Chapter 35

1.3K 30 3
                                    


***
Allison's POV


"Hi boss! Pasensya ka na wala akong load kaya dumiretsyo na lang ako dito." Ang kaninang pigil pigil kong paghinga ay nailabas ko rin.




"Kilala mo?" Parang may galit sa tono ni Cheska nang silipin niya mula sa likuran ko ang taong kanina lang ay katok ng katok.




Tanging tango lang ang naisagot ko sa kaniya at saka humingi ng pribadong espasyo para sa aming dalawa. Tumango siya at saka bumalik sa hapag kainan. Nilingon ko muna siya bago ako tuluyang lumabas ng cafe at isarado ang glass door.




"I guess you have a good news." Hindi ko mawari kung bakit tila na-excite ako sa pagdating ni Dex, ang natitirang private investigator na binabayaran ko para lamang hanapin si Samantha.





He took a long time to answer and then scratched his head. He seemed nervous to tell me something. Kaya naman ang kaninang pagka excite ko ay napalitan ng nerbiyos at hindi ko na napigilan ang kuwelyuhan ang taong kaharap ko.







"B-Boss!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang gawin ko sa kaniya iyon. Nauubos ang pasensya ko sa tagal niyang pag sagot.







"Tell me!" Pinanlakihan ko siya ng mata kasabay ng nag ngangalit kong sigaw. I don't know why I felt so nervous.








"B-Boss. . . W-Wala na siya. . ."








"Anong wala na? Anong pinagsasabi mo, ha!" Hindi ko tinanggal ang matalim kong tingin sa kaniya, nakahawak pa rin ako sa kuwelyo niya habang inaalog siya dahil baka makakuha ako ng mas maayos na sagot mula sa kaniya. Napansin ko ang paglunok niya at ang pag iwas niya ng tingin sa akin.









"Magsabi ka ng totoo sa akin! Nahanap mo na ba siya? Dahil kung hindi, sinasayang ko lang pala ang pera ko sa walang kwentang private investigator na katulad mo!" Alam ko ang ibig niyang sabihin, ngunit hindi ko paniniwalaan iyon.








"Nahanap ko siya boss. Pero huli na ang lahat." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kuwelyo niya. Pakiramdam ko ay tumataas ang altapreyson ko sa taong kaharap ko at kaunti nalang ay aakyat na ang lahat ng dugo ko sa ulo.











Peke akong tumawa sa sinabi niyang iyon.











"Dodoblehin ko ang bayad ko sayo, mahanap mo lang siya. Huwag mong problemahin yung ipangbabayad ko. I still have my rest house to sell. May pera pa ako, kaya pa kitang bayaran-"










"Pero boss. . ." Hindi ko na gustong ituloy ang sasabihin niya kaya naman itinulak ko siya na naging dahilan upang mapaupo siya sa sementong sahig na kinatatayuan namin. I felt my heart is aching, hindi pa man naitutuloy ang sasabihin ni Dex ay ang sakit sakit na ng nararamdaman ko.










"Triple! Triple na ang ibabayad k-"











"Noong araw na nawala siya, yun din ang araw na nawala na siya sa mundo boss. . " May pagdiin sa pagsasalita nito. Tila gusto niyang ipaintindi sa akin ang bawat salitang binibitawan niya.













"She committed suicide."













"Stop! Stop it! Shut up! Hindi yan totoo!! " Malakas na sigaw ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa dalawa ko ring tainga. "I don't believe you! Hinding hindi gagawin ni Samantha ang bagay na iyon!"











Seduced By A Lesbian: AllisonWhere stories live. Discover now