Chapter 34: Love and Lies

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiwas siya ng tingin at saka nag-umpisang tumawa. At hindi lang 'yun basta tawa. Parang gusto na nga niyang sumalampak sa sahig dahil lang sa sobrang galak. Napasimangot ako. See? Hindi talaga siya pwedeng makausap ng matino.

"Dyan ka na nga." I said, annoyed as I stood up. Maglalakad na sana ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko, dahilan para mapaupo ulit ako sa bench. Napatingin ako sa kanya at this time, hindi na siya tumatawa. Napakaseryoso na ng mukha niya at nakakakilabot ang tingin niya. Ano ba naman 'to! Bakit ang bilis nitong magbago ng mood? Mas nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Anong gagawin niya?

Umusod pa ako ng umusod pero huli na dahil wala na pala akong mauusuran. Hawak niya rin ang braso ko kaya hindi ako makawala. Kapag naman tumayo ako baka magdikit ang mga mukha namin at-- basta! Hindi ako makatayo.

"Paano kung sabihin kong oo? Yes, I've been in love, my princess." Nakangiting sabi niya sa'kin. Kinilabutan ako lalo nang dahil sa tawag niya sa'kin. My princess? Pakiramdam ko, tinakasan ako ng mga dugo ko sa mukha at bigla nalang akong namutla. My princess. Did he just call me my princess?

"How sweet!" A voice teased. Mabilis kaming naghiwalay. Ako naman, napatayo agad at napatingin sa taong nagsalita. She clasped her hands and looked at us, smiling. "I wonder how Viex would react when he sees this!" Pang-aasar pa niya.

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang dahil sa galit. Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'to para magpakita pa sa'kin.

Mabilis akong pumunta sa kinatatayuan niya and in a snap, nasa likod niya na ako. I snaked my wrist in her neck while holding a sharp wood. Mukhang nagulat siya ng dahil sa ginawa ko pero hindi niya pinahalata. I'm a vampress. Kaya kong gamitin ang pagiging mabilis ng isang vampire and use a light to make a wood. Nagulat pa nga ako dahil hindi ako nahirapang gawin 'yon.

"Zeira!" May halong pag-aalala sa boses ni Wren pero hindi ko siya pinansin.

"Ang lakas din naman ng loob mong magpakita pa sa'kin. I'm now stronger than you and I can kill you in a snap. And oh, thanks by the way. For turning me into this." I said. Walang mababakas na takot sa boses ko pero napansin ko ang panginginig ng kamay ko. Please, wag naman sana akong traydurin ng sarili kong katawan ngayon.

Nagulat ako nang biglang tumawa si Roanna na parang hindi pa siya kinakabahan. Mas lalo akong nainis kaya mas lalo ko ring inilapit sa kanya yung wood hanggang sa dumikit na 'yon sa leeg niya. Napailing siya ng kaunti. "Not so fast, dear. I know you can't kill me. We both know that." She said confidently. Like she can read my mind. Pero napansin kong hindi na siya makatawa. And at that monent, I can smell her blood running down her neck. Though, konti lang 'yon.

Napangisi ako kahit inis na inis na ako. "You're right, Roanna. I can't kill you because that's not me. That's you. But--" Unti-unti kong ibinababa yung wood at ramdam kong natutuwa siya dahil akala niya, namamanipulate na naman niya ang utak ko. But no, Roanna. I'm smarter than you think. Walang pag-aalinlangan kong isinaksak sa tyan niya yung wood hanggang sa yung pinakadulo nalang nito ang kita. I stabbed her on the same spot where I stabbed myself. The next thing that I can hear is her pain. Napaupo siya sa sahig habang nakahawak sa tyan niya. Pumunta ako sa harap niya kaya napatingala siya. I smiled triumphantly. "--I can hurt you. Fair enough, huh?"

Tinalikuran ko siya at nag-umpisang maglakad pero napatigil ako nang nag-umpisa na naman siyang tumawa kahit nahihirapan. Baliw ba 'to?

"P-poor you, Wolf. What now? Hindi mo pa rin nasasabi sa kanya ang totoo?" Nahihirapang sabi ni Roanna. Napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Ako ba ang kausap niya?

Pero hindi naman siya nakatingin sa'kin kaya napatingin ako kay Wren na parang namumutla nang dahil sa sinabi niya. Anong totoo ang sinasabi niya?

Nang makabawi si Wren ay naiinis siyang lumapit dito. Lumuhod siya sa harap nito para maging magkalebel ang mga mukha nila. "Manahimik ka kung ayaw mong ako ang magpatahimik sa'yo." He said.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon