PANG LABING APAT

33 3 0
                                    

Pinauna na kami ni Tisoy na bumaba ng condo building niya dahil naghihintay na rin don ang mga staff ng foundation nila. Nakasuot kaming lahat ng puting Tshirt na may na kaprinta ng "Mahal ka ng Diyos" ay sa likod naman ay ang logo ng PDG.
Nakatayo kaming magkapatid sa van na sasakyan namin nang magbukas na rin ang pintuan ng building na iyon si Tisoy, suot ang puti ring Tshirt na suot namin, naka blue na medyo sirang pantalon at nakasuot ng shades.
Di ko alam kung bakit parang bumabagal siya habang papalapit sa amin. Mukha pa rin siyang anghel pero ang lakas pala ng dating niya kapag nakasuot na siya ng shades... mukha siyang anghel na masarap jowain.
"Ready na ba ang lahat?" Ang tanong niya at may isang babae na lumapit sa kanya.
"Yes po ready to go na. Na checked ko na po lahat at everything is perfect." Ang sagot ng babae sa kanya.
Lumapit sa aming magkapatid si Eddie. Hala bakit ganon bakit kumabog ang dibdib ko nang lumapit na siya... dahil ba sa hindi ako sanay na makakita ng pogi sa malapitan?
"Kayo ready na ba kayong magkapatid? Super excited na ako sa magiging performance niyo mamaya."
"Opo Kuya, sobrang praktisado na kami ni Ate." Ang sabi ni Migoy.
"O-oo. Ready na." Ang nasagot ko na lang sa kanya. Handa na ako sa pagkanta ko pero hindi ko ata na paghandaan ang pashades ni Tisoy.
Pumasok na kaming lahat sa van.
Sa likod kaming magkapatid katabi ni Migoy ang gitara niya habang si Eddie naman ay nasa likuran ng driver at katabi ang babaeng kausap niya kanina. Sa harapan namin ay ang iba pang kasamahan nila sa foundation.
Habang nagbabyahe kami ay napansin kong panay ang daldal nitong babaeng ito kay Eddie. Hindi ko naman maintindihan ang pinag uusapan nila English naman kasi.
Sa harapan naman namin ay nakatulog na sa byahe ang ibang kasamahan namin. Si Migoy nga akap akap pa ang gitara niya habang natutulog sa byahe. Ako? Di ko alam kung bakit di ako makatulog. Inoobserbahan ko lang itong si Tisoy.
"I think Boss it will be better kung we will serve them the foods first noh bago ang program."
"I do think so. Usually kasi naman people are waiting for the foods. Then..." nagulat ako ng lumingon sa akin si Eddie, "Myra, okey lang ba sa inyo na kumanta kayo habang kumakain ung mga tao?"
"Ha? Am.. oo... oo naman. Kahit ano naman okey lang sa amin ni Migoy." Ang sagot sa kanya.
"Sige, am, kapag nagpa-games kami you can eat your lunch na rin. Salamat." Ang sabi niya sabay labas ng napaganda niyang dimple.
Di ko na rin mapigilan ang mapangiti sa ganda ng kanyang ngiti.
"Clara see them perform later. I believe the people will enjoy." Ang sabi niya sa kasama nyang babae.
"Really?"
"The way their perform is so anointing. Alam niyo you will feel the presence of the Lord. Para bang He is talking to You through their talents." Ang dagdag pa ni Eddie.
"Actually Boss, their faces seems familiar... di ko nga lang ma remember kung saan ko na sila na seen before."

HINDI NAGKULANGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant