CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad ko itong pinindot at may nakita akong... ano ito? Hindi ko mawari kung ano.

Egg??

What the heck? Anong gagawin ko sa itlog? Pero infairness ang ganda ng design. Mukhang flames. Eh pero mukhang di naman siya nakakain.

Speaking of pagkain? Pano naman kaya ako makaka-survive dito? At di ko pa pala alam ang kalakaran dito! Pero mukha naman siyang 'yung mga MMO na nilalaro ko. Pano na yan? Wala naman kasi akong nakita na manual doon sa basement eh.

Ano kaya kung magtanong muna ako?

Pinindot ko ulit 'yung blue button at hinanap ko 'yung kung may pera-pera din ba dito. Ang halaga ng pera na meron ako ngayon ay G1000. Ayos! May pera naman pala ako eh. Matikman nga ang mga pagkain dito.

Naglakad-lakad ako at may nakita akong bilihan ng mga pastry sweets and kita mo nga naman! Ang haba lang naman ng pila. Pero dahil may sweet tooth si ako, magtatyaga ako!

Almost one hour din siguro ako naghintay at nakapasok na din ako sa loob. Ang bango hmm!

Sinilip ko yung mga dala-dala nung mga papalabas na ng shop. Naglalaway na ako kasi mukhang masarap 'yung binili nila.

Isang tao nalang ang nasa harap ko then tsenen! Finally my turn! Nakahawak ako sa baba ko habang namimili. Tinanong ko din 'yung best seller nila at tama nga, 'yun 'yung binibili ng karamihan.

Kaya nga best seller eh anuba.

"That costs 50,000 golds ma'am." sabi nung NPC.

Nagpintig ang tenga ko. Sabi na eh! Scam 'to scam! Huhuhu.

Ano namang mabibili ko sa G1000?

"Uh can't afford that right now, how much is this?" turo ko dun sa plain bread. Wala eh. Dyan talaga bagsak natin.

"500 golds ma'am."

Seryoso ka ma'am?! Plain bread 500 golds!

This is totally a scam period.

"Okay, please give me one." sabi ko. Nakakahiya naman aba kung hindi ako bibili. Ang haba kaya ng hinintay at pinila ko!

Habang binabalot ni ateng NPC yung plain bread ko, kinausap ako ng lalake na nakapila sa likod ko.

"Newbie? Madali lang makaipon ng golds dito. Gusto mo samahan ka namin?" tiningnan ko siya ng weird look. Ang yabang kasi ng dating eh porket mataas level. Kakatakot pa itsura mga kalbo.

Nagagandahan siguro sila sa character ko. Char lang. Nagbubuhat ng sariling bangko hahaha!

Hindi ko pa pala nadedescribe sa inyo 'yung itsura ng avatar ko. Meron akong blue black na shoulder length hair at black eyes. Hindi na ako nag-customize pa ng bonggang-bongga. Tapos yung height ko ay kung anong height ko sa reality. Wag niyo na alamin kung ilan.

"No thanks. I can handle myself. Now please excuse me I gotta go." sabi ko pagkakuha ko ng plain bread ko. Nasasaktan talaga ako pag sinasabi ko 'yung plain bread. Haba ng pinila ko tapos eto lang pala makukuha ko.

Sawi at malungkot akong lumabas dun sa store na yun. Naririnig ko pa nga nag-uusap yung mga kalbo na baka daw foreigner ako. In-english ko kasi sila diba haha.

Maya-maya, nagulat nalang ako nang may nakita akong kamay na may hawak nung pagkain na 'yun sa harap ko. 'Yung parang hinarang niya sa mukha ko.

Kukunin ko na sana kaya lang bigla niyang binawi.

"Damot mo naman." sabi ko.

"Psh. Bago ka no?" tanong niya.

"Ah--o--oo." sabi ko at napalayo ng konti. Kakatakot 'to baka i-PK ako bigla kasi newbie tas nakawin 'yung natira ko pang 500 na golds.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon