Chapter 19: First Problem

3.3K 83 2
                                    

Happy 7k!!! Grabe. Di ko expect na aabot sa thousands yung reads nitong story ko. And this wouldn't be possible without you. So much love!

**

[Kurt's POV]

My morning is always good, it feels like everyday is a big day. But the best feeling I've ever experienced is woking up in the morning while hugging the girl of your life. Hindi pa ako naging satisfying sa buong buhay ko. Ngayon palang, ngayong kasal na kami ni Isabelle. At ramdam ko na mahal nya ko. Kahit na hindi nya sabihin ang mga salitang "I love you", sapat na yung nakikita ko yung mga actions nya. How she do some efforts to make me happy, how she cares for me. I really thought, magsisisi ako sa desisyon kong pumayag sa kasalan na 'to. Pero mali pala ako, dito nag umpisa yung tunay kong kaligayahan. I'm happy that she is my wife.

"Hey. Love? You have problem?" Tinapik nya yung braso ko. Medyo napaisip ako dun ha. Nagiging corny na yata ako.

"Huh? Why?"

"Anong why, eh kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig."

"Oh misis, sorry na." I kissed her lips. Syempre, dating gawi. Nakaw halik nanaman. Nakakayamot na yung ganitong sitwasyon. Pavirgin pa kasi 'tong Isabelle na 'to eh.

"Alam mo, kung hindi lang talaga kita asawa, pinakulong na kita."

"Bakit naman?"

"Lagi ka nalang nagnanakaw ng halik. Psh." Hala. Banat ba yun?

"Pag naman dadahan-dahanin ko, ilalayo mo yung mukha mo sakin." Naalala ko tuloy nung isang araw na bibigyan ko sana sya ng romantic kiss, bigla syang binahing. Kainis diba?

"Hindi naman kasi kailangan puro kiss. Tch. Manyakis nito."

O_________o

Naturingan akong asawa, tapos tatawagin lang akong manyakis ng misis ko? Aba, matinde!

"Oh talaga, manyakis ako?" Pambubwisit ko sakanya.

"Oo, manyakis ka. Feeling sweet, manyakis naman."

"Oh talaga? Edi wow."

"Pusa edi meow."

"Aso edi aw."

Para talaga kaming bata. Para kaming mga batang nagsasagutan. Though bata pa talaga 'tong asawa ko. Immature pa. Naku. Pero hindi na tulad ng dati na hindi ako sanay sa kakulitan nya. I'm now getting used to her attitude.

"Wag kang gaganyan ganyan, baka buntisin kita dyan." Pambibiro ko na kinagulat naman nya.

"As if kaya mo. Diba baog ka? Hahahaha." Aba, sinusubukan ata ako nitong babaeng 'to ha.

"Ah ganon? Oh tara, subukan natin without condoms nor withdrawal. Tignan natin kung baog ba talaga ako." Kala nya uurungan ko sya ha? No, no. Hindi sumusuko ang isang Alcantara.

"No, thanks."

"Sus. Duwag naman pala eh."

"I'm not afraid. It's just that I'm not yet ready." Always the answer. Kesyo hindi ready, kesyo ganun, kesyo ganito.

I stayed quiet hanggang sa nagpaalam sya para maligo. Awkward moments and situations are my ruiner of the day.

**

[Janine's POV]

I know that he is upset. Gusto na ba talaga nyang magkaanak kami? Oo, alam kong kailangan namin yun. But not now, masyado pa akong bata para doon.

Bumaba ako ng kitchen para maghanap ng makakain. I'm starving! Hindi ako kumain ng breakfast.

"Manang, nakita nyo po ba si Wayne?" Pagkalabas ko kasi ng kwarto, wala na sya. And nadaanan ko na lahat ng corners ng bahay, wala ni anino nya.

"Ay naku, ma'am kakaalis lang po. Nagbrunch na nga lang po sya eh." At saan naman kaya sya pupunta, aber? Ni hindi man nagpapaalam sa akin.

"Sige po, manang. Thank you."

"Kain na po kayo, ma'am Janine."

While I am in the middle of eating hours, biglang may nag ring na phone. Sa tagal ng pagriring, napagtanto kong sa asawa ko pala yun. Hindi ko na sana hahanapin kaya lang tumunog ulit.

I found it inside of the bathroom, I picked up the phone and the caller's name is ".A"
Dahil sa kuryosidad kung sino ba 'tong A na 'to, sinagot ko without talking. Boses babae! Shit. Who's this.

[Hey, Kurt? Let's meet at Chillers Place, okay? I missed you so much. See you!]

Lahat na ata ng dugo ko sa talampakan napunta sa ulo ko. Who is she? Bakit sya nakikipagkita sa asawa ko? Bakit may "I miss you" pa?! Hindi ako matatahimik kung di ako gagawa ng paraan.

"Manang! Pakitawag si manong. Kailangan ko ng kotse!"

Agad agad namang dumating yung service ko. Habang nasa biyahe, hindi ki maiwasang mapaisip kung nagtataksil ba yong ulol na yun sakin. Tch.

"Nandito na po tayo sa Chillers Place, ma'am."

"Osige, kuya. Paki hintay nalang dito, okay?"

Sinara ko agad yung pinto ng kotse at dali daling pumunta sa loob. My eyes are searching for them, siguradong nag hahappy happy na yung asawa ko at yung kinginang A na yun. At walang kahirap-hirap, nakita ko sila sa isang tabi. Hindi muna ako lumapit at minanmanan ang bawat kilos nila.

Tinitignan ko lang sila ng may kumalbit sakin,

"Hey, miss. Mukha kang inspector dyan ha." Pakialam ba nitong gagung 'to?

"Wala kang pakialam. Mind your own business naman ho, ano?"

"Wow ha. Taray mo naman, mi--" Hindi na nya natuloy yung sasabihin nya.

"Isabelle?" Humarap ako sa tumawag sa pangalan ko.

ASDFGHJKL?! What the!

Nahuli ako. Patay. Paano na ba 'to?!

"Hey. What's the--" Hindi ko na pinatapos 'tong gagung 'to at dali dali na akong tumakbo palabas ng restaurant.

Pagkauwi ko sa bahay, nagkulong na ako sa kwarto namin. At wala pang 30 minutes, narinig ko ng parating yung kotse nya.

Maya maya pa, kumakatok na sya.

*knock* *knock*

"Isabelle, let's talk." Wow. He's calling me by my name. Oh edi galit sya? Edi wow. Sya nga ngang lumalandi, sya pang galit?!

Pagkatapos ng ilang tawag na walang sumasagot, nagsawa na siguro at umalis na. Pero teka, bakit nakabukas yung pinto ng kwarto?

"Let's talk."

O__________^

Hala? Paano sya nakapasok? WHY? BAKIT? HOW? PAANO?

"Wag mo akong kausapin!!!"

"Sino yung kasama mong lalaki kanina?" I stayed silent. Di ko naman kilala, anong sasabihin ko?

"Who's that son of a bitch?!" Son of a... What? Bitch? Makapagsalita naman parang kilala na nya.

"I don't know his name! Can you please lower your voice?!"

"Wala pa man, naghahanap ka na ng iba?!"

Shit! I hate problems! Nakakastress. Bahala na sya sa buhay nya! Leche.

**

[A/N]: late update

#Ch19FirstProblem

Cheer me up by:
VOTE
COMMENT
SHARE

My Sixteen Years Old BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon