"Gab, look! Bukas na 'yung tent! You think kaya pa nating humabol sa race?"

"Well, we should at least try! Pa'no, game on?"

"Game!"

Magkahawak kamay sila na lumabas ng tent at ipinagpatuloy ang next task.

PAGKALABAS NI MIKA sa tent ay naabutan niya si Zeke na nakaupo sa tapat ng bonfire at mukhang nagmumukmok. They are now finished with the race for the night at time na para magpahinga ang mga students or do what they wanted to do. Umupo siya sa tabi nito pero hindi ito kumikibo.

"I'm sorry for being a bitch a while ago. Nate-tense lang talaga ako sa game and I'm so desperate to win the race. Hindi ka pa ba inaantok? We have a long day ahead of us tomorrow. Tara na, pahinga na tayo," pagyayaya niya dito.

Nang hindi siya pansinin nito ay hinawakan niya ito sa braso at sinubukan lambingin.

"Matulog ka na do'n sa tent. Dito na lang ako matutulog sa labas," sagot nito.

Nang marinig iyon ay nagbago ang reaction niya. Zeke is pushing her away at halatang umiiwas ito sa kanya.

"What the hell is your problem?!" bulyaw niya dito pero nang 'di ito sumagot ay mas ginusto niya na inisin na lang rin ito para parehas sila na wala sa mood. "Iniisip mo siguro ang ginagawa nina Jin and Gab sa tent, 'no? I will tell you what... magkatabi silang natutulog, sweet at dahil maginaw, I'm pretty sure na magkayakap sila," pagkukuwento niya.

"Can you just shut up?!" bwisit na sigaw nito. "Alam mo ba kung bakit palagi kang number two sa kanya sa lahat ng bagay, Mika? It is because you try too hard."

Nasaktan si Mika sa sinabing iyon ni Zeke at sasampalin niya sana ito pero napigilan siya nito. Galit na galit siyang nag-walk out doon. Maybe he is right. Maybe I am trying too hard not to lose to her.

NASA MAPUNONG AREA sina Jin at Gab ng camping site at halatang naliligaw na sila. They are still doing the task at tiningnan na muli ni Jin ang nakasulat sa maliit na papel na hawak niya. Hanapin ang narra tree kung saan may nakasabit na flag. Pero kanina pa sila naghahanap sa narra tree na may flag pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila mahanap.

"Sa tingin ko naliligaw na tayo. Parang wala namang narra tree dito," sabi ni Gab kay Jin.

"Bumalik na lang kaya tayo sa tent natin? Hanapin na lang natin bukas kapag maliwanag na tutal mukhang huling huli na tayo sa race. P'wede ba na magpahinga na muna tayo? Pagod na 'ko."

Umupo na muna sila sa ilalim ng puno. Nagulat si Jin nang may makita siyang falling star.

"Gab, look! May falling star! Let's make a wish!" excited na sinabi ni Jin.

Sabay silang pumikit and silently wished. Naunang dumilat si Gab habang siya ay nakapikit. She doesn't know na tinititigan na pala siya nito. Nang dumilat siya, nahiya siya na maabutan na nakatitig pala sa kanya si Gab.

"A-anong wish mo?" tanong niya dito.

"I wished... for you, Jin."

Nabigla si Jin sa naging sagot ni Gab. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatitig kay Gab ng makahulugan. It is like something is really up pero hindi niya alam kung ano talaga 'yon.

"I... I wished for you too, Gab," nahihiyang pag-amin niya.

Bigla na lang siyang niyakap ni Gab ng mahigpit. And now, her heart is beating crazy. Sobrang bilis noon dahil sa sudden gesture ni Gab sa kanya.

"There's no sense in pretending to be in love with someone else, Jin. Narealize ko na ikaw ang mahal ko. Since the day na hinalikan kita, it felt right kahit na alam kong mali... and I don't understand why my heart feels this way whenever I'm with you," pag-amin nito.

"Ma-mahal din kita, Gab. It took me a while to realize na matagal nang wala akong nararamdaman for Zeke. Maybe, I was only in love with the idea of loving him pero na-realize ko nung bumalik siya na ikaw na ang hinahanap-hanap ko. I also don't understand why pero ikaw palagi ang laman ng isip ko," pag-amin niya na rin dito kahit na alam niyang maling-mali ang ginagawa nila ngayon. She has a boyfriend for Pete's sake!

"P'wede bang totohanin na lang natin ang engagement natin?"

"Yes, Gab. But let us do the right thing. Kakausapin ko muna si Zeke at kailangan na magkaroon kami ng maayos na closure. I think he deserves to know the truth about us,"

"Okay, maghihintay ako."

Nagyakapan ang dalawa. Ang hindi nila alam, may isang tao na nakatingin sa kanila mula sa 'di kalayuan at na-witness ang buong pangyayari.

When they are almost kissing, bigla na lang silang may narinig na sigaw.

"Mukhang may naaksidente," sabi ni Gab.

"Let's go! Tulungan natin."

Tumakbo sila sa direction kung saan nila narinig ang sigaw. Natagpuan nina Jin at Gab si Mika hindi kalayuan sa kanila. Nakaupo ito at sprained ang legs.

"Mika, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Jin as soon as nakita nila ito at nilapitan.

"Hinahanap ko si Zeke at sa sobrang dilim, 'di ko makita ang dinadaanan ko. Can you stop asking me questions and just help me here?! Can't you see I'm injured?!"

"Gab, buhatin mo siya at dalhin natin sa tent!"

Binuhat nga ni Gab si Mika at pumunta sila sa tent. Pagkadating doon, iniupo ni Gab si Mika sa tabi ng campfire at ini-stretch ni Jin ang paa ni Mika.

"I think kailangan niya ng hot and cold compress. Samahan mo na muna siya, Gab. Hihingi muna ako ng ice bad sa first aid," pagpapaalam ni Jin.

Tumango lang si Gab at nagmadaling umalis si Jin doon.

Then, Gab and Mika was left there. Tahimik lang sila na nakaupo doon at napansin ni Mika na nakasunod pa rin kay Jin ang tingin ni Gab.

"You like her, don't you?" pang-uusisa nito.

"Is it that obvious?" he said while smiling.

"Obviously, yes. Hindi ko naman sisitain kung hindi ka masyadong halata, eh. Is this some sort of a game at pinagpupustahan niyo 'ko? Nakakapagtaka lang kasi, pinupush ka niya sa'kin saying I should give you a chance since gusto mo ako," may pagka-iritable na sinabi ni Mika.

"It's nothing like that, Mika. Sa totoo lang, in-arrange kami ng parents namin to get married. Ni hindi pa kami magkakilala noon. We were both against the engagement and I told her na may gusto akong iba at ikaw 'yon. That's when she promised na gagawa siya ng paraan para maging tayo at masira ang engagement namin," pagpapaliwanag ni Gab.

"So what happened? Parang hindi ka naman na against sa engagement niyo,"

"It's obvious na parehas na tayong nagbago at doon ko na-realize na habang nakakasama ko si Jin, siya pala ang mahal ko. I'm sorry, Mika,"

"No, don't be. It's alright, Gab. I think you deserve each other and I am happy for the both of you. I hope everything will turn out well for you guys."

Niyakap niya si Gab at nang makita niya sa likod si Jin, bigla niyang hinalikan si Gab sa lips. Gab froze at what she did. Nang makita iyon ni Jin, nasaktan siya kaya tinapon niya ang dala-dalang ice bag at tumakbo palayo at sinundan rin naman siya ni Gab.

"Jin, wait!"

She ran away as fast and as far as she could. Gulong-gulo siya. After Gab confessed to her, nakita niya silang dalawa na naka-lip lock. Ano nga ba naman ang dapat niyang isipin? Na Gab is playing with her feelings? Umiiyak siya na tumatakbo... not knowing where exactly to go. Ang alam niya lang, kailangan niyang makalayo kina Gab at Mika.

Nang marinig niya na may sumusunod sa kanya, tumakbo pa siya ng tumakbo until she fell sa isang ravine. Nakakapit lang siya sa damong naroon and now, all she can ever think of is kung paano siya makakahingi ng tulong at maka-ahon sa pagkahulog doon.

"Help! Tulungan niyo ako!" she cried.

Game of Love RetoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon