PANG 24

26 1 0
                                    

"Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, Ako nga."

Napapikit ako... Ako nga... ano ba to? Bakit ganito ang nararamdaman ko... bakit parang... ako nga?

"Mga kapatid, marami tayong mga kakilala, ung iba kapamilya at ung iba kaibigan na nanatiling bulag dahil hindi nila kilala si Hesus. Yung iba hindi sila naniniwala na may Hesus na nagsakripisyo ng buhay upang sa ating kaligtasan dahil kanilang tinitignan ang kasalukuyang sitwasyon nila. Paano nga ba natin masasabing may Diyos kung ganito lang ako? Paano ba natin masasabing may Diyos kung nakatira lang ako sa kalye at namamalimos? Paano ko masasabing may Diyos kung wala akong pamilya? Paano ko masasabing may Diyos kung wala na akong makain?"

Hindi ko alam... napahawak ako sa dibdib ko... parang di ako makahinga.
"Kapatid... nais sabihin sayo ng Diyos ngayon... totoo Siya at hinihintay Kanya na lumapit sa Kanya at katulad ng bulag na ito na lumapit kay Hesus ay bibigyan Kanya ng paningin kung ito ay ihihiling mo sa Kanya."
Bigla akong napayuko at napahagulgol sa iyak. Naramdaman ko ang pagkilos ng kamay ni Ed at Migoy sa aking likuran upang mahimasmasan ako.
"Diyos ko, hindi kita kilala... pero hihiling ako Sayo... Panginoon gusto ko pong makakita." Ang naiiyak kong sinabi.
Niyakap ni Ed ang likuran ko kahit patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Myra, Jesus Christ is telling you. You are already healed. Makakakita ka na."

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now