CHAPTER 13

124 22 37
                                    

"Bukas na pala yun?" napatingin kami kay Chescka at sa nilapag niya sa lamesang poster about sa basketball na magaganap bukas.

"Yup pupunta ako syempre para panuurin si Kuya." Ani ni Ryona.

May practice na kami mamaya namin para sa battle of the bands next month hush.

"May gagawin kayo mamaya cine tayo?" Napalingon kami kay Ellie.

"Nope, may practice na kami ni Yhonna." Sagot ni Ryona at tumango naman ako.

"Practice saan?" Tanong ni Meli.

"Diba nga para sa battle of the bands napili kami e." Sambit ni Ryona.

"Oo nga pala kasali kayo." Ani ni Chescka na busy sa pag kain ng chicha.

"Kaya nyo yan support kami." Pag papalakas loob ni Chescka.

Hindi parin kasi ako sanay sa mga ganto first time ko rin masali at hindi ko alam kung paano ang mga gagawing paghahanda. Wala pa namang akong instruments mahal rin yun.

Dami kasing alam e.

Nag kwentuhan pa kami saglit at sabay sabay na napatayo ng tumunog na ang belle.

"Let's go bilis terror pa naman prof natin ngayon." Lagi naman sigurong terror ang mga proflalo na kapag seryoso ang lessons.

Nag hiwa-hiwalay na kaming lima agad akong hinila ni Meli papuntang classroom namin ang dami pang students sa Hallway at ang hirap dumaan tapos siksikan pa aakyat pa kami ng hagdan.

Jusme lord.

"Bakit ba kasi ang haba ng hagdan dinaig pa may pa red carpet." Kamot ulong sambit ni Meli.

Nang makarating kami sa room buti wala pa ang proff namin at nag kakagulo pa ang mga classmates namin. Naupo na agad kami at naglabas na ako ng notebook para icheck ang mga notes ko.

Mas mapapadalas ang pagpunta namin sa music room dahil sa practice. Kung hindi lang to dagdag grades wala akong balak sumali hindi ako sanay sa mga ganung bagay.

"Yhonna may notes kang ng lesson last Friday? hindi ko kasi nalagay e." Nag hahalungkat pa si Meli aa bag niya.

Hindi naman talaga siya nag no-notes, kunwari pa to kokopya lang naman.

"Oh nakakahiya naman ako pa nag adjust." Nag ngiting aso ang gaga at tinaggap ang notebook ko.

"The best ka beh, mahal na ata kita." Cringe.

"Konti nalang supalpalin ko yang bibig mo." banta ko sa kaniya kaya tumawa siya ng malakas.

"Hello girls."Napatingin kami kay Shii at muntik na ako masamid dahil sa pagtama ng buhok niya sa muka ko.

May pa hawi pa kasi ng buhok.

"Pupunta naman kayo bukas diba? kami ang cheerleader nila Keijo." Umupo pa siya sa ibabaw ng lamesa ko at tumango naman kami.

"Good good buti naman, im so excited for bukas cause i will see my Keijo loves play basketball again wahh i imagine how he will shoot shoot the ball in the ring." Dati ba tong bakla?

"Good morning Class." Halos mabalikwas siya ng upo dahil sa biglang pagdating ng prof namin.

"Good morning Sir." Bati namin pabalik.

Maayos ang naging takbo ng Klase namin sa history wala rin masyadong binigay na assignment kaya wala akong gagawin pag uwi. Lunch time ngayon pero hindi namin nakasabay ni Meli sila Chescka hindi pa daw tapos ang klase nila dahil late dumating ang prof.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now