Hindi pa tapos si Jericho dahil muli siyang naglabas ng isa pang malaking Ener Bubble at agad niya itong minanipula para sugurin na naman si Josh. Napakagat sa labi si Josh at ikinuyom niya ang kaniyang mga palad at agad na napapalibutan ang mga kamao niya ng mga mapuputing niyebe.

Pagkalapit ng Ener Bubble kay Josh ay agad niyang sinuntok ito ng pagkalakas. Sa subrang lakas ng suntok ni Josh at napalibutan pa ng mga Snowflakes ang kamao niya ay pumutok ang Ener Bubble.

Mabilis naman na gumamit si Josh ng nagyeyelong bilog na panangga o kakayahan na Ice Shield para hindi siya muling makaligo ng mga lasong tubig na galing sa pumutok na Ener Bubble.



Nanatili sa loob ng Ice Shield si Josh at padabog niyang idinapo ang kaniyang kamao sa palad ng kabila niyang kamay "Kailan may hindi ko bibiguin ang aking pamilya!" Pagkatapos niya itong sabihin ay agad niyang inilahad ang kaniyang mga kamay kay Jericho na nanatili pa rin sa kinatatayoan.

Mayamaya'y nanlaki ang mga mata ni Jericho nang bigla nalang nanlamig ang kaniyang mga paa, kaya napayuko siya para matignan at laking gulat niya nang makitang napapalibutan ang mga paa niya ng mga Snowflakes, at ang iba pa sa mga ito ay dumadapo na sa kaniyang paa.

Nag-angat ng tingin si Jericho at muling nanlaki ang mga mata niya nang makitang inilahad ni Josh ang isa nitong kamay sa kaniyang mga kamay at napanganga nalang siya nang makitang napapalibutan na rin ang mga kamay niya ng mga Snowflakes at paakyat na ang mga ito sa braso niya.



Nawala na ang Ice Shield ni Josh at agad na dalawang kamay na niya ang inilahad niya kay Jericho. Ikinagulat nang maraming manunuod nang biglang napapangiwi si Jericho dahil sa nadama niiyang sakit sa katawan, na para bang sinasaksak siya dahil humahapdi ang iba't ibang parti ng kaniyang katawan.

Ito'y dahil nagbibigay ng sakit sa katawan ang mga nakadapong Snowflakes sa katawan ni Jericho. Nababawasan na rin ang mga enerhiya ni Jericho dahil sa malalamig na mga Snowflakes, kaya unti-unti na siyang nanghihina at kahit anong pilit niyang alisin ang mga nakapalibot sa kaniyang Snowflakes ay hindi niya nagagawa lalo pa't nahihirapan na rin siyang kumilos.



Hanggang sa mabilis na hinila ni Josh papalapit sa kaniya si Jericho sa pamamagitan lang pagkilos ng kaniyang mga kamay na nakalahad kay Jericho.

Pagkalapit ni Jericho sa harapan ni Josh ay agad na sinuntok ni Josh ang bandang mukha ni Jericho. Bukod sa subrang lakas ng pagkasuntok ni Josh ay napapalibutan din ng mga niyebe ang kaniyang kamao kaya tumilapon sa malayo si Jericho.

Hindi pa tapos si Josh dahil agad siyang tumakbo para lapitan si Jericho na malapit ng babagsak sa lupa, pagkalapit ni Josh ay agad niyang sinuntok ang bandang tiyan ni Jericho kaya tumilapon na naman ito. Lagi pa ring nilalapitan ni Josh si Jericho at tuloy-tuloy ang pagsusuntok niya gamit ang dalawa niyang kamao.

Walang nagagawa si Jericho dahil parang wala ng balak na tumigil sa kakasuntok sa kaniya si Josh, kaya tuloy-tuloy din siyang tumilapon. Hanggang sa isang mas malakas na suntok ang pinakawalan ni Josh kaya tumama na nga si Jericho sa sumintong dingding ng Battlefield.

Nakangiting nilapitan ni Josh si Jericho na nakasandig sa dingding at agad niyang isinuntok ang isa niyang kamao sa tiyan ni Jericho. "Arrghhh!" Napasigaw si Jericho dahil sa sakit ng pagkasuntok ni Josh.

Mas lalo pang idinidiin ni Josh ang nakadapo niyang kamao sa tiyan ni Jericho na para bang gusto niyang butasin ang tiyan nito. Dahil dito'y nagsusuka na ng mga dugo si Jericho lalo pa't may mga nakapalibot na mga Snowflakes sa kamao ni Josh.



Naaawang nakatingin kay Jericho ang ibang mga batang Warriors sa itaas. "Ang hirap naman...dalawa silang karapatdapat na manalo..." napabuntong hininga nalang si Atlas.

Nanatiling seryoso namang nanunuod si August. 'Pariho kaming Ice Gifted ni Josh. Pero maswerte pa rin siya, dahil kailan ma'y hindi siya nakatanggap ng negatibo mula sa kaniyang pamilya.' Sa isip ni August.

