Chapter 2: Normal day with him.

347 248 15
                                    

"I've got a feeling na hindi ka okay, kaya kung ano trip mo ngayon sige okay sa akin."





Samantha's pov,

Bumangon na ako sa pagkakahiga para makapaghilmos. Hindi ako masyado nakatulog ng maayos kagabi dahil hinihintay ko yung reply ni Caleb.

Hindi ko namuna inatupag yun at inayos ko na ang sarili ko. Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa harapan ko si Matt na naka sandong gray kaya kita ang lapad ng balikat niya.

Tumingin ako sa kanya, messy hair siya at halatang bagong gising lang rin or baka dahil singkit lang at wala siyang eye lids.

"Ginagawa mo diyan?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Hinihintay ka?" Sagot niya. Huh? Bakit naman niya ako hinihintay pano kung mamaya pa akong tanghali bumangon edi diyan lang siya tsk!

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?"

"Hmm? Syempre sabay na tayo mag-almusal."

"Pano kung ayaw kita kasabay? Tsss! Tabi nga diyan." Ani ko at tinulak siya para makababa na ako.

Naupo na ako dito sa pwesto ko at siya dumeretso sa counter para kumuha ng plato saka ito nilapag sa harap ko. Tinitignan ko lang siya habang inaasikaso ang kakainin namin wala talaga ako sa mood ngayon dahil walang paramdam si Caleb.

Habang kumakain ako napapansin ko na tumitingin sa akin si Matt kaya napatigil ako. "Nasa mukha ko ba kinakain mo?"

"Masama ka bang tignan?" Ngiti niya.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na sumagot. Badmood na nga ako nakikisabay pa tong lalaki na to.

"Bakit ka ba bad mood?"

"Bakit gusto mo malaman?" Inirapan ko siya. Nabuhayan ako ng biglang magvibrate ang phone ko. Excited pa akong buksan akala ko siya na hindi pala. Padabog kong nilapag sa mesa yung phone.

Hindi ko na tinapos yung kinakain ko. Tahimik lang ako nakaupo dito sa kinauupuan ko habang si Matt naghuhugas ng pinagkainan namin.

Wala akong maisip na pwedeng gawin ngayong araw. Kinuha ko ulet yung phone ko at nagtext ulet kay Caleb.

To: Babi<3

"Super busy mo naman po :'<"

"I miss you so much babi.."

"Magparamdam ka naman. Please?"

"Nakakainis!" Sabay lapag sa mesa nung phone ko.

"Ano ba problema?" Tanong niya at naupo sa katabi kong upuan.

Sasabihin ko ba sa kanya yung problema ko o wag na? Kasi kung sasabihin ko baka husgahan niya si Caleb. Kung hindi ko naman sasabihin mababaliw lang ako kakaoverthink haysss!

"Huy?!"

"H-Huh?" Balik ko sa sarili.

"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Kumalma ka nga muna." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Eh ano nga kasi? Nakailang buntong hininga ka na kasi. Kahapon ang lapad lapad ng ngiti mo ngayon para ka pinagsakluban ng langit at lupa."

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Onde as histórias ganham vida. Descobre agora