POML /02/: BEGINNING

248 94 5
                                    

SAND'S  POV 

2 months after...

“Bilisan mo, kuya!” Nagmamadaling lumakad ang nakababata kong kapatid na si Lorice habang nakasuot pa siya ng toga kaya halos pinagtitinginan siya ng mga tao rito sa airport. “Bilisan mo na at baka maiwanan pa tayo ng eroplano!” dagdag niya pa.

Ako naman ito, nagtatakbo rin habang bitbit-bitbit ang tatlong handbag at pasan-pasan ang isang napakabigat ng backpack. Tamang disiyon bang samahan siya?

’Di man lang ako tulungan dito!

Malapit na kami sa boarding area nang...bigla na lang akong mabunggong babaeng naka sunglasses! Jusmeyo naman, ngayon pa!

“Sorry, miss! ’Di sadya, nagmamadali lang,” sambit ko habang pinupulot ang mga gamit sa loob ng bag niyang nahulog.“Sorry talaga, miss,” muli kong pagwika at saka hinabol si Lorice na nakasakay na ata ng eroplano.

Akala ko talaga maiiwanan na ako ng eroplano, bigla tuloy akong sinapia ni The Flash sa pagtakbo. Hingal na hingal akong nakarating sa bukana ng eroplano, nakangiti pa sa akin ’yung flight attendant na naroon para sumalubong sa mga pasahero. “Welcome aboard, sir,” bati niya pa. May sumalubong din sa akin na isa pang crew na tulungan ako sa mga handbag na nadala ko. Ay salamat naman, sa wakas may mga mabubuting tao pa sa mundo.

3 seats—magkabilaan itong eroplano. Si Lorice ang nasa may bandang bintana at damang-dama niya ang pagtingin doon sa mga oras na ’to kahit ’di pa kami nagti-take off. Ako naman ang nasa gitna. Buong akala ko e walang uupo sa natirang upuan banda sa amin pero mayamaya lang ay may babaeng middle age na umupo roon. Sa tingin ko ay kasama niya ’yung babaeng nasa kabilang row dahil na rin sa may iniabot siyang earphone rito. Bakit ba ako nakikisawsaw sa buhay ng iba?!

“Mabuhay, Welcome to Grand Airlines flight CB1524 bound to Cebu City. This flight will take 1 hour and 36 minutes so feel your self comfortable during this flight.”

Pagkatapos nang anunsyong iyon ay may tumayong dalawang flight attendant sa aisle, ’yung isa ay nasa bandang harapan at ’yung isa naman ay nandirito banda sa amin, sa gitna.

“Ladies and gentlemen, please direct your attention to your cabin crew who will demonstrate you the safety features of this aircraft. Each seat is provided with the seatbelt. To fasten push end together and tighten seatbelt by pulling those end. To unfasten, lift off the buckle and pull each ends to release...”

Halos hindi ko na pinakinggan at pinanood ang demonstration nila, ilang beses ko na kasing narinig at napanood ’yun online para sa ginagawa kong istorya kaya medyo naisa-ulo ko na. Hindi lumipas ang oras ay unti-unti nang umangat ang eroplano patungo sa himpapawid matapos magpaikot-ikot nito sa runway.

Sa mga oras na ito ay naantok na ako kahit hindi pa kami nakakalayo sa airport. Wala pang sumisikat na araw nang gumising kami ni Lorice kanina dahil maaga rin ang graduation ceremony nila. Hindi ko na nga mapigilan itong paghikab-hikab ko kaya isinuot ko muna ang headphones ko, sumandal ng komportable at ginamit ko na rin ang libreng kumot nila rito. Kasabay ng music na nagpiplay sa headphones ko ang siya ring unti-unting pagpikit ng mata ko.

*****

May naramdaman akong kung anong mabigat sa balikat ko’t iminulat ko ang mga mata ko para tignan kung ano ’yun.

Arrow's Vision:Hiraya Manawari Duology #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon