"Sige sa boyfriend ko nalang." Natigilan ako sa paghuhugas at takang lumingon sa kaniya. Nakita ko naman ang gulat sa muka niya at tinakpan ang bibig.

"Hoy Melissa! sinong boyfriend 'yan ha?!" Nagbibiro lang ako sa sinabi ko kanina pero may hindi pala sinasabi sa akin 'tong babaeng 'to.

"H-Hala Yhonna...s-sasabihin ko naman sana sayo e'." Lumapit agad siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Ano k-kasi...si ano ano yung ano kasi yun ano." Pinitik ko ang nuo niya.

"Ano nang ano kapag hindi mo tinuloy yang sasabihin mo ikaw ang tutuluyan ko." Nakita ko naman ang pagbilog ng mata niya.

"S-Sorry na, s-si Christian." Napanganga ako at sinundot ang tagiliran niya.

"H-Hindi ka galit?" Takang tanong niya.

"Nagbibiro kaba? si Christian talaga?" Pagtatanong ko.

"O-Oo tatlong linggo na kami." Nahihiyang sambit niya.

"Wah!! Meli ship ko lang kayo dati, tapos ngayon kayo na." Napatawa naman kami pareho.

Bandang alas dos ng hapon umalis na si Meli at makikipag kita na raw siya sa boyfriend niya. Sana all diba.

"Yhonna may naghahanap sayo sa labas." Kakauwi lang din ni Mama at babalik rin sa palengke may nakalimutan 'ata. Wala rin naman akong pasok ngayon sarado ang kainan sa sabado at linggo.

"Baka si Meli lang Ma, may nakalimutan 'ata." Wala namang pwedeng pumunta dito.

"At kelan pa naging lalaki si Melissa?" Napabalikwas ako ng tayo at lumabas para tignan ang tinutukoy ni Mama.

Pagbukas ko ng gate bumungad sa akin ang naka sumblero na lalaki at naka sandal sa kotse niya.

"Good afternoon Yhonna!" Nag angat ang tingin ko sa buong kabuuan ni Keijo.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nanatali ako sa gate habang siya ay nakangiti.

"Sabi ko susunduin kita at lalabas tayo." Umalon pa ang kilay niya.

"H-Ha pumayag ba ako?" Wala akong matandaan na pumayag ako sa alok niya.

Nakita ko ang pag linya ng labi niya at yumuko.

"Yhonna ayan ang bisita mo." Saktong lumabas si Mama at nakita si Keijo.

"Magandang hapon sayo ijo." Pagbati ni Mama sa kaniya agad namang umangat ang ulo niya at ngumiti ulit.

"Good afternoon po Tita." Masayang bati niya ganun naman ang kinataas ng kilay ko. Maka Tita feeling close.

"Anong pakay mo sa anak ko?" Lumabas nalang din ako.

"Pwede ko po ba ipagpaalam si Yhonna? ilalabas ko po sana siya." Mabagal na tanong niya.

"Oo naman basta wag mo pababayaan ang anak ko." Napakamot naman ako sa nuo ko at napangiti naman si Keijo.

"Hinding hindi ko po pababayaan ang anak niyo. Hindi ko po pwedeng pabayaan si Yhonna." Nagtama ang paningin naming dalawa.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nasa loob na kami ng sasakyan niya simpleng t-shirt at pants lang ang suot ko dahil nagmadali narin ako mag bihis.

"Mamasyal tayo." Simpleng sagot niya at pinaandar na ang sasakyan.

Una kaming pumunta sa mukang mamahaling kainan.

"Saglit Keijo." Hinawakan ko ang braso niya.

"Wag na tayo dito kumain, hindi ko afford mukang mamahalin." Dagdag ko pa.

"Saan mo gusto?" Tanong niya. Tumingin tingin naman ako sa paligid at.

"Duon sa karinderya." Tinuro ko ang kalapit na karinderya.

"Sabagay, mas mabubusog nga tayo d'yan kesa dito." Napangiti naman ako sa pag payag niya.

"Kala ko hindi mo kaya ang mga pagkain sa mga ganto." Kakaupo palang namin sa vacant sit at hinihintay nalang ang order.

"Kala ko kasi gusto mo subukan sa ganung klase ng restaurant, pero sa totoo lang mas gusto ko sa mga karinderya mas masarap ang mga luto at mura pa." Mahabang saad niya kaya napa tango tango naman ako.

"Malapit narin dumilim may pupuntahan tayo." Sambit niya pa.

"Saan naman?" Pagtatanong ko at saktong nilapag na ng tindera ang order namin.

"Basta mamaya." Ayun lamang ang sinagot niya.

Napuno ng kwentuhan ang buong oras na 'yun. Madami rin kaming kinain dahil halos yata lahat ng putahe dito i-order niya para sa amin.

"Ang ganda." Inalalayan niya ako umupo sa isang bench.

Palubog na ang araw bago rin kami pumunta dito may mga pinasyalan pa kami.

"The sunset is beautiful isn't? but it's also significant the end." Pag babasag niya sa katahimikan.

"And there's a sunrise that's significant new life." Naramdaman ko ang palad niya ganun kalapit ang mga kamay namin.

"Ang ganda sobra." Sambit pa niya kaya nilingon ko siya at ganun nalang ang pag kunot ng nuo ko dahil sa akin siya nakatingin agad naman siyang ang iwas ng tingin.

"Ano nga pala yung sasabihin mo? d-diba sabi mo may sasabihin ka kaya inaya mo..kong lumabas." Dahan dahan na sambit ko.

"Yhonna." Nakatingin parin ako sa paglubog ng araw.

"Remember the first day i saw you with my sister? i feel so strange that time that i can't e-explain my feelings." Hindi ko siya nilingon ni halos wala akong naintindihan.

"Then the day in Siargao when I heard that voice from a stranger i feel the feeling that i feel when i first saw you." Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa ibabaw ng kamay ko.

"Yhonna alam kong masyadong mabilis. Alam kong hindi mo pa ako masyadong kilala pero maari bang bigyan mo 'ko na panahong ipakilala ang sarili ko at ang nararamdaman ko sayo." My heart beats do fast when i heard those things.

"Maaari bang hingin ang mga kamay mo? maaari bang ligawan ka?" Para akong nabingi sa mga sinabi niya.

"K-Keijo." Hindi ko alam ang isasagot. Tama siya masyado pang mabilis ang buong pang yayari wala pang isang linggo simula nung mas nakilala ko siya.

"I'm sorry but you can't." Katagang lumabas sa bibig ko at nakita ko ang pagbabago ng istura niya.

"Kaya kitang hintayin." Maamong saad niya. "Hindi ako nagmamadali Yhonna, maghihintay ako kahit gaano katagal para sayo. Gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko kaya kong itaya ang lahat para lang sayo." But i cant.

"Umuwi na tayo." Inayos ko ang gamit ko at tumayo na.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi mo kasi naiintindihan Keijo hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo ayaw ko rin maghintay ka dahil wala akong kasiguraduhan kung kakayanin ko ba.

I'm dying, I'm sorry but I can't love you and I'm not sure if i will survive.




Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora