PANG SIYAM

47 2 0
                                    

"I just found Him recently.."
Ano raw? Anong sinasabi niya? Hindi ko magets english kasi eh.
"Ah talaga." Ang nasabi ko na lang, kunwari na gets ko na lang.
Napansin kong parang naluluha ang kanyang mga mata kaya kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mga namamasa masa niyang mga mata.
"Sorry for that. Nagiging emotional talaga kasi everytime na naalala ko how the Lord saved me."
Napatango na lang ako.. kasi siyempre di ko na naman gets.
"Teka, baka may iba pa kayong gusto kainin ha. Myra ano pa bang gusto mo?"
Napatitig ako sa kapogian ng mala anghel na pagmumukha ng lalaking ito, "Ikaw..."
"Huh?"
"Este ikaw anong gusto mo pang orderin. Hindi naman kasi kami pamilyar sa ibang pagkain dito kaya di ko na rin alam kung ano pang masarap." Ang sabi ko sa kanya.
"Ah ganon ba. Sige I will add some desserts na lang. Am siya nga pala saan kayo nakatira?"
Natigilan ako sa tanong niya. Teka anong isasagot ko rito?
"Wala." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot na iyon ni Migoy kay Eddie.
"Wala?"
"Kapapalayas lang sa amin ng huli naming unapahang bahay sa Antipolo eh. Kaya sa tabi tabi na lang kami natutulog." Dagdag pa niya.
"Hindi nga? Seryoso ba yan?" Tanong uli ni Eddie.
"Oo sir. Nilalamok na nga kami ni Ate sa kakatulog sa bangketa, minsan naman sa ilalim ng puno, basta kung saan kami abutan."
"Oh my gosh, delikado yan, maslalo nat babae si Myra." Sabi ni Eddie.
"Sinabi mo pa Sir. Nag-aalala lang din ako kay Ate Myra. Kahit naman ganyan itsura nyan, pwede pa rin yang mapuruhan ng mga lasing at adik."
Bigla ko tuloy nabatukan si Migoy sa harap ni Eddie.
"Pasensya ka na sa pinagsasabi ng kapatid ko ah."
"Am tama na ung kapatid mo delikado talaga ung kung saan saan lang kayo natutulog, babae ka pa naman." Ang sabi ni Eddie.
"Eh wala kasi akong trabaho pang maayos ngayon dahil kapapatalsik ko lang sa huli kong trabaho. Wala pa kaming panghulog sa uupahan naming bahay." Ang explanation ko sa kanya.
"Am, there is a vacant room in my unit. You can temporarily stay there habang naghahanap pa kayo ng bahay na pwedeng upahan."
Tuwang tuwa si Migoy sa narinig niya mula kay Eddie, "Woah! Talaga sir. Thank you Lord makakatulog na rin kami ng maayos ng ate ko!"
"Naku, Sir, nakakahiya naman un. Wag na po." Ang sabi ko kay Eddie.
"I insist Myra, hindi pwede ung kung saan saan ka lang matutulog, delikado un. Maganda ka pa naman."
Napalunok ako at nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Eddie akin, "Hindi naman masyado." Ang mahina kong nasabi.
"Basta stay in my unit tonight hanggang di pa kayo nakakakita ng bahay na mauupahan niyo."

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now