CHPTR 03

11 1 0
                                    

"Masama ba tumulong?"halos naiiyak kong tanong kila kuya. Nasa daan kami ngayon patuloy na naglalakad at mga 'di alam kung saan pupunta. Hindi naman kami pwedeng isama ni kuya Larry sa Cavite dahil masyadong malayo. Kaya hanggat wala kaming nakikitang pwedeng upahan ay hindi niya kami iniiwan ni kuya Enzo.



"Hindi masamang tumulong,Lala. Sumobra lang tayo sa pagtulong kaya natapakan na natin ang moralidad ni papa. 'Di ba siya ang dapat na nagtataguyod sa'tin? Pero imbes na gano'n ang mangyari ay tayo ang nagtataguyod sa sarili na'tin. Tumutulong tayo para matugunan ang mga pangangailangan natin." paliwanag ni kuya Larry. Hindi ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko. Kung ang pagtulong ay nakabubuti o hindi. Dahil iba naman ang ipinakita sa amin ni papa. Malayong malayo sa inaasahan ko.



"Kasalanan din naman natin eh. 'Wag ka mag-alala,lilipas din ang galit sa'tin ni papa." sabi pa ni kuya Enzo at nakangiting ginulo ang buhok ko. Pagod na pagod na 'ko.




Malapit na mag alas 10. Patuloy pa rin kami sa paghanap ng matutuluyan. Walang kasiguraduhan kung makakapasok kami ni kuya Enzo bukas dahil sa sitwasyon namin ngayon. Sumasakit na rin ang paa ko sa kalalakad. Wala pa akong pahinga mula kanina dahil galing pa ko sa trabaho. Nang mapansin ni kuya Larry na nahihirapan na 'ko maglakad dahil sa gamit ko ay kinuha niya ito para siya na ang magbuhat. Ngumiti lang ito sa akin na para bang wala kami sa ganitong klase ng sitwasyon.



Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay biglang may tumigil na titanium grey na kotse. Nagulat pa ako ng bigla itong bumusina. Senyales na tumigil kami sa paglalakad. Kaagad namang humarang sa'ming dalawa ni kuya Enzo si kuya Larry na para bang handang handa na kaming protektahan sa kung ano mang pwedeng mangyari.





"Lara? Ikaw ba 'yan?" dinig kong tanong ng isang pamilyar na boses. Sumilip ako mula sa likod ni kuya at nakita ko si Mavs na sinisilip ako sa likod nila kuya.



"Sino ka?" tanong ni kuya Larry dito.



"Ah. Ako po si Maverick. Kaibigan po ni Lara." kaswal na pagpapakilala ni Mavs kay kuya.



"Lala,totoo ba sinasabi nito?" tanong naman ni kuya Enzo habang tinuturo si Mavs. Iritang hinawi ko pababa ang kamay nito na nakaduro kay Mavs.



"Oo. Kaibigan ko sa school. Roommate ko rin." sagot ko. Pero sa totoo lang ay nakakahiya na nakita niya kami sa ganitong kalagayan.




"Bakit kayo nasa tabing kalsada ng ganitong oras?May mga bag pa kayong dala." tanong naman ni Mavs. Hinila ko ito palayo ng konti kila kuya para ipaliwanag kung anong nangyari.




"Akala ko naman ay na- kidnapped ka na. Anong lagay niyo niyan ngayon? San kayo pupunta?" tanong nito sa'kin nag-aalala sa kalagayan namin.




"Hindi ko nga alam eh. Hindi naman kami pwedeng sumama kay kuya Larry sa Cavite." sagot ko. Wala na rin akong alam na pwede naming tuluyan.



"I can help." sabi pa nito na ikinagulat ko.


"Hindi na Mavs nakakahiya naman sa'yo." sabi ko rito at tinatanggihan na agad ang alok niya kahit wala pa.




"Lara. Just let me help. Okay? Konsensya ko pa kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo,lalo na sayo." wala na akong nagawa kundi pumayag na tulungan ni Mavs. Dinala niya kami sa unit niya para doon magpalipas ng gabi. Hindi naman na naka-angal pa si Mavs dahil si kuya Larry na ang nagsabi. Habang nasa school kami bukas ay hahanap siya ng murang apartment para sa'min ni kuya Enzo.



"Salamat Mavs ha." pagpapasalamat ko kay Mavy. Kung hindi dahil sa kanya baka sa tabing kalsada na kami magpalipas ng gabi.




"Anything,Lara. Malakas ka sa'kin 'di ba?" sabi pa nito bago ginulo ang buhok ko na natatawa pa. Hindi ko tuloy malaman kung sincere ba siya sa sinabi niya o ano.




Our Brightest TomorrowWhere stories live. Discover now