PANG LABING TATLO

33 3 0
                                    

"ReCruiter? Paano niyo naman naisip na recruiter ako?" Ang tanong ni Eddie sa amin.
"Am Kuya, narinig kasi naming may kausap kagabi. Sabi mo sa kausap mo magpeperform kami. Gagawin mo ba kaming performer sa Japan?" Ang tanong ni Migoy kay Eddie.
Biglang natawa si Eddie sa sinabi ni Migoy, "Ah un ba? Akala nyo ba kaya ko kayo kinupkup dito para irecruit kayo na maging performer sa Japan. Dont worry wala akong kaalam alam sa ganyang mga bagay. Wala rin kaming ganyang negosyo. Pero grabe naisip niyo talaga ung Japan?"
"Eh di ba doon naman madalas ang mga performer?" Ang sabi ko sa kanya.
"Well okey tutal narinig niyo na rin ang sabi ko sa kausap ko is I want to ask you to perform in our charity project sa isang barrio ng mga Aeta sa Zambales."
Ang sabi niya sa amin.
"Ano namang gagawin namin don?" Tanong ko sa kanya.
"Eh di kung anong ginagawa at kinakanta nyo sa kalye. Kantahin niyo ung mga awitin na magpapaalala sa kanila na the Lord loves them."
Napahinga ng maluwag si Migoy, "Hay akala talaga namin ni Ate illegal recruiter ka buti naman hindi. Kailan ba yang charity na yan para makapag ensayo na kami ni Ate."
Teka... at binulungan ko si Migoy, "Teka pumayag na ba ako?"
"Am.. may problema ba Myra?" Tanong ni Eddie.
"Mag uusap lang kaming magkapatid ." Hinila ko si Migoy at saka kami bumalik sa kuwarto upang mag usap.
"Bakit ka umo o?"
"Bakit hindi? Ang bait bait ni Kuya Ed sa atin para naman masuklian natin ung kabaitan niya."
"Sayang ung donasyon na pera nakikitain natin sa kalye." Ang sabi ko sa kanya.
"Ate, aanhin mo pa ba ang malaki pang pera kung nakakain naman tayo ng sagana dito kay Kuya Ed at pinapatulog pa tayo rito sa aircon niyang kuwarto." Ang sagot niya sa akin.
"Hindi tayo forever dito." Ang sabi ko sa kanya.
"Ate please ako na ang nakikiusap sayo, pagbigyan na natin si Kuya Eddie, bilang pagtanaw na lang natin nv napakalaking utang na loob natin sa kabaitan niya. Please ate please."
Napabuntong hininga ako sa pakiusap sa akin ng kapatid ko, "Sige na nga. Pero ito lang ah. Kailangan din nating kumita ng pera."

HINDI NAGKULANGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang