PANGALAWA

69 5 0
                                    

Psst!!! Psst!!!

Biglang may pulis na lumapit sa amin, "Anong ginagawa mo sa kanya?" Tanong sa akin ng pulis.
"A-ako po, wala po, nag aahente lang ako ng kasoy at suman dito." Ang sabi ko sa pulis.
"Kitang kita ko hinihila mo siya, kayo talagang mga ahente kayo, namimilit kayo ng customer di na kayo mahiya sa mga turista rito."
"Hala hindi ho totoo yan, tanungin niyo pa kay Kuya." Napatingin kami kay Kuya na parang wala pa rin sa ulirat kahit na nagtatalo na kami ni Manong Pulis sa harapan niya.
"Sir, pinipilit po ba kayo ng babaeng ito?"
"Ha? Pinipilit? Ano pong pinipilit?" Ang tanong niya sa pulis.
"Nakita ko po kasing hinihila kayo ng babaeng ito."
"Hinihila? Wala naman akong maalalang hinihila niya ako."
Hay salamat naman at parang wala sa sarili itong si Pogi makakalusot ako kay Manong Pulis.
"Sabi ko naman sa inyo Sir eh, di ko pinipilit yang si Pogi." Ang sabi ko sa kanila.
"Oh sige na, sige na. Kapag ikaw nakita muli kitang nanghihila ng mamimili..."
"Manong Pulis di nga sabi ako nanghihila, ikaw ang mapilit diyan eh, pinagpipilitan mong nanghihila ako."
Ang sabi ko pa sa kanya.
"Sige na. Magtrabaho ka na riyan."
Umalis na si Manong Pulis at saka ako nagpasalamat kay Kuya Pogi
"Boss salamat ah, pero alam mo masarap talaga..."
Nagtuloy tuloy sa paglalakad si Pogi at tuluyan niya na akong di pinansin.
"Hay sayang, pinagpala nga sa mukha, parang kinulang naman sa pag iisip. Wala talagang perfect sa mundo!"

Gabi sa madilim na kalsada

Nagmamaneho ng sarili niyang sasakyan si Eddie at kahit na nagmamaneho ay tila wala ang kanyang pag iisip sa pagmamaneho.
"Eddie..."
Nagulat si Eddie nang marinig niya ang boses na iyon... napuno ng takot sa kanyang damdamin.
"Tapusin mo na ang paghihirap mo..."
Naiiyak na si Eddie sa sobrang takot at pagkabalisa.
"Ibangga mo na yan."
Takot na takot si Eddie sa paulit ulit at palakas na palakas na tinig na un.
"Ibangga mo na yan!"
Naging napakalakas ng tinig na iyon hanggang sa nakakita siya na may dumaadaang truck sa harapan niya, inapakan ang accelator ng kanyang sasakyan hanggang sa bumangga ito sa truck na iyon at kasabay ng malakas na tunog galing pagkakabangga ni Eddie sa truck ay nasilaw siya sa napakalaking liwanag na tila sumasalubong sa kanya.

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now