"I have surprise for you. Makikita mo na siya mamaya." Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.

"S-Sino?" Wala naman akong inaasahang bisita ngayon maliban kila Ryona pero mamaya pa sila. Siguradong may klase pa sila.

"Surprise nga diba." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Heto naman hindi mabiro, mamaya nga sila darating. Wag kana magalit abunjing bunjing ko na 'yan." Umaakyat na sama ng loob ko sa lalaking 'to.

"Gusto mong baliin ko 'yang mga buto mo para hindi kana makalakad." Pagbabanta ko pero sumimangot lang siya.

"Pasalamat ka, Mahal kita."

---

"Anak." Lumapit si Mama sa 'kin at hinalikan ang pisnge ko.

"Pasensya na ngayon lang si Mama, kamusta naman?" Inayos niya ang mga dala niyang gamit at pagkain.

"Okay naman po ako Ma, kaka alis lang din ni Keijo mamaya pa daw po siya babalik." Mapilit talaga 'yung lalaking 'yun sabi kong wag na bumalik.

"Sila Ryona pumunta na ba?" Mag gagabi narin baka hindi na sila tumuloy.

"Hindi ko lang po sigurado. Ma ooperahan na daw po ako." Saad ko at natigilan si Mama.

"Talaga? aba mabuti naman." Hinalikan niya ulit ang pisnge ko.

"Good evening Yhonna!" Napatigil kami pareho dahil kay Keijo na nakangiti ng malawak.

Kakauwi lang niya ano na namang ginagawa dito?

"Kakauwi mo lang ah, bakit nandito ka agad?" Takang tanong ko.

"Bakit ayaw mo bang nandito ang future husband mo?" Inosenteng tanong niya at umarte pang parang nasasaktan.

Natawa naman si Mama habang ako umiling nalang. "Ang daming mong alam."

"May surprise ako sayo," Lumapit siya ng kaunti. "Sabi ko naman sayo magkikita na kayo."

Sinundan ko naman ang tingin niya sa pintuan at duon nakatayo at nakatingin sa akin ang taong pinaka hindi ko inaasahang makita. Ang taong gusto kong makasama kahit na sa kaunting panahon.

Papa...

"I-Ikaw." Gulat na turan rin ni Mama.

"P-Papa." Parang gusto na namang lumandas ng mga luha ko.

"Nice to see you again, Anak." Dahan dahan siyang lumapit sa akin at binigyang daan ni Keijo.

"P-Papa—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko nakaramdam na ako ng mainit niyang pag yakap.

Sa matagal na panahon naramdaman korin 'to. Isang yakap na inaasam ko. Ang yakap ng isang Ama.

"Patawarin mo si Papa...patawad Anak." Ang kanina kong pinipigilang luha ay lumandas na.

"P-Pa... nandito k-kana." Nahihirapang saad ko.

"Oo Anak, nandito na si Papa." Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"Sana pala mas binilisan ko pa. Ang sakit makitang nahihirapan ka dito tapos wala akong kaalam alam." Ramdam ko ang sakit sa boses niya.

"Pasensya na Anak, natagalan si Papa pero pangako dito lang ako. Hindi kita iiwan hanggang hindi ka gumagaling." Mas humapdi ang puso ko sa mga binitawan niyang salita.

"Babawi si Papa, susubukang bumawi si Papa. Hindi kana iiwan ni Papa." Pagsusumamo niya.

Natapos ang iyakan at pagliliwang ni Papa, gusto ko nga tumawa dahil minsan ulit ulit ang mga sinasabi niya.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat