CHAPTER 30

99 5 14
                                    

Tahimik ang biyahe namin at ang tunog lamang ng makina ang naririnig ko at ang mga malalim niyang pag butong hininga.

Ang awkward.

Hindi ko naman din inaasahan na ayon ang gusto niyang sabihin sa akin kanina. Na gusto niya ako.

"Salamat sa paghatid." Mabagal kong bigkas.

"You're welcome po." Umangat ang tingin ko sa kaniya at nakita ko ang pag ngiti niya.

"Don't think about it, ayaw ko umiwas ka sa akin. Mas hindi ko 'yun kakayanin." Pagsusumamo niya.

---

"Ma! aalis kana po ba?" Parang ang bilis natapos agad ang sabado at linggo tapos papasok na naman ako.

"Oo 'nak, ikaw ay kumain na d'yan at iniwan ko narin ang baon mo sa lamesa. Uminom karin ng mga gamot mo." Lumapit si Mama sa akin at hinalikan ang pisnge ko.

"Sige po, mag iingat ka Ma." Bilin ko rin sa kaniya.

Kinain ko na ang inihanda ni Mama pero ang utak ko ay iniisip parin ang mga sinabi ni Keijo. Hindi ko alam kung paano siya haharapin pagtapos ng nangyari sa amin.

"Yhonna, good morning!" Pagbukas ko ng gate nagsalubong ang tingin namin ng lalaking may gusto sa akin.

"K-Keijo...ano ginagawa m-mo dito?" Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan.

"Sakay na ma la-late kana." Sagot niya sa akin.

"H-Hindi mo naman ako.. kailangan sunduin." Kinamot niya ang muka niya at inosenteng tumingin sa akin.

"Bakit naman? sabi ko sayo susunduin kita at nangako ako kay Tita na hindi kita hahayaang mapahamak." Kesa may protesta sumakay nalang ako ma la-late narin ako wala na akong oras mag inarte.

"Y-Yhonna.." Hinihintay ko ang sasabihin niya, ang tahimik kasi hindi korin naman alam kung paano sisimulan ang usapan.

"Mag kaibigan parin tayo diba?" Niyakap ko ang bag ko at bahagyang tumingin sa kaniya.

"Oo naman, bakit naman hindi?" Mabuting kaibigan si Keijo kahit saglit ko palang siyang nakakasama at hindi pwes umamin siya sa akin lalayuan ko na siya. Pero ang awkward lang kasi.

"May pasok ka mamaya?" Sunod na tanong niya.

"Oo kailangan namin ng pera." Simpleng sagot ko narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.

"Hindi mo naman kailangang pumasok duon sa kainan, magkano bang kailangan mo? handa naman kitang tulungan." Mula sa pagkakasandal ko sa salamin ng sasakyan hinarap ko siya.

"Hindi na kailangan Keijo, gusto ko lang tulungan si Mama. Ayaw korin mag karoon ng utang sa kahit na sino." Galing nanga kami sa hirap tapos pahihirapin ko pa lalo madami na silang natulong sa akin ayaw ko nang dagdagan pa.

"Isipin mo nalang tulog 'to, kahit hindi mo na ako bayaran." Protesta pa niya at agad naman akong umiling.

"Hindi na, salamat nalang. At kaya ko naman talaga." Ngumuso siya sa akin at inihinto ang kotse sa parking lot ng university.

"Mauuna na ako, salamat sa paghatid." Bumaba na ako at kumaway sa kaniya paalis.

"Meli! buti wala pang prof." Umupo agad ako sa tabi ni Meli na busy sa cellphone niya.

"Bakit kasi tanghali kana?" Tanong niya pero sa cellphone parin ang tuon.

"Na late ako ng gising." Kala ko makakapag pahinga na ako ng sapat hindi parin pala.

"Busy sa cellphone ha." Puna ko sa kaniya pero ngumit lang ang babae baka ka chat jowa niya hindi namin classmate si Christian dito.

"Hey Yhonna." Umangat ang tingin ko kay Shii na kunot nuong nakatingin sa akin.

"I heard that you're close to Keijo?" Nakita ko pa ang simpleng pag irap niya.

Problema mo 'teh?

"Hindi naman." Simpleng sagot ko at inilabas ang notebook ko.

"Back off, tch kala mo kung sino." Tumaas ang kilay ko pero hindi ko parin siya nililingon at tuluyan na siyang unalis. Kala ko anghel 'yun dati. Akala ko lang pala.

"Yabang ah, kala morin kung sino ka hindi ka lang kasi magustuhan ni Keijo e'." Pigil tawa kami ni Meli dahil sa sinabi niya.

Nakapag focus naman ako sa klase at hindi naman ganun karami ang assignments puro essay ang gagawin.

"Parang namumutla ka." Puna ni Ellie sa akin inabot ko naman ang salamin ni Chescka para makita ang istura ko.

Nasa field kami ngayon dahil vacant rin naman, medyo mainit rin.

Tinapat ko ang salamin sa akin, namumutla nga ang muka ko at ang mata ko halatang pagod at kulang sa tulog.

"A-Ah mainit kasi." Pagdadahilan ko.

"Sabagay, mistisa karin kaya halata." Uminom sa sprite in can si Ryona.

"Hey Yhonna may hindi ka sinasabi sa amin." Kumunot ang kilay ko sa sinabi ni Ryona at lumapit sa akin.

"My Kuya likes you right? sinabi niya sa akin kahapon." Napatigil naman sila Ellie, Chescka at Meli sa ginagawa nila.

"Legit?! walang halong keme?" Ang laki ng ngiti ni Meli.

"A-Ano kasi." Ano ba yan! hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Sinagot mo na? ano kelan kasal?" Gusto ko isubsub yung pagmumuka ni Meli ngayon.

"Anong kasal?! hindi ko nga pinayagan mangligaw." Iritang sagot ko sa kaniya.

"Ay t*nga, bakit hindi?" Ako pa natanga.

"Alam mo namang hindi pa ako handa sa mga relationship na 'yan." Totoo naman kasi sa tanang buhay ko sa pagiging mailap ko sa tao hindi ko pa nararanasan 'yang love.

"Kuya Keijo can wait for you Yhonna, i witness that." Napatango naman sila sa sinabi ni Ryona.

"Ayaw korin naman siyang paghintayin, walang kasiguraduhan sa mundo." Yumuko ako at huminga ng malalim.

"But atlease try it." Makahulugang sambit ni Ellie.

Katatapos lang ng huling klase, nagpaalam si Meli na makikipag kita siya kay Christian buti nalang para hindi na siya mangulit sa akin. Makakapunta ako sa kainan ng walang nakakaalam.

Simula nung battle of the bands hindi ko na nakita si Zaiker pero ang sabi nila Jacob pumasok na raw at humingi ng despensa dahil hindi siya nakapunta.

"Oh ija, ang aga mo ulit." Nilapag ko na ang gamit ko sa loob at nag suot na ng apron.

"Maaga po natapos ang klase." Sagot ko at natawa naman si Aling Milda.

"Edi kung ganuon maaaring dagdagan ko ulit ang sweldo mo." Lumawak naman ang ngiti ko.

"Ayan ang gusto ko po." Muling napuno ng tawanan.

Maaga lang din akong pinauwi ni Aling Milda dahil dumating na ang ibang nag tra-trabaho tama nga siya dahil naging limang daan ulit ang sweldo ko. Umaasenso si Aling Milda ah.

Pagod ang buong katawan ko at kahit na malamig pinag papawisan ako. Hindi parin ako kumakain at namumutla nga daw ako.

"Yhonna!" Niyakap ko ang bago ko at tumingin sa tumawag sa akin.

"Oh Keijo." Tawag ko pero bago pa siya mapalapit sa akin umikot na ang paligid ko at tuluyan ng dumilim.






Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now