Chapter 34: Love and Lies

Start from the beginning
                                    

Ayokong makisabat sa usapan nila dahil ayokong malaman ni Roanna na interesado ako sa sinasabi niya. I don't believe her. But how he reacts made me think twice. Ano'ng totoo 'yun? Ano'ng dapat kong malaman?

Roanna smirked. "But you can't stop me from telling her what you can't. You know how much I enjoy hurting her, Wren." May pagbabanta niyang sabi dito.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Wren ang magkabilang pisngi ni Roanna. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin. "I know." He simply said and twist her neck na dahilan kung bakit biglang napahiga si Roanna sa sahig. Nagulat ako nang gawin niya 'yon. Did he just kill her?

"Wren!" Tawag ko sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa'kin na parang walang nangyari.

"Hwag kang mag-alala. Mabubuhay naman ulit yan." Walang pakialam na sabi niya sakin at saka ako nilagpasan. It doesn't matter! He still killed her. It's not like I'm worried. Nagulat lang ako sa ginawa niya. I know he's capable of killing pero kailangan bang sa harap ko pa talaga?

Napapailing nalang akong sumunod sa kanya. Tahimik lang siya kaya tumahimik nalang rin ako hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Oh bibi, Wren. Saan kayo galing?" Tanong sakin ni Mimi pagkarating naming dalawa sa bahay. Nasa gate palang, sinalubong na niya kami.

"Sa playground lang po, Mimi." I answered.

"Ganun ba? Gusto niyo na bang kumain? Dinner's ready." Mimi said. Nagtaka naman ako. Ang aga pa kasi. Mga 5:30 palang siguro pero baka maagang dumating si Didi galing sa trabaho.

"Sige po--"

"Hindi na po tita. Uuwi na rin po ako. Salamat nalang." Sagot ni Wren. Napalingon ako sa kanya na nagsisimula nang maglakad palayo. Nakakunot ang noo kong napatingin kay Mimi. Mukha rin namang naguguluhan siya sa inaasal nung isang 'yon. Parang dito na rin kasi yun nakatira dahil kung makakakain dito, akala mo wala na siyang bahay. Uuwi nalang yun kapag matutulog na.

"Wait, Mi. Sundan ko lang po siya." Sabi ko at hindi ko nahinintay yung sagot ni Mimi saka sumunod kay Wren.

"Huy!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Mas binilisan ko pa ang takbo ko para makasabay sa kanya saka siya kinulbit. "Wren."

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. Walang emosyon ang mga mata niya. Yung mapang-asar na expression niya, wala ngayon.

"Anong problema mo?"

Umiling lang siya sa tanong ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ako.

"Is it because of Roanna? Dahil sa sinabi niya kanina?" tanong ko ulit. Kumunot lang ang noo niya. "Ano ba yung sinasabi niyang totoo? Ano'ng dapat kong malaman?" Pangungulit ko pa rin sa kanya. Hindi ko alam pero parang hindi na ako sanay na ganito si Wren. Mas okay pa sakin na nambabara at nang-aasar siya kesa maging cold siya. Parang mas cold pa siya kay Viex sa ganitong state e.

"Hwag mo nang isipin 'yon. Wala lang 'yon." Malumanay na sabi niya. Ayoko talaga ng ganito siya. Parang nakakalungkot.

"Kung wala lang, bakit nagkakaganyan ka?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi hindi nalang niya sabihin? Maiintindihan ko naman e. Well, sana.

Huminto siya sa paglakakad at saka humarap sa'kin kaya napahinto rin ako. Kumunot lalo ang noo ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. May iba talaga sa mga kinikilos niya ngayon. At hindi ako mapakali dahil don. "Umuwi ka na, Zeira. Maggagabi na. Baka mapahamak ka pa..." He trailed off. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi naman niya masabi.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"

"Dahil wala ka namang kinalaman don. It's my past. And you're not even a part of it." Seryosong sagot niya. I felt a pang of pain in my chest. I shifted my gaze from him to the floor. Nasaktan ako sa sinabi niya. Alam ko namang wala akong role sa past niya pero bakit kailangan niyang ipamukha? At bakit kailangan pang masaktan ako? Wala naman akong pakialam sa kanya diba?

I sighed. "O-okay." Tinalikuran ko nalang siya at naglakad pabalik sa bahay pero napahinto ako nang bigla na naman niya akong hatakin pabalik sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mga bisig niya. He's hugging me? Bakit?

"W-wren. Ano bang ginagawa--" Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap nya sa'kin pero hindi naman umabot sa point na hindi na ako makahinga. "--mo?"

"Please, hayaan mo muna akong yumakap. Kahit ngayon lang." Napakunot ang noo ko nang maramdaman ko yung lungkot niya. Bakit ba nagkakaganito 'to?

Tumango nalang ako at niyakap siya pabalik. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nararamdaman ko rin yung nararamdaman niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa ganung posisyon. Buti na nga lang, walang masyadong dumadaan sa parteng ito ng subdivision. Papunta na rin kasi ito sa bahay nila.

Maya-maya, humiwalay na siya sa pagkakayakap. Nang tignan ko siya, nagtaka ako nang nakangiti na siya. Kumpara sa pang-asar na ngiti niya, ibang iba yung ngiting 'yon. It looks so genuine. Napangiti nalang rin ako.

"Gusto mo ba talagang malaman?" He asked. He looks so determined. Nagtaka ako pero tumango nalang bilang sagot. Umupo siya sa katabi naming pavement kaya umupo rin ako sa tabi niya.

He was silent for a minute. Ilang beses na rin siyang nagbuntong hininga. Parang hindi pa yata siya ready-ng sabihin sa'kin yung bagay na sasabihin niya.

"Mahal mo ba si Viex?" Diretsong tanong niya sa'kin na ikinagulat ko. Hindi ko ineexpect na 'yan ang itatanong niya. Nag-isip ako sandali. Mahal ko na nga ba talaga si Viex? Sa buong linggo na hindi siya nagpakita sa'kin, nainis ako sa kanya lalo pero mas namimiss ko lang siya araw araw. Naalala ko bigla yung sabi ni Syn sa'kin dati. Am I already crossing the line? That fine line? Wala sa sariling napatango ako.

Natawa siya ng mahina. But I can't find any hint of happiness in his laugh. "Ang tibay talaga ni Zaffre. Pinanindigan niya talaga ang sinabi niya." Naiiling na sabi niya na mas ikinagulo ng utak ko.

"Ano bang sinabi niya?" Takhang tanong ko.

Napatingin siya sa'kin. Nakangiti siya pero hindi naman yun umaabot sa mata niya. Malungkot siya. "Na kapag mas nauna siyang mahanap ka, hindi ka na niya isasauli sa'kin."

"What do you mean, Wren?"

He sighed. "Hindi mo ba ako nabobosesan? My princess?"

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now