CHPTR 02

11 2 0
                                    

"One Latte for Zamira!" tawag ko sa um-order ng latte kanina. Nasa coffee shop ako ngayon nagtatrabaho syempre.

"Thank you, ma'am."sabi ko pa nang makuha na no'ng babae 'yung latte. Mukhang same school lang din kami base sa uniform nito. Malapit lang din kasi ito sa school kaya dito na 'ko nag-apply for part time job. Kulang kasi ang kinikita nila mama para matustusan ang pangangailangan naming magkakapatid.


"Lars!Paki linis muna no'ng isang table oh. Najejebs ako!" sabi ni Marco. Isa rin sa staff rito sa coffee shop. Kinuha ko naman sa kanya 'yung panlinis at kaagad na umalis sa counter para linisin 'yung ibang lamesa na na occupied kanina.



Narinig ko naman na tumunog 'yung bell na nasa may pinto. Senyales na may pumasok. Hindi naman na 'ko nag-abala pa na tingnan kung sino 'yon. Nasa counter naman si Ashley kaya may mag-aasikaso sa kanila.



"Are you done?" tanong 'nong nasa likod ko. Hindi ba niya nakikita na hindi pa 'ko tapos? Bulag ba siya?



"I'm done." sagot ko nang matapos kong punasan ang lamesa bago ko ito nilingon. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko sa harapan ko si Dragon. Teka...Dragon nga ba 'yon?



"What a small world. Dito lang pala kita makikita." sabi pa nito bago tuluyang umupo. Inis ko naman itong iniwan doon at nagpatuloy na lang sa paglilinis ng iba pang lamesa.



"Lars!Ako na 'yan." sabi ni Marco na kalalapit lang sa gawi ko. Agad ko namang ibinigay dito ang gamit at bumalik an ulit sa counter. Hanggang 8:00 PM lang ako rito dahil nakiusap ako sa manager dahil may mga school works pa rin ako at syempre kailangan ko rin mag-aral sa bahay.



"Ang pogi!" rinig kong sabi ni Ashley habang nag-aayos ng order.



"Ha?" takang tanong ko rito.



"Kita mo 'yon?" sinundan ko naman ng tingin ang kamay niya. "Sa Matthews ka nag-aaral 'di ba? For sure nakikita mo siya parati. Ang swerte mo girl! Araw-araw ka nakakakita ng pogi." kinikilig na sabi nito habang pinapanood si Dragon.




"Hindi ko 'yan nakikita parati 'no! Tsaka anong pogi?!" sagot ko rito habang tinutulungan siya. Alam ko na pogi siya pero kailangan ko i-deny! Galit ako sa kanya okay?!



"Sus! Alam mo kung matalino lang ako kagaya mo susundan ko 'yan sa Matthews kahit mahirap lang ako. Kaso eguls sa utak. Kaya dito na lang ako ako sa coffee shop sisilay." sabi pa nito sa'kin. Nang handa na tawagin ni Ashley ang Dragon na 'yon ay biglang umeksena si Marco.




"Order ba 'yan ni Dragan?" tanong nito kay Ashley. Dragan pala. Akala ko Dragon. Malapit naman ah.




"Oo. Bakit?" tanong ni Ashley rito.




"Sabi niya kasi sa'kin dalahin na lang daw sa kanya ni Lars. Kilala mo ba 'yon?" sabi nito na ikinagulat ko. Ako pa talaga ang magdadala?! Wala ba siyang paa at kamay para kuhanin 'tong order niya rito.




"Medyo?" sagot ko. Agad namang ibinigay sa'kin ni Ashley ang tray at pinalabas ako sa counter para ibigay kay Dragan ang order niya. Pa VIP ampt!




"Here's your order,Sir." inilapag ko na ang order niya sa mesa at pekeng nginitian ito.



"Wait." sabi pa nito nang paalis na 'ko kaya inis kong nilingon ito at pekeng ngumiti ulit.



"Yes,Sir?" bait-baitang sabi ko rito. Kung pwede ko lang itapon sa kanya ang in-order niya ay naitapon ko na kanina pa.



"Sit down." utos nito sabay turo sa upuan sa harap niya.



Our Brightest TomorrowWhere stories live. Discover now