CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?

Comenzar desde el principio
                                    

Luh. Kaya ko nga tinatanong kasi di ko alam. Common sense naman hays.

"Tatanungin ko ba kung alam ko?" sabi ko sa kanya.

"Sabi ko nga. Pero teka, kailangan ko pa bang i-explain sa'yo eh wala ka namang interes sa mga ganyan?" sabi niya. 

Tama naman siya pero di kasi maalis sa utak ko eh. Parang kasing tuwang-tuwa sila habang pinag-uusapan 'yun.

"Sige na, makikinig ako kahit ngayon lang. Ngayon lang talaga." sabi ko sa kanya.

"Grabe Ak, ikaw ba 'yan?" tanong niya. 

Peste wag mo akong tawaging Ak! Ang panget!

"Ano ba? Bakit mo ba ako tinatawag na Ak? Pwede namang Ashe nalang diba? Panlalaki na nga yung pangalan ko mas pinalala mo pa." inis na sabi ko.

"Eh ang cute kaya." sabi niya. Hanudaw? Cute 'yun? Hibang na talaga siya. "Oh siya ikukwento ko na sa'yo." sabi niya tapos nanahimik na ako.

"Ang Fantasy World Online ay... Ay! Good news sayo 'to tutal adik ka sa paglalaro!" bigla niyang sabi at sinamaan ko siya ng tingin.

Maka-adik naman 'to! Matino pa naman akong estudyante at mas priority ko naman pag-aaral. Isisigaw pa eh! Pinagtinginan tuloy kami.

"I mean mahilig ka maglaro hehe. Di pa kasi ako tapos atat ka naman." sabi niya. Masama parin ang tingin ko sa kanya pero this time, pinanliitan ko na siya ng mata. Mukha siyang natakot haha.

"Sabi ko nga, itutuloy ko na. Ehem. Ang Fantasy World Online ay isang laro. Isang online game pero hindi siya pangkaraniwang laro na nilalaro natin at makikita mo sa computer. Kakaiba ito dahil isa itong first ever VRMMORPG na nilikha dito sa mundo. Naalala mo 'yung anime na SAO?" tanong niya.

"Oo naman! Pa'no ko naman makakalimutan 'yun eh pinakapaborito ko 'yun." sagot ko sa kanya.

"Oo nga naman. Sige, balik tayo sa sinasabi ko." sabi niya at pinagpatuloy na niya ang pagsasalita. "Kung napapansin mo na 'yun ang parating pinag-uusapan ng mga tao sa paligid mo ay kasi sobrang ganda at astig talaga nun tapos mararamdaman mo na parang nasa loob ka talaga ng game." sabi niya.

Ano? At paano naman nangyari 'yun? Maniwala ako sa sinasabi niya. Mukha namang di kapani-paniwala eh. Tsaka wala pang nakakagawa ng ganun no. Baka katulad lang 'yan ng mga ibang MMORPG diyan tapos fini-feel lang nila masyado kaya kung anu-ano na ang mga na-imagine nila.

"Eh saan naman daw galing 'yun? I mean sinong nag-imbento nun? Legit ba 'yan? Baka naman jino-joke time mo lang ako ah." sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba Ak? Anong joke time eh pinag-uusapan din ng lahat. Pero in fairness curious ka talaga ah, sige. Ang sabi nila, patay na raw ang gumawa nung game but still, nag-eexist pa rin 'yung larong 'yun ngayon. Actually matagal na 'yun eh. Parang, alam mo 'yun? 'Yung naging uso lang siya ngayon. Ngayon lang kasi siya nadiscover mga tao. Mare-research mo 'yung taong nagdevelop nun kaya lang wala ng picture at kaunting info lang ang makukuha mo dahil sobrang tagal na talaga niya." paliwanag niya. 

Hmm, nagsasabi kaya ng totoo 'to o pinagloloko nanaman niya ako? Base sa mga narinig ko sa kanya, jino-joke time lang talaga ako eh. Walang masyadong maresearch sa internet? Ang tanong, 'yung info ba na 'yun na nare-research ay concrete? Baka naman delikado pa 'yan nako, nagpapaniwala naman ang madla. Kung sino man gumawa nun, I'm sure gusto lang nun kumita. Nanloloko pa ng ibang tao, tsk.

Ako kasi yung tipo ng taong oo, mahilig sa online games lalo na sa MMORPG. Pero para sa akin, isa lang 'yung laro at wala nang iba pang kahulugan. Tsaka 'yung sinasabi niya? Kung totoo man 'yun baka isa lang ding MMORPG 'yun. Pero bakit merong part sa'kin na nacu-curious ako? Na parang gusto ko pa siyang malaman at alamin? Gusto kong mapatunayan mismo sa sarili ko ganun.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora