CHPTR 06

18 2 0
                                    


"Good morning!" masiglang bati ko kay Marco na abala sa pag-aayos ng mga tables at chairs ng coffee shop. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao sa loob. Mukhang kabubukas lang din nila.

"Lars!" bati nito sa'kin pabalik mukhang gulat pa at nandito ako ng ganito kaaga. " Bakit ka nandito?" tanong nito bago pinagmasdan ang suot ko.

I'm just wearing our club's shirt na kulay maroon.May nakatatak sa unahan na logo ng music club then our position and name sa lower part ng shirt sa likod pero hindi 'yon kita dahil naka high waisted jeans ako and I partnered it a white sneakers. Backpack purse lang ang dala ko dahil wala namang klase dahil foundation day. Extra shirt lang ang dala ko and my other stuffs.

"May...kikitain lang." sagot ko rito at inilingap ang paningin sa paligid para hanapin si Dragan.


"Akala ko naman magbubulakbol ka." pagbibiro pa nito ngunit hindi ako makasabay sa kanya dahil nakita ko na sa may dulo si Dragan.


"Sira ka! Sige na dun na 'ko." sabi ko Sabah turo sa gawi ni Dragan magsasalita pa sana ito pero hindi ko na ito hinintay pa at pumunta na lang sa kinauupuan ni Dragan.

"Staffs romance?" sabi nito pagkaupo ko dahilan para mag-init na naman ang ulo ko. Ang aga-aga gan'to ang bubungad sa'kin?!

"Bakit? Inggit ka?" he just shook his head while looking on the other side. Akala mo naman ay hindi ko siya paparulan. Hmp!


"Let's be quick. We have to help them." seryosong sabi nito. Akala mo naman ay napakalayo ng coffee shop sa Matthews eh hindi naman. Walking distance nga lang eh.

"Napaka dami mo pa kasing arte eh pwe-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nitong hablutin ang kaliwang braso at hatakin palabas sa coffee shop.

"Una na 'ko,Marco!" pagpapaalam ko pa kay Marco habang ikinakaway ang isa kong kamay. Halata naman sa kanya ang pagtataka dahil sa nakikita.Paniguradong hot seat ako nito mamaya!

"Aray ko! Teka nga! Bitawan mo 'ko!" iritang sabi ko rito dahil nasasaktan na 'ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Oh." sabi nito habang iniaabot sa'kin ang isang kape. Tinanggap ko naman iyon dahil sayang. Grasya 'yon! Bawal tanggihan kahit galing pa sa kanya!


"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko rito habang nakasunod sa kanya. Pinagmamasdan ang binigay niya saking kape. Pinag-iisipan kung iinumin ko ba o hindi.



"About you being my slave." sagot nito. Sabi na nga ba at tungkol doon ang pag-uusapan.



"Tapos?" hindi interisado kong tanong dahil nakatuon parin ang atensyon ko sa kape na hawak hawak ko ngayon.



"You will work for me every Tuesday, Thursday and weekends. Besides M,W,F naman ang pasok mo sa coffee shop ko." sabi pa nito. Naramdaman ko naman na tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.



"Hindi mauubos 'yan kung tititigan mo lang." sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.



"Aba! Mamaya kung ano ng inihalo mo rito 'no!" sagot ko rito bago tinanggal ang taklob no'n at inamoy ang kape. Wala namang kakaibang amoy. Bahala na!




"Oh ba't mo ininom?!" nakataas ang kilay na tanong nito sa'kin nang uminom ako sa kape. Sayang! Lumalamig na.




"Pake mo?!" iritableng sagot ko rito bago nagmamadaling pumasok sa loob ng school.





"AJ just chatted at our group chat. Sa music room na raw dumiretso lahat ng officer's and members." paghabol nito sa'kin kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para tingnan kung totoo nga. Baka mamaya ay ginu-good time lang ako nito.





Our Brightest TomorrowWhere stories live. Discover now