ng pagkakaibigan ng tatlong ito, sila ng Seaven. Minsan ay napahiling ako, na sana ay mananatiling ganyan kasaya ang mga magkakaibigan.' Sa isip ni Atom at tila may mas malalim pa siyang iniisip habang nakatingala sa mga ulap.



Mayamaya pa'y napatingin ang lahat sa gitna ng malawak na espasyo ng Battlefield at nakita nilang kinukuha na ng mga Healers si Josh na wala pa ring malay. Inilagay ng mga Healers si Josh sa isang kamang pang-pasyente at dadalhin nila ito sa Medicalania para pagalingin katulad ng ginawa nila kay Sinag.

Bakas ang pag-alala sa mukha ni Josh habang nilingon sina Atlas at Juan "Dito muna kayo, tutulong akong pagalingin ang kaibigan natin. Dahil kahit anong mangyari, bahagi pa rin ng ating Seaven si Josh. At tayong Seaven, dapat hanggang dulo matibay pa rin tayo." Saad ni Jericho at sabay sila Atlas at Juan na napangiti sa labi.

Nang makita ni Jericho na naglaho na ang mga Healers kasama ang pang-pasyenting kama kung saan nakahiga si Josh, ay agad na rin naglaho si Jericho at malamang ay sumunod na ito sa Medicalania kung saan pupunta ang mga Healers para maigamot si Josh.






Lumipas ang ilang oras. Ang lahat ng mga tao dito sa Atlanian' Park ay muli ng nakatuon ang atensyon sa malaking randomizer na nasa itaas ng Battlefied, dahil pipili na naman ito ng mga susunod na maglaban-laban.

Sa unang pagkakataon ay naging kalmado ng naghihintay si Atlas, tila himala yatang tahimik lang ito at hindi na nakikiusap sa randomizer na hindi naman nagsasalita.

Ilang saglit pa'y marami sa mga manunuod ang napapanganga habang nakatitig sa screen ng randomizer na may napili ng dalawang Warriors na maglalaban;

Mariecris Polledo vs Lynn Yarra

Napapikit ng mga mata si Atlas at agad siyang bumuntong hininga. Mayamaya pa'y inimulat niya ang kaniyang mga mata at malalim niyang tinitigan ang randomizer habang ang mga palad niya'y nakakuyom.



Mayamaya'y gumulat sa maraming manunuod nang biglang tumalon ng pagkalakas si Atlas at papunta ito sa randomizer na nasa itaas ng Battlefield. Pagkalapit niya ay agad niya itong sinuntok sa kamao niyang napapalibutan ng mga tubig, at sa subrang lakas ng suntok niya ay nahulog ang randomizer.

Napatakip sa mga bibig ang mga manunuod dahil sa gulat nila sa ginawa ni Atlas. Hindi pa nakontento si Atlas, agad din siyang bumaba sa lupa kung saan nakahiga ang randomizer at walang pigil niya itong pinagsusuntok, at sa bawat suntok niya ay napapapikit ng mga mata ang mga manunuod.

"Bakit?! Bakit hindi mo ako pinipili?! Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko! At ubos na ubos na ito ngayooonnnn!!!" Pagsisigaw ni Atlas habang walang awa niyang pinagsusuntok ang randomizer na sirang-sira na.

Inimulat ng randomizer ang kaniyang mga mata at pumapatak ang kaniyang mga luha "Tama naaa...maawa kaaa..." pagmamakaawa ng randomizer na may maliit na tuno ng boses na parang isang bata.

Natigil sa pagsusuntok si Atlas at dahil sa natuklasan niyang nagsasalita pala ang randomizer na ito ay halos manlaki ang mga mata niya. Ikinikisi ni Atlas ang kaniyang ulo at saglit pa siyang natahimik, at bigla nalang siyang natawa dahil imahinasyon lang pala ang lahat ng yon.




"Hahahahaaa...pambihirang imahinasyon...nagsasalita ang randomizer?  At napakasama ko naman yata don, hahaha..." malakas niyang tawa na halos napahawak na siya sa kaniyang tiyan dahil sumakit sa kakatawa.

Marami sa mga manunuod ang napakunot-noo dahil sa pagtataka sa kung anong tinatawanan ni Atlas. Maging ang kasama niyang mga Warriors ay labis na nagtataka.

Hindi na natiis ni Mariecris ang inis niya sa tawa ni Atlas kaya agad niya itong sinapak sa ulo "Siguro natatawa ka noh dahil babae na naman ang mag-lalaban?! Hoy huwag mong maliitin kaming mga babae!" Taas boses ni Mariecris habang ang ilong niya'y tila umuusok.

Napakamot naman sa ulo si Atlas "Hi-Hindi yon...natawa lang ako sa biglang naging imahinasyon ko..." sagot niya.

Iniripatan lang ni Mariecris si Atlas at hindi niya pinaniwalaan ang sinabi nito "Hmmp! Nagpapalusot pa!"

Ilang saglit pa'y ang natatawang mukha ni Atlas ay dahan-dahan na nawawala at para bang malalim ang iniisip niya habang nilingon ang mga kasamang Warriors. 'Naku, lima nalang pala kaming natitira na hindi pa sumalang sa laban. Sana, sana hindi ko makalaban si Juan at si Cecilia, dahil pariho ko silang malalapit na kaibigan.' Sa isip ni Atlas.


◇◇◇◇



Sa mga magtatanong kung ano yong "Seaven".

Grupo po sila na may pitong membro, halata naman sa pangalan ng grupo hahaha...

Tatlo sa kasali dito ay sina Atlas, Juan at Jericho. Sa ngayon hindi ko muna ibubunyag kung sino-sino pa ang mga membro sa Seaven, para may excitement hehehe!

Sige nga hulaan niyo kung sino pa itong apat na kasama nila Atlas at Juan sa Seaven.









Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now