PANG PITO

42 1 0
                                    

"Alam mo Ate di ako makapaniwala sa ginawa mo kanina, akalain mong gusto mong ishare don sa mga lalaki yung kinita natin kanina. Ate bumabait ka na yata." Ang biro sa akin ni Migoy habang  nagriready kami sa susunod naming kakantahin.
"Mabait naman ako, pinasasama lang ako ng sitwasyon." Ang sagot ko sa kanya.
"Naniniwala ka na ba kay Lord, Ate?"
Natigilan ako sa tanong niya at napag isip.
"Hindi uy, hindi ako naniniwala kay Lord. Teka halika na nga ano nga ba title nong prinactice natin na kanta kagabi?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Di Ka Nagkulang." Ang sagot ni Migoy
Hinawakan ko na ang mic at nagsimula na akong kumanta:

Ikaw lang ang pag-asa ko
Tanging Ikaw ang buhay ko Hesus
Kahit ako’y nangangamba
Basta’t Ikaw ang kasama panatag na

Ikaw lang ang sasambahin
Paligid man ay magdilim Hesus
Kahit may suliranin man
Lagi kang aawitan Ikaw lamang
Kahit kailan di Ka nagkulang
Biyaya Mo sa aki’y laging laan
Pag-ibig Mo sa ‘ki’y walang hanggan
Inibig Mo ako noon pa man.

Habang kumakanta ako ay napatingin ako sa isang lalaki na tila nakatitig sa akin at nakangiti.
Napalunok ako habang patuloy ako sa pagkanta. Yung nga ganito ka pogi mahirap talagang makalimutan.
Yung tisoy na mukhang na pogi... ung katait na akong mahuli ng pulis dahil hinila ko siya upang bumili ng kasoy sa Antipolo.

Panginoon dakila Ka tapat sa dalangin ko
Akoy inibig Mo kahit ako ay ganito
Walang katapusan ang pagmamahal Mo
Walang pinipili ang puso Mo.

Parang gusto ko ng malusaw sa mga pagtitig nya sa akin... pero kalma lang girl... lalaki lang yan..  focus ka sa pagkanta mo. Pero grabe napaka pogi niya.

Kahit kailan di Ka nagkulang
Biyaya Mo sa aki’y laging laan
Pag-ibig Mo sa ‘ki’y walang hanggan
Inibig Mo ako noon pa man

Pagkatapos nang kanta ay napangiti siya at sinabi niyang, "Ang ganda..."
"A-ako ba yun?" Ang tanong ko sa kanya.
"Ang ganda ng kanta."
Nayuko ako at medyo nagblush sa hiya. Kung makatitig naman kasi si kuya akala ko naman ako na.
"Anong title ng kanta?" Tanong niya kay Migoy.
"Di ka nagkulang."
Hehehe sa kanta nga siya nagandahan.
"Nakakatuwa naman kayo, kumakanta kayo ng mga papuri song dito sa kalsada. Matagal niyo na bang ginagawa ito rito?"
Nagulat ako sa tanong niya, wait di niya ba ako namumukhaan?
"Hindi mo ba ako namumukhaan?" Ang tanong ko sa kanya.
"Bakit nagmeet na ba tayo before?" Ang tanong niya sa akin, "Saan?"
Napaatras ang dila ko. Di ko alam kung matutuwa ako or malulungkot ako dahil di niya ako mamukhaan. Matutuwa dahil di niya iisiping rumaraket lang kaming magkapatid dito at nalungkot din dahil di niya naalala ang kagandahan ko. Sabagay, mukha naman kasi siyang wala sa sarili niya ng time na yun kaya siguro di niya maalala. Sige na nga iintindihin ko na.
"Alam niyo natouch talaga ako sa kinanta mo... para bang... Im talking to God."
Gusto ko na sanang sabihin na naappreciate ko ang pagkatouch pero sana naman naghuhulog siya sa kahon namin.
"Na bless talaga ako sa performance niyo, im so thankful... teka, kumain na ba kayo?"
Nagkatinginan kaming magkapatid at sakto namang sabay na tumunog ng malakas ang mga tiyan namin sa gutom.
Natawa si Pogi sa pagkalaman ng sikmura namin, "Gutom na nga kayo, kung okey lang sa inyo, i-treat ko kayo."

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now