"Oh heto lunch muna kayo." May inabot na tupperware si Jacob sa aming tatlo tinignan ko ang watch ko at halos tanghalian na pala.

"Maya maya tayo practice pagdating ni Zaiker." Pahayag pa niya sa aming lahat.

Sama sama kaming kumain kahit papaano naging magaan ang loob ko at nabawasan ang iniisip ko puno rin ng tawanan at kwentuhan ang buong tanghalian namin.

"Wag nyo masyadong galingan baka sa mismong laban wala na kayong maipakita." Nakaayos na lahat sa mini stage namin at tumutugtog na ang dalawang grupo hindi na muna ako pinakanta nila Jacob para handa raw ang boses ko mamaya.

"Bakit wala pa si Leader?" Pagtatanong nung isang member.

"Hindi ko rin alam pero nakausap ko na papunta na siya at nag text narin ako malapit narin mag dilim at magsisimula na ang battle hintayin nalang natin." Mahabang turan ni James.

Hihinto, tutugtog, magpapahinga, at tutugtog ulit ganyan ang naging cycle namin ngayon para sa paghahanda hanggang sa tuluyan ng dumilim pero wala paring nagpapakitang Zaiker.

"Tinatawag na tayo sa labas, nasaan na ba kasi si Zaiker." Kanina pa tinatawagan nila Jacob si Zaiker pero wala talagang sagot mula sa kaniya huli nilang nakausap kanina pang umaga.

"Labas na kayo, papunta na 'yun." Pinag tulungan ng lahat dalin sa labas ang mga instruments para narin mailagay sa stage.

Pagdating namin bumungad ang sigawan ng mga tao mga students at outsiders may mga nag perform na pala pero dancers sila may mga tiga University at ang iba pang univ.

Ang mga lalaki ang nagbuhat ng mabibigat at inayos sa stage. Hinila muna ako nila Ryona papunta raw kila Chescka.

"Kayo naba sunod?" Tanong agad ni Ellie mukang nag sasaya naman silang tatlo habang may mga bitbit pang snacks bukas parin ang mga food stall ang sobrang mailaw ang buong paligid may mga nagpapasukan pa.

"Mamaya kami ang mauuna at huli sila Yhonna." Sagot sa kaniya ni Veron.

"Wait punta lang ako sa mga kaibigan ko." Paalam niya at tumango naman kami.

Ilan ba ang nag perform bago tinawag ang grupo nila Ryona, inihanda ang mas malalaking speakers at mga instruments.

Sila ang pangalawang nag perform pagtapos ng pangatlo sa duets na ang sunod pero ni anino ni Zaiker hindi namin makita.

"Wala na atang darating na Zaiker, Yhonna dito ka muna medyo matagal pa naman hahanap ako ng kapalit niya." Tinapik ni Jacob ang balikat ko tango na lamang ang nasagot ko.

Napapa jamming nalang kami sa tugtugan ngayon parang nakaka relax sumasabay ang mga ilaw sa kantahan ng bawat tao sa paligid. Sana laging ganito.

"Yhonna punta ka ng back stage." Nagulat ako kay James.

"Tayo naba sunod?" Parang kakaumpisa lang bakit ang bilis.

"Oo duet na ang sunod, hintayin natin si Jacob baka nakakuha ng papalit." Inalalayan niya ako para makadaan sa tumpukan ng mga tao at makapunta sa back stage.

Magaling ang ibang univ mas kinakabahan ako.

"Kaya mo 'yan, nakita kita mag perform simula umpisa ang galing mo." Tinapik ni Veron ang braso ko.

"Susubukan." Tipid kong sagot.

"Wag mong subukan, gawin mo." Iniwan na nila ako sa backstage habang ang mga kasama ko ay naghahanda na sa stage.

Sana wala akong mamaling lyrics, kaya mo 'to Yhonna. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago hinawakan ang mic.

Rewrite the Stars
Song by Zac Efron and Zendaya.

Ayan ang napili nilang kanta. Tuluyan na akong nakaapak sa stage at bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga taong nakatingin sa akin ngayon. Unti unting nanginig ang mga tuhod ko ang daming tao kaya ko ba 'to. Maingay ang buong paligid dahil sa sigawan nila.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"You know I want you, It's not a secret I try to hide, I know you want me." Panimula ko sa kanta. Parang kahit anong oras mabubulol ang boses ko.

Umihip ang hangin.

"So don't keep sayin' our hands are tied
You claim it's not in the cards
And fate is pullin' you miles away."🎶

Nawala ang kaba sa puso ko habang dinadama ang kanta.

"And out of reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That you're my destiny?" 🎶

Sa susunod na parte ng kanta dapat lalabas si Zaiker pero paano wala nga siya dito ngayon. Huminga ulit ako ng malalim at..

"What if we rewrite the stars?, Say you were made to be mine, Nothing could keep us apart." Ganun nalang ang pag kagulat ko sa boses na sumabay sa pagkanta ko. Ang boses na narinig ko na kung saan.

"You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight." Hindi ko nasabayan ang pagkanta niya at unti unting humarap tumama ang ilaw sa muka ng taong nasa harapan ko ngayon ang may ari ng mga boses na 'yun.

Keijo..

Sa hindi ko malamang dahilan kagaya ng unang pagkikita ng boses naming dalawa sinabayan ko ang daloy ng kanta sa komportableng paraan.

The voice from that stranger.







Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now