CHPTR 04

12 2 0
                                    

"Lara! Dalian mo may meeting ang music club!" sigaw sa'kin ni Jaedah. Nagpapanic na. She's also a friend of mine but nasa ABM siya kaya magkahiwalay kami. Brainy 'to sa math eh 'di ko keri.

"Ito na!Teka lang!" sigaw ko rito pabalik nasa may labas kasi siya ng room tapat ng binta. Iniintay ako para sabay na kami pumunta sa music room.

"Ang tagal ha...'Pag tayo talaga na-late." sabi nito pagkalabas ko sa room.


"Akala mo naman napaka big deal. Sigurado naman ako na tungkol lang sa Foundation Day ang pag m-meeting-an." sagot ko naman dito habang naglalakad kami papunta sa music room medyo malapit lang naman 'yon sa building ng HUMSS kaya 'di gano'n ka-hassle. Ewan ko ba rito kay Jaedah masyadong excited um-attend ng meeting.

"Ay! Wow...Lang ha?Lang. Nakakaloka ka. Foundation Day 'yon 'no." sabi pa nito. Foundation Day na kasi next week and lahat ng clubs ay nagpe-prepare na para doon. Kaya halos lahat ay abala sa pa-meeting keme.


"Tutugtog tayo. Nasabi na sa'kin ni Pres." sabi pa nito na ikinabigla ko. Ang ipinasok ko lang naman sa music club ay para magturo sa mga junior namin sa pagtugtog ng ibang instruments. Bakit kailangang kasama ko sa tutugtog.


"Bakit naman walang nababanggit sa'kin? Ano? Favoritism? Porket jowa ka?" sagot ko naman dito. Oo. Boyfriend ng malanding 'to si AJ. Ang President namin sa music club. Kasama rin naman ako sa officers pero hindi ako gasino nakaka-attend dahil nga sa trabaho. Naiintindihan naman daw nila kaya okay lang.

"Gaga! Hindi 'no! Nabanggit niya lang sa'kin kanina. Hindi naman kami nakakapag-usap masyado dahil pareho kaming busy." sagot nito sa'kin. Grade 12 na kasi ang boyfriend niyang si AJ at sa pagkakaalam ko ay player din siya ng basket team ng school.


"Hi guys!" masiglang bati nito nang makapasok kami sa loob ng music room. Marami na ring tao sa loob at ang iba ay nag-aaral ng tumugtog ng ibang instruments. Napatingin naman sila sa'min dahil sa lakas ng boses ni Jaedah.


"Lara! Tagal mo na 'di nakaka-attend ha...Pero it's okay lang naman. We understand." salubong sa'kin ni Khaycee. Agad naman nitong isinukbit ang kamay niya sa braso ko at iginaya ako papunta sa harap.


"Busy eh, sorry." sagot ko rito. Ngumiti naman ito bago humarap sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang,Lara. Naiintindihan naman namin. Basta if you need help,I'm just here okay?" sabi nito. Nginitian ko naman ito. Mabuti na lang at may mga nakapalibot parin sa'kin na hindi ako hinuhusgahan dahil sa issue at sa estado ko sa buhay. I'm so thankful to have them.


"Salamat."sagot ko pa.

"Ate Lara,can you help me to play this?" tanong sa'kin ng isang junior kaya pinakawalan na 'ko ni Khaycee.

"Sure." sambit ko bago kami umupo sa upuan. Ilang minuto ko lang ito naturuan dahil pinatigil na kami ni Pres para sa meeting. Ngunit nang nasa kalagitnaan na kami ng meeting ay biglang bumukas ang pinto kaya natigil sa pagsasalita si Pres at natuon ang atensyon namin sa pagbukas ng pinto. Nagulat naman ako ng makita si Dragan. Kailan pa 'to kasali rito?! Ni hindi ko nga siya nakikita rito dati tuwing may meeting.


"Sorry I'm late." sabi nito kay AJ. Tumango lang naman ito rito at kaagad na umupo sa katabi kong upuan.


"I didn't know you're here." bulong nito sa'kin pero alam kong narinig din iyon nila Khaycee at Jaedah na katabi ko lang dahil napatingin sila sa'min.


"Kailangan pa bang malaman mo?" sarkastikong sagot ko rito. Hindi ko naman na ito pinansin pa at tinuon na lang ang atensyon kay AJ na nagsasalita sa unahan. Maya maya pa ay tumayo na rin si Dragan at pumalit kay AJ sa harap dahil siya naman ang may sasabihin. Puro tungkol lang naman 'yon sa mga gagawin namin sa foundation day. Club namin ang nakatoka sa dedication booth at pag-uusapan na lang ulit kung sino sino ang magsasama kada shift. Two weeks gagawin 'yon at sa last day ay open 'yon para sa mga outsiders pero kailangan parin ng registration fee na 50 pesos.


Our Brightest TomorrowWhere stories live. Discover now