45 - The Truth of the Past

3.2K 127 5
                                    

The italicized paragraphs are the flashbacks from the memories of the real Victoria. Para hindi po kayo malito. 😇

***

"Are you avoiding Rosan?" Heilee asked. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagpapanggap na masama ang pakiramdam para umalis si Rosan na dalawang beses nang bumibisita dito para kamustahin ako.

"N-No, why would I?"

"Really? Well, I don't believe you." Taas kilay niyang sabi at hinila ang kumot sa akin kaya napaupo ako.

"Why are you avoiding Rosan, Tori?" She asked. Natahimik naman ako. Should I explain to her what I saw? That I wrote a letter to Rosan? Pero for sure magtataka din si Heilee kung paano ko nakilala si Rosan bago pa ito mag-apply sa mansion. Paano ko naman ieexplain sa kaniya eh hindi ko pa nga nalalaman kung ano nga ba ang nais sabihin ng totoong Victoria kay Rosan. Is it about Rosan's real identity? Pero ang hindi ko sigurado ay kung magkasabwat ba si Rosan at yung head ng orphanage na si Mrs. Gerdie.

"Tori? Spill the beans or else I will call Rosan here." Sabi niya kaya nga napabuntong hininga ako.

"I saw something from Rosan's box that day, I remembered something from the day of my accident. Di ba right after maaksidente ako ay may mga bagay akong hindi naaalala?"

"Yeah, pero hindi ako naniniwala nung una kasi naaalala mo naman kami." Sabi ni Heilee.

"May mga bagay lang na hindi ako naaalala." Sagot ko.

"So, you mean is may kinalaman si Rosan sa accident mo that day? Saka ibig sabihin ba non ay kilala mo na si Rosan bago pa siya pumasok dito sa mansyon niyo?" She asked.

"No, I don't know yet since konti pa lang ang naaalala ko. But I'll discover it sooner. Sana lang may maalala pa ako. But everytime I'm trying to remember something, my head hurts so bad."

"But how about Rosan? Anong gagawin natin? For sure nasesense na non na iniiwasan mo siya, hindi lang iyon nagsasalita." Sabi ni Heilee.

"This is hard for me, Lee. Kaibigan ang tingin ko sa inyong dalawa. At hindi ko matatanggap kung may kinalaman nga siya sa aksidente ko that day. But I need to be careful. Kaya please just help me na gumawa ng excuse to avoid Rosan for a while." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Napabuntong hininga naman siya.

"Okay, fine. But what's your plan? You can't avoid her forever, Tori." Sabi niya, agad naman akong tumayo at kinuha ang baril ko sa drawer.

"We will sneak inside the orphanage and find out the truth. I'm sure there are important things hidden in the office of the head. I have my suspicions on that old woman." Sabi ko. Napangisi naman siya.

"Count me in." Sabi niya. Napangisi na lang din ako at tumango.

-

Nang pumatak ang gabi ay nagdecide kaming tumakas ni Heilee sa mansion at nagtungo sa orphanage kung kailan tulog na ang lahat. Since may security guard sa may gate ng orphanage ay umakyat kami ni Heilee sa bakod kung nasaan ang backyard ng orphanage. Nang makapasok kami sa premises ay agad kaming nagtungo papasok sa building at dahan-dahan na naglakad hawak ang flashlight namin. We went directly to the office.

Nang makapasok kami sa office ay agad kaming nagkalkal ni Heilee sa buong office looking for some clues or evidence na magpapaalala sa akin. Kasalukuyang nagsesearch ngayon si Heilee sa mga drawers kaya nagsearch naman ako sa bookshelves. Habang nagsesearch ako ay bigla kong nakita ang isang libro na hindi angkop ang genre sa mga librong nakalagay sa shelves. Kaya nga agad ko itong kinuha at binuklat. Nang pagkabuklat ko ay may lumitaw na red button kaya napangisi ako.

You Should Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon