"Totoo nga! Wala ka bang tiwala sa'kin?!" iritang tanong nito sa'kin nang makita na kinuha ko ang cellphone ko.




"Wala!" totoo nga! Doon na nga kami pinadidiretso.





"Sabay na tayo." sabi pa nito na ikinagulat ko.




"Sabay mo muka mo." sagot ko rito bago nagtatakbo papunta sa building kung nasaan ang room namin para ibaba muna ang bag ko.





"Naks!May pakape sa umaga!" bungad sa'kin ni Mavs na palabas na sana ng room. Nakasuot siya ng grey na shirt. Isa siya sa vice president siya ng student council kaya busy rin ang isang 'to wala namang ganap sa buhay ang sports club kaya okay lang sa kanya.



"Officer ka na niyan?" sabi ko rito nang maibaba ko ang bag ko.




"Oo! Gwapong student council! Mauna na 'ko ha! May aasikasuhin pa kami sa gymnasium." pagpapaalam nito na tinanguan ko na lang.



"Nangangamoy isda!" bungad ni Kiro nang makapasok kami ni Dragan sa loob ng music room. Akala ko ay nagbibiro lang ito kanina tungkol sa 'sabay' keme pero hindi pala. Nag-intay ang loko sa baba ng building namin kaya sabay kami papunta rito.



"Parang last week lang nagtatalo kayo sa pagiging responsableng officer." gatong ni AJ na nakangisi na ngayon sa'min.





"Responsibilidad ba 'yan ng Vice President?" sabi pang muli ni Kiro na halos pinipigilan na ang tawa.




"Gago!" singhal dito ni Dragan. Hindi ko naman na pinansin pa ang mga ito at dumiretso kila Khaycee at Jaedah na nakikinig din sa kantsawan.




"Hindi na 'ko magugulat kung malalaman ko na kayo na." sabi ni Jaedah na abala sa pagstrum sa gitara.




"Pinagsasasabi mo? Gaga! Walang gano'n!" sabi ko bago inilabas ang cellphone ko at nag scroll na lang sa IG ko. Wala naman na gasinong gagawin dahil nakaayos na ang lahat. Pinapunta lang siguro kami rito lahat para madaling hanapin.



"Meron! Don't be such a nega! You and Dragan are bagay kaya." sabi pa ni Khaycee with her conyo words again. Ewan ko ba rito. Natural na ata sa kanya ang pagiging gano'n pero ang cute pa rin tingnan.



"Dragan! Ipamigay mo 'tong name tag oh! Nang may magawa ka naman." sabi ni AJ sabay abot kay Dragan ng dalawang name tag. Ngayon ko lang nalaman na halos lahat sila ay may name tag na. Nakasuot na rin iyon sa kanila at kami na lang ni Dragan ang wala.



"Kala mo naman napakarami." angal pa nito habang isinusuot ang lace nito sa kanya. Tumayo naman ako para kuhanin ang sa'kin ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko ng bigla nitong isuot sa'kin ang name tag ko.



"Oh. Baka mawala ka raw,liit mo pa naman." pang-aasar pa nito sa'kin habang isinusuot ang lace.



"Tumingin...Sa'king mata...Magtapat...Ng nadarama..." kanta ni Kiro dahilan para mag si 'ayieeh' ang members at ibang officers malibsn kila AJ na tumatawa na ngayon.


Nang matapos ang opening program ay saktong lunch break na kaya bumalik na muna ko sa room para kuhanin ang bag ko. Naabutan ko naman duon si Yam na nagpapatuyo ng pawis gamit ang panyo niya habang nakatapat sa aircon. Mainit kasi sa labas kaya hinubad ko na rin ang denim jacket ko at inilagay sa likod ng bag ko.


"Papunta ka na rin sa canteen?" tanong sa'kin ni Yam habang nag-aayos ng sarili.


"Oo. Magpo-pony lang ako ang init." sagot ko rito. Maya- maya pa ay pumasok na si Mavs at nagdi-dribble pa kahit wala namang bola bago hinampas ang muka ni Yam.




Our Brightest TomorrowWhere stories live. Discover now