"Pariho silang karapatdapat na manalo. Ngunit para sa akin, mas papanig ako kay Jericho. Dahil nakita ko kung gaano siya kadeterminadong lumakas pa lalo, dahil alam niyang sa kaniya nakaasa ang kaniyang pamilya. Lagi siyang nagsasanay, halos buong oras niya diyan niya lang ibinubuhos. Isa siya sa mga taong kilala ko na subrang masipag at hindi sumusuko. Yan ang gusto ko kay Jericho." Naka ngiti sa labing saad ni Juan at tumatango naman ang ibang mga Warriors.



Nanatiling nakasandig sa dingding si Jericho habang sumusuka siya ng dugo dahil sa madiing nakadapong kamao ni Josh sa kaniyang tiyan. Halos maluha na si Jericho habang napapangiwi.

'Nahihirapan akong ikilos ang buo kong katawan, ramdam ko na ring nababawasan na ako ng mga enerhiya...hindi maaari 'to! Hindi ako pwedeng matalo...marami pa akong mga pangarap sa buhay...ako lang ang inaasahan ng aking pamilya, hindi ko dapat sila bibiguin...' naluluhang laman ng isip ni Jericho habang nakatingala siya sa mga ulap.

Dumaan sa isip ni Jericho ang mga pagsasanay na ginawa niya para mas lalo siyang lumakas. Minsan ay kaagapay niya ang kaniyang pamilya, minsan nama'y siya lang mismo ang nagsasanay sa sarili.







Hapon na at sa loob ng malawak na kagubatan ay makikitang nagsasanay pa rin ang sampung taong gulang na si Jericho dito sa malawak na espasyo ng kagubatan.

Makikitang pagod na ang batang si Jericho dahil alas syete pa lang ng umaga nagsimula na siyang magsanay. Pawis na pawis na siya't hinihingal na habang nakakuyom pa rin ang kaniyang mga kamao.

Dahil walang suot na pang-itaas na damit si Jericho ay tila gumagapang ang mga pawis niya sa kaniyang mapuputing katawan na parang naliligo siya ng pawis. Ilang saglit pa'y ipinahid ni Jericho ang sarili niyang mga kamay sa kaniyang mukha para maalis ang mga pawis.



Dahan-dahan na tinalikuran ni Jericho ang kaharap niyang kahoy na pinagsasanayan niyang suntokin at dahan-dahan siyang humakbang na parang aalis na. Kung nagsasalita lang ang kahoy na ito ay malamang nagdiwang na ito sa tuwa nang sa wakas tapos na siyang pagsusuntokin ni Jericho.

Nagkaroon na rin ng malalim na butas ang puno ng kahoy dahil sa pagsusuntok ni Jericho, lalo pa't pinapalibutan ang mga kamao niya ng mga tubig kaya ganun nalang siya kalakas sumuntok.

Mga dalawang hakbang lang ang nagawa ni Jericho at agad siyang huminto sabay nag angat ng tingin "Kung sa tingin mo sumusuko na ako...nagkakamali ka! Hindi uso sa akin ang sumuko!" Pagkatapos niya itong sabihin ay agad niya muling hinarap ang kahoy sabay malakas itong sinipa.

Dahil napapalibutan ng mga tubig ang paang isinipa ni Jericho ay nagkaroon nga ng pagyanig sa itaas ng kahoy na para bang kunti nalang mababali na ito. Malalim ang titig ni Jericho sa kahoy habang nanatiling nakadapo ang paa niya sa puno ng kahoy at ang mga kamao naman niya'y nakakuyom pa rin.



Hanggang sa napansin si Jericho na parang may kung anong bagay ang nag-iingay sa itaas ng kahoy, kaya dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at halos manlaki ang mga mata niya nang makitang babagsak na sa kaniya ang naputol na mga sanga dahil naapektohan ito sa pagsipa niya.

Hindi nakailag si Jericho kaya nabagsakan nga siya ng mga sanga at may kasama pang maraming bilang ng mga dahon. Kaya si Jericho ngayon ay hindi matukoy kung ano ng kalagayan, dahil siya ay nakahiga sa lupa at natatabunan ng mga dahon at sanga.

"Hahahahaha...ang saya nitooo..." malakas na tawa ni Jericho habang hindi pa rin siya nakikita dahil nasa ilalalim pa rin siya ng mga dahon at sanga na bumagsak sa lupa.

Hanggang sa agad siyang bumangon at sa laki ng kaniyang ngiti ay may dahon pa sa kaniyang baba na halos makain na niya kaya agad niya itong inalis at inangat niya ang kaniyang mga kamay "Wohoohhh...nagawa kooo...napabagsak ko ang mga sangaaa..." sigaw niya habang abot tenga ang kaniyang ngiti at natatawa siya sa subrang tuwa.









Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now