44 - The Friend or Foe

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dad, is very worried too. First time namin siya makitang aligaga at hindi mapakali. Siya pa mismo nagbantay sa iyo dito ng buong araw." Sabi ni Vinsky na lubos kong ikinagulat.

"Really? Dad was worried?" I asked. Tumango sila.

"Yeah, actually pinilit lang namin siya na magpahinga na dahil halata namin sa mukha niya na pagod siya." Sabi ni Vigor.

"W-Well, that's new." Him? Taking care of me?

"Your boyfriend is also worried as hell, you know that? He keeps bugging me kung nagising ka na." Sabi ni Vins.

"Boyfriend?" I asked.

"Hindi ba't sinagot mo na si Nixon?" He asked.

"Ahh, y-yes. I guess he is my boyfriend." Sabi ko at napangiti nang maalala ang nangyari sa amin.

"What? You've already decided?" Tanong naman ni Vigor.

"Hahaha! Told yah, she's going to choose Nixon." Sabi naman ni Vins.

"Kaya nga di ba nag-declare ng war against North si Suarez, because he can't accept the fact that our sister chose Gonzalez," dagdag ni Vins.

"Hmm. Well, as long as our Tori is happy with that Gonzalez I have no problem with that." Sabi ni Vigor kaya napangiti ako.

"Thanks, brothers." Nakangiti kong sabi sa kanila. Natahimik naman kami nang biglang dumating si Dad. Agad napaayos ng tayo sila Heilee at nagbow sa jefe.

"How are you? Do you feel fine?" Tanong niya sa akin nang makalapit sa akin.

"Yes, Dad." Sagot ko.

"How about your head? Any headache?" He asked again.

"Wala na, Dad." Sagot ko.

"What happened? Bakit biglang sumakit ulo mo at hinimatay? Did you saw something?" He asked. Bigla naman akong nagtaka sa tanong niya. Paano niya nasabing sumakit ang ulo ko dahil sa may nakita ako? Na para bang alam niya na agad na iyon ang main cause ng headache ko at ng pagkawala ko ng malay.

"Uhm, none." Sagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin muna sa kanila ang letter na nakita ko kay Rosan hangga't hindi pa ako sure kung bakit gusto makipagkita ni Victoria kay Rosan nung time na naaksidente siya. I need to investigate it by myself first.

"Next time, don't force yourself about something you can't recall. Too much digging of the past can harm you, Victoria." Seryoso niyang sabi. Anong ibig niyang sabihin?

"Y-Yes, Dad." Sagot ko na lang.

"Then, have some rest." Sabi niya at umalis na.

"Anong sinasabi ni Dad? I can't understand him." Sabi ni Vinsky.

"I don't know either," sagot ko at nagkibit balikat.

"By the way, where's Rosan?" I asked to Heilee.

"Iyon, kinakamusta ka niya sa akin. Gusto niya sana magstay para alagaan ka kaso pinapauwi na siya ng tatay niya kaya nakikibalita na lang siya sa akin. Wait, I'll tell her that you're already awake para makapunta siya dito." Sabi ni Heilee at aktong kukunin ang phone niya nang pigilan ko.

"Wait, Heilee. No." Sabi ko. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.

"No?"

"Y-Yeah, uhm. Just tell her that I'm already fine at wag siya masyadong mastress kakaisip sa akin. I know she's already busy with their territorial affairs kaya ayoko na dumagdag." Dahilan ko.

"Ahh, sabagay. Sige, I'll just tell her that you're already fine." Sabi niya at nagtipa na ng mensahe na mukhang para kay Rosan.

Napabuntong hininga naman ako. Hangga't hindi pa ako sure, mas mabuting mag-ingat muna ako. Rosan, are you really my friend or a foe?

You Should Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